Pages:
Author

Topic: Kung blockchain ang gagamitin sa eleksyon - page 5. (Read 1502 times)

member
Activity: 182
Merit: 10
November 18, 2017, 05:47:15 AM
#17
Maganda yan maiiwasan na yyng laganap na dayaan ng mga pulitukong ganid sa kapangyarihan pero nasa mga botante parin kung iboboto nila yung mga kandidatong sa tingin nila ay karapatdapat at hindi na padadala sa bilihan ng boto
newbie
Activity: 37
Merit: 0
November 18, 2017, 05:23:07 AM
#16
Maganda nga sana para maiwasan yung panadaraya sa botohan pero may ilang politiko na timutumbasan ng pera yung boto eh. Kaya kahit gaaano kasecure sa blockchain, may mga binayarang tao rin kasi.
member
Activity: 238
Merit: 15
--=oOo=--
November 18, 2017, 03:31:16 AM
#15
kahit anu pa ang gamitin blockchain man o kahit ano pa man makakakita pa rin ng butas ang mga buwaya(politika) para mang-daya ganyan naman dito sa pilipinas. malinaw naman ang tanong na ''kung blockchain ang gagamitin sa eleksyon'' malamang gamitin nga nila yan. pero alam natin na malabo pa yan.
full member
Activity: 280
Merit: 100
November 18, 2017, 03:17:21 AM
#14
Mas maganda kung blockchain n ang gagamitin sa election para walang makapandaraya pero kailangan munang ipakilala kung paano at ano ang blockchain para maintindihan ng mga tao pero nkadepende rin sa mga botante kung ibebenta nila boto nila o hindi

sir kahit po anong gamitin natin sa eleksyon sa ating bansa kahit pa blockchain yan meron at meron pa din dayaan sino bang gumawa ng blockchain diba tao din kaya walang duda na kaya din nilang controlin ito at maka gawa ng masama pag eleksyon po kasi naka base yan sa pera. wala na po sa dignidad ng tao yan yung ibang machine nga nadadaya pa nila blockchain pa kaya.
member
Activity: 280
Merit: 10
November 16, 2017, 09:04:17 AM
#13
Mas maganda kung blockchain n ang gagamitin sa election para walang makapandaraya pero kailangan munang ipakilala kung paano at ano ang blockchain para maintindihan ng mga tao pero nkadepende rin sa mga botante kung ibebenta nila boto nila o hindi
member
Activity: 322
Merit: 15
November 13, 2017, 07:24:52 AM
#12
Panigurado kaunti magiging maganda ang eleksyon dahil kakaunti lang ang chance na pwedeng dayain ang pagboto.
newbie
Activity: 41
Merit: 0
November 11, 2017, 11:30:47 PM
#11
Kung blockchain ang gagamitin sa eleksiyon malamang mahirap itong madaya dahil marami ang makakalam nito lalo na kung pahahalagahan nang bawat tao ang kanilang boto. Ang problema lang nito kung ang iba ay patuloy na ibinebenta ang kanilang boto at kung hindi masyadong naipapaalam sa nakakarami ang mga bagong proseso nito king ito na ang gagamitin lalo na sa mga malalayong lalawigan
full member
Activity: 476
Merit: 100
www.daxico.com
November 11, 2017, 10:36:57 PM
#10
Makakapangdaya pa ba ang mga pulitiko?

Sa tingin ko makapangdaya pa rin sila kasi pwede nman mababayaran ang mag.ooperate ng isang system na blockchain based kaya pwede pa rin mamanipulate ito gaya na lang nung PCOS machines na sinasabing binabayaran daw ng mga pulitiko para lang sila ay mananalo.
full member
Activity: 868
Merit: 100
Proof-of-Stake Blockchain Network
November 11, 2017, 09:14:14 PM
#9
Oo naman kasi magagaling na gumagamit blockchain pwede nila palitan ito kasi kong account pa nga ng iba na hahack or na scam ito pa kaya syempre sa iba ipagbebenta na din nila ang boto nila para kumita tapos every buy nila ang payments na din is bitcoin kaya mas maganda ng ganon nalng sa dati para wala ng masyado problemahin ang gobyerno dito.
full member
Activity: 598
Merit: 100
November 11, 2017, 08:29:09 PM
#8
Makakapangdaya pa ba ang mga pulitiko?

posible nga na magamit pero tingin ko hindi basta maisasakatuparan yun. kasi kailangan pa rin ipaunawa sa ating mamamayan ang totoong paggamit nito at kung papaano ito gagana. mahihirapan silang manipulahin ang blockchain kung ito ay magagamit talaga sa halalan. pero dapat ngayon pa lamang ay naaaksyonan na ito kasi tingin ko matatagalan ito para ma convert sa ganung paraan
Ok sana yan dito sa pilipinas na blockchain ang ang gamitin sa eleksyon..kaso kahit my mga kanya kanya tayong private key kapag nasuhulan na wala rin..Gagawa at gagawa ng paraan ang mga pulitiko lalo na kapag alam nilang matatalo sila..
sr. member
Activity: 812
Merit: 260
November 11, 2017, 06:06:54 AM
#7
Makakapangdaya pa ba ang mga pulitiko?

