Pages:
Author

Topic: KINGDOM FILIPINA HACIENDA MONEY - page 2. (Read 242 times)

legendary
Activity: 3346
Merit: 1134
Leading Crypto Sports Betting & Casino Platform
February 09, 2020, 08:24:43 PM
#11
Parang naglalaro lang ng bahay bahayan ang mga ito.
Ano ba talaga ang goal?
Freedom from their own country or para mailagay lang ang kanilang mga mukha sa pera?

Mahirap intindihin ang intensyon nila pero may mali pa din.
Kung walang tamang batas ay magiging magulo ang isang bansa.
Magiging talamak ang krimen.
Yun ang una nilang isipin muna. Sumunod sa batas at nakasaad doon kung paano magkakaroon ng value ang isang papel na pera.

In fairness, effort sa pag gawa ng pera ha at pag imprenta. Aksaya sa papel.
hero member
Activity: 3024
Merit: 629
February 09, 2020, 08:08:24 PM
#10
Napanood ko din ito kagabi pero bakit kaya walang ginagawa ang gobyerno na sumasakop sa kanila para mapigilan ang ganito?

Kawawa lang yung mga nagpapa member at naloloko dito, useless ang pera kung hindi sya magagamit sa pagbili sa ibang lugar. Dapat mapigilan na ito habang maaga para wala na silang mauto.

Maganda rin na naipalabas ito para maging aware ang iba lalo na yung mga taga Iligan na hindi pa member na wag maniwala dahil sa huli sila lang din ang magiging biktima.
hero member
Activity: 2632
Merit: 787
Jack of all trades 💯
February 09, 2020, 06:45:03 PM
#9
Nang mapanood ko ito sa KMJS, ang sumagi sa isipan ko na mali talaga ito dahil pinakikita talaga dito na napakadaling masilaw talaga ang isang tao pagdating sa malaking halaga ng isang pera kaya natatangkilik at nauuto kaagad ang mga tao sa Filipina Hacienda sa Iligan City. Sa tingin ko, dapat mapatigil ng ating gobyerno ang mga ganitong klaseng pangyayari dahil hindi pupwedeng maging alternatibo ito sa ating Philippine Peso at hindi ito awtorisado o legal sa ating bansa.

Kadalasan kasi binibiktima is yung mahihirap nating kababayan na aasang yayaman dahil madali silang masilaw sa mga mababangong salita kaya naman mainam na naitampok Ito ng KMJS at na expose ang samahan nila na nangloloko ng kapwa. At tsaka dapat umaksyon na ang sec dyan or ang bsp upang maparusahan  ang sangkot at di na pamaresan iba pa.


legendary
Activity: 2576
Merit: 1655
February 09, 2020, 04:26:54 PM
#8
Kung hindi awtorisado ng Bangko Sentral ng Pilipinas walang silbi yang perang yan. Mga pinoy talaga mag-iimbento na lang pekeng salapi pa, I don't know kung ano rin ang nagho-hook sa iba na sumali pero one thing I am for sure is the "easy money" idea na kung bagkus tangkilikin rin ng iba o makahikayat sila ay mas lalago yung value ng pera.

Mahuhusay talaga tong mga to eh, ang galing umisip ng paraan para maka pangloko ng mga kapwa Pinoy. At palagay ko at tinatarget nito yung mga taong madaling mabola at yung mga kapos sa buhay dahil ito ung mabilis maniwala dahil gusto nilang magkasalapi agad at umangat ang buhay.

Sana mahuli man kung sino yung may pasimuno ng scam na yan at sana ang pamahalaan ay mag-take action na mahinto ang ganitong gawain kasi talagang inuuto nila yung mga tao na tangkilikin ang pekeng salapi na yan.

At sana kung mahuhuli eh mahuli sila na hindi pa madaming mabibiktima. Karamihan kasi kung kelan putok na putok na ang balita, marami nang naloko at saka pa lang mairereport sa autoridad at kadalasan huli na ang lahat.
legendary
Activity: 3374
Merit: 1922
Shuffle.com
February 09, 2020, 03:53:05 PM
#7
Nang mapanood ko ito sa KMJS, ang sumagi sa isipan ko na mali talaga ito dahil pinakikita talaga dito na napakadaling masilaw talaga ang isang tao pagdating sa malaking halaga ng isang pera kaya natatangkilik at nauuto kaagad ang mga tao sa Filipina Hacienda sa Iligan City. Sa tingin ko, dapat mapatigil ng ating gobyerno ang mga ganitong klaseng pangyayari dahil hindi pupwedeng maging alternatibo ito sa ating Philippine Peso at hindi ito awtorisado o legal sa ating bansa.
Pipigilan lang nila yan kapag malala na yung sitwasyon, pero sa ngayon malabo na gawan nila ito ng aksyon dahil wala namang tumatanggap nang mga ganyang klase na pera sa labas ng lugar nila.

