In my own humble analysis, mukhang may nagbabadyang mga pagbabago sa cryptocurrency market that can be chaotic for some months before it can be able to get back to its feet and be running again. Itong nakikita natin ay mga sintomas ng mga problema sa merkado...isang problema ay ang perceived lack of value and usefulness ng maraming platforms already in the market. Aminin natin na marami sa mga projects ay walang kabuluhan, gaya-gaya lamang at walang direksyon ang marami kung saan patungo...ikaw nga pera-pera lang ang dahilan nila kaya ayun pagkatapos makakuha ng pera eh di na alam ano gawin. Kahit nga ang Bitcoin ay marami din ang nagtatanong kung kailangan ba talaga natin ito...di ba kaya aksaya lang ito sa needed power to make it work in the first place? Marami ang nawalan na ng gana sa cryptocurrency at nakikita natin na ang volume of demand is not there anymore (compared to previous months) at marami ng mga tokens ang tuluyan ng nawalan talaga ng buyers (at viable volume para di paalisin sa mga exhanges).
Nasa punto ka at yan talaga ang katotohanan na nangyayari sa ngayon, dagdag mo pa ang mga bansang nag baban sa mga crypto nagiging rason din ito upang maging konti ang mga investor sa crypto... sa palagay ko naman ay kahit sabihin na nating tama ang opinyon mo pero parang malabo talagang mamatay ang crypto kasi marami din naman ang nagagamit na ngayon sa aktwal na buhay at marami na din ang nag buhos nang oras at pera sa crypto kaya gagawin nila ang lahat upang mabuhay lamang ang idustriyang ito. Bagamat mababa sa ngayon ang presyo at market nang crypto ay umaasa pa din ako na sana ay umakyat ito para makabawi din naman ako sa mga pag hihirap ko... ^_^..