posible nga na magamit pero tingin ko hindi basta maisasakatuparan yun. kasi kailangan pa rin ipaunawa sa ating mamamayan ang totoong paggamit nito at kung papaano ito gagana. mahihirapan silang manipulahin ang blockchain kung ito ay magagamit talaga sa halalan. pero dapat ngayon pa lamang ay naaaksyonan na ito kasi tingin ko matatagalan ito para ma convert sa ganung paraan
sr. member
Activity: 518
Merit: 278
November 11, 2017, 05:55:30 AM
#6
Sa totoo lang marami ng proposals dati ang ginawa ukol sa paggamit ng blockchain pagdating sa election, specifically sa part ng registration at voting. Yung ginawa ng mga tiga-Plymouth University ang isang halimbawa nito. Base sa nabasa ko na ginawa nila, magiging encrypted lahat ng boto at ang tanging paraan lamang para makapangdaya ang kung sino man na gustong mandaya ay i-hack ang entire service network na gagamitin sa eleksyon, na imposible magawa dahil bawat voters ay may kanya-kanyang private key para maaccess o ma-decrypt ang kanilang account. Pwera nalang syempre ito kung gagamit sila ng malware o i-intercept nila ang bawat private keys ng voters, gaya ng sabi ni Dr. Jeremy Clark ng Concordia University..

Pero, so far, I think magandang maisakatuparan nga na maging blockchain-based ang voting system. Pero sigurado ako na medyo matatagalan nga lang yan bago mai-implement dito sa atin, lalo na't hindi pa ganun kalawak ang kaalaman ng mga tao dito tungkol sa blockchain technology. Subalit posible yan kung ang pag-uusapan na ay mga bansa na aktibo sa pag-develop at pag-innovate ng kanilang security, like Russia, US, Germany, Japan, Australia, Denmark, at iba pa.

Nga pala, nasubukan na dati ng Denmark ang paggamit ng blockchain sa small scale voting noong 2014. Ginamit nila yan para mag-elect ng mga kandidato sa Liberal Alliance. Ginawa rin yan dati sa Australia pero sa small scale voting lang din.

Sa ano pa man, nasa ibaba ang ilang mga reference na pwede niyong basahin pagdating sa paggamit ng blockchain-based voting system sa election. Maganda yan basahin, lalo na kung interesado kayo sa kung ano ang maiko-contribute nito sa security at integrity ng ating magiging mga eleksyon kung sakaling mai-implement na yan dito sa ating bansa.

Don Tapscott and Alex Tapscott. 2016. Blockchain Revolution: How the Technology Behind Bitcoin Is Changing Money, Business, and the World. Penguin, Random House, LLC.

Research Handbook on Digital Transformations (ed. F. Xavier Olleros, Majlinda Zhegu). Edward Elgar Publishing, 2016.

Stephen Fleming. 2017. Blockchain Technology: Introduction to Blockchain Technology and its impact on Business Ecosystem. Pronoun.
copper member
Activity: 882
Merit: 110
November 11, 2017, 04:40:27 AM
#5
Makakapangdaya pa ba ang mga pulitiko?
Ang sagot dito ay oo at hindi. Kung gagamitin ang blockchain sa pag boto sa official eleksyon magiging malinis ang botohan at maiiwasan na yung bawas dagdag sa mga boto dahil permanente na ang mga data sa blockchain at hindi pwedeng palitan ng kahit na sino at isa pa open source ito kaya malalaman natin kung may kahinahinalang code na nakalagay. Pero hindi ibig sabihin nito na totally na mawawala na ang pandaraya, nasa voters parin yan kung ipagbibili nila ang boto nila sa maliit na halaga at wala ng magagawa ang blockchain para dyan dahil ito ay software lang.

ganon pa din naman e kahit hindi blockchain makikita pa din kung nagbago ng code tulad nung nakaraan kay marcos at robredo diba may binagong code pag kagising natin lamang na agad si robredo yun nakita nila na may nabago at ngayon pinepetisyon nila


Oo, pero hindi na pulitiko ang nandaya pag pinagbili ang boto, yung taong nagbenta ng boto nya ang nandaya sa sarili nya. Siguro iniisip din nila na di naman mananalo yung iboboto nila kaya binebenta na lang nila. Pero kung blockchain ang gagamitin baka maisip nila na malinis ang magiging resulta.

Yung kila Marcos - robredo hanggang ngayon wala pa ring huling hatol kasi raw walang matibay na ebidensya. Malamang kung blockchain ang gagamitin konting discrepancy lang pwede ng gamiting ebidensya laban sa mandaraya.
full member
Activity: 283
Merit: 100
November 11, 2017, 04:01:17 AM
#4
Makakapangