Ang Segwit2x ay isang upgrade sa Protocol ng Bitcoin, mas palalakihin nito ang kapasidad ng Bitcoin na tumanggap ng maraming transaksyon. Kaso may ilang mga grupo na hindi sang ayon sa upgrade na ito, sa kadahilanang wala itong tinatawag na Replay Protection.
November 9, 2017 nakansela ang Segwit2x. Sa pag kansela nito ang mga malalaking investors ay nawalan ng pag-asa na makakakuha sila ng Free Coin sa mangyayaring Segwit2x upgrade gaya ng ngyari sa Bitcoin upgrade noong August 1, 2017 nag karoon ng Free Coin na tinatawag na Bitcoin Cash (BCH) at ito ngayon ay bumubulusok sa pag taas ng presyo sa kadahilanan na hindi na ipapatupad ang Segwit2x upgrade. Nag lilipatan na ngayon ang mga Bitcoin (BTC) investors sa Bitcoin Cash (BCH) dahil sa takot na hindi na mareresolbahan ang problema ng Bitcoin sa sistema nito.
Sa mundo ng cryptocurrency, mayroon talaga mga tao bagay at kung ano pa yan na gusto pabagsakin si Bitcoin or maunahan man lang, pero sa dinami dami na ng masamang balita na nangyari kay Bitcoin ay ngayon kapa susuko? LOL