Sa nakaraang kong post nalaman natin ang
Ibat - ibang uri ng Consensus Algorithm kung saan nalaman natin kung paano nag-gegenerate na bagong
Block ang mga bawat Consensus Algorithm. Ngayon pag uusapan naman natin kung ano nga ba ang
Hash Function. See you
Ano nga ba ang Hash Function?Ang Hash Function ay isa ding vital part ng
Blockchain Technology , kumbaga isa rin siya sa bumubuhay dito , kung alam natin kung paano gumagana ang Hash Function, malalaman narin natin kung paano gumagana ang Blockchain (lalo na sa mga transactions ID nito). Ang
Hash Function ay
isang mathematical process na kung saan ay tumatangap ito ng input data na gumagawa ng output data na naka fixed sized itoSa wikang Ingles :
a hash function takes an input of any length and creates an output of fixed length.
Halimbawa sa mga crypto exchange , sabihin natin sa
Liqui.io kapag nag lologin tayo dito bago tayo makapasok sa account na proproduce ito ng isang authentication code (set of hash) para maka log in tayo dito , imbes na isang plain text lang nag proproduce siya na hash para narin sa security, maling hash hindi ka makakapasok account.
Para maintindihan pa natin kung paano gumagana ang
Hash Function bisitahin natin ang site na ito :
https://www.fileformat.info/tool/hash.htm Note : Ang Hash Function ay ginagamit sa comparison process , hindi sa encryption. Ang Hash Function ay kadalasang ginagamit sa password natin Trivia : Pwedeng malaman ang ating password gamit lang ang hash na ginawa nito
Ano nga ba ang Hashing AlgorithmAng
Hash Algorithm ay isang hash function na nagko-convert ng
String data sa
numeric string na may fixed sized o length.
Ang mga
Hash Algorithm ay karaniwang ginagamit sa mga cryptocurrency tulad sa
Bitcoin -> Secure Hash Algorithm 256 (SHA-256) , sasusunod kong post paguusapan natin ang mga hashing algorithm ng mga cryptocurrency.
Karaniwang ginagamit na Hash Algorithm- Message Digest 5 (MD5)
-Ang Message Digest 5 (MD5) ay pinakilala noong April 1992 Ronald Rivest , Ang MD5 ay isang hashing algorithm na ginagamit upang mag produce ng 128 bit hash value.
- Secure Hash Algorithm
- Ang Secure Hash Algorithm ( SHA) ay ginawa ng National of Standards and Technology bilang isang U.S Federal Information Processing Standard ang SHA ay isa sa pamilya ng Cryptographic Hash function.May apat ng klase ng SHA base sa kanilang structure ito ay : SHA-0, SHA-1, SHA-2 at SHA-3. Ang SHA-0 at SHA-1 ay hindi na recommended gamitin sa ngayon sapagkat sa kadahilanang security holes nito.Ang SHA-2 at SHA-3 ang ginagamit na sa ngayon.Ang SHA-2 ay binubuo ng six hash functions : 224, 256, 384 or 512 bits: SHA-224, SHA-256, SHA-384, SHA-512, SHA-512/224, SHA-512/256
Hash Function sa BlockchainSa Blockchain, ang Hash Function ay makikita natin sa kahit ano mang aspekto nito tulad ng sa
Bitcoin mining, sa mga transactions nito, sa pag-gegenerate na mga wallet addresses at marami pang iba.
My Future Post PlanSa susunod kong post paguusapan naman natin ang mga Karaniwang ginagamit ng Hashing Algorithm sa mga crypto tulad ng SHA-256 , SCRYPT, X11 at iba pa.
At sa mga hindi pa nakabasa ng aking previous post :
Ibat - ibang uri ng Consensus Algorithm , basahin niyo po para maging pamilyar tayo sa Blockchain Technology lalo na sa mga kumukuha palang ng kaalaman sa crypto.
See you sa susunod kong post