Kung hindi awtorisado ng Bangko Sentral ng Pilipinas walang silbi yang perang yan. Mga pinoy talaga mag-iimbento na lang pekeng salapi pa, I don't know kung ano rin ang nagho-hook sa iba na sumali pero one thing I am for sure is the "easy money" idea na kung bagkus tangkilikin rin ng iba o makahikayat sila ay mas lalago yung value ng pera.

Sana mahuli man kung sino yung may pasimuno ng scam na yan at sana ang pamahalaan ay mag-take action na mahinto ang ganitong gawain kasi talagang inuuto nila yung mga tao na tangkilikin ang pekeng salapi na yan.
Tama ka, yung isang miyembro na ininterview nila binanggit gusto maging milyonaryo kaya sumali at nakakamangha yung iba umaabot ng ilang daang libo yung pinapasok na pera. Grabe yung reyna nila habang kinakausap lakas ng loob parang mananakot pa kahit obvious naman na scam.
sr. member
Activity: 1078
Merit: 256
February 09, 2020, 02:09:57 PM
#6
Grabe naman bago nanaman parang maharlika money na meron ding sariling banko sentral, sana lang ingat tayo at kung meron tayong kakilala or mahal sa buhay na nahuhumaling sa ganitong klase ng industriya pahalagahan natin at i-guide natin sila para makaiwas sa scam. Mapansin sana ng gobyerno natin yung mga taong nagpasimuno nito at mabigyan na kaukulang attenyon bago pa lumaki ung network at bago dumami and maloloko.
sr. member
Activity: 966
Merit: 274
February 09, 2020, 01:45:38 PM
#5
Nang mapanood ko ito sa KMJS, ang sumagi sa isipan ko na mali talaga ito dahil pinakikita talaga dito na napakadaling masilaw talaga ang isang tao pagdating sa malaking halaga ng isang pera kaya natatangkilik at nauuto kaagad ang mga tao sa Filipina Hacienda sa Iligan City. Sa tingin ko, dapat mapatigil ng ating gobyerno ang mga ganitong klaseng pangyayari dahil hindi pupwedeng maging alternatibo ito sa ating Philippine Peso at hindi ito awtorisado o legal sa ating bansa.
hero member
Activity: 2030
Merit: 578
No God or Kings, only BITCOIN.
February 09, 2020, 01:18:05 PM
#4
Kung hindi awtorisado ng Bangko Sentral ng Pilipinas walang silbi yang perang yan. Mga pinoy talaga mag-iimbento na lang pekeng salapi pa, I don't know kung ano rin ang nagho-hook sa iba na sumali pero one thing I am for sure is the "easy money" idea na kung bagkus tangkilikin rin ng iba o makahikayat sila ay mas lalago yung value ng pera.

Sana mahuli man kung sino yung may pasimuno ng scam na yan at sana ang pamahalaan ay mag-take action na mahinto ang ganitong gawain kasi talagang inuuto nila yung mga tao na tangkilikin ang pekeng salapi na yan.
sr. member
Activity: 685
Merit: 250
February 09, 2020, 11:46:30 AM
#3
Napanuod ko ito sa Jesica Soho, una palang sumagi na sa isip ko na mali ito, dahil nasa republika ng pilipinas ang Iligan, hindi siya pwedeng gumawa ng ibang pera na basta basta na lamang gagamitin sa bansa natin. Tulad nga ng wakas na kwento hindi siya kinikilala ng banko sentral n legal sa illegal, dahil isipin mo kung yan ay talagang kinikilalang alternatibo na pera sa pinas dapat wala ng membership ng 5k to 7k pesos para lamang tangkilikin mo yung pera, tapos ilegal din yung vehicle plate no. na hindi kinikilala mismo ng cityhall ng Iligan, so maliwanag na isa siyang scam. Ang tanung pano siya nakalusot sa ahensya ng gobyerno na makapag-operate ng ganyan?
sr. member
Activity: 910
Merit: 261
★Bitvest.io★ Play Plinko or Invest!
February 09, 2020, 11:32:10 AM
#2
Sa aking palagay, isa lamang itong kalokohan nanaman tulad ng Gzion at nagpapatunay na napaka uto-uto talaga ng pilipino pagdating sa pera kaya madalas tayo naloloko ng mga ibang bansa. Para saakin dapat talaga pinalilinaw sa mga tao na nakakaranas nito na dapat silang di maniwala dito dahil isang kasinungalingan ang pinararating sa kanila nito.
hero member
Activity: 2632
Merit: 787
Jack of all trades 💯
February 09, 2020, 08:03:45 AM
#1


Isa na namang bagong pananalapi ang naitampok sa Jessica Soho at Gaya ng Gzion meron silang sariling bangko,justice tribunal at iba pa at Ito pa kapag sumali ka ay kailangan mo magbayad ng 5k pesos which is napakalaking kahangalan para sa mga miyembro na sumali.

Ano ang masasabi nyo dito kabayan? Parami ng parami ang expose Ni Jessica Soho ah at magandang paksa ito.

Credit: photo ay kinuha sa Google.

Pages:
Jump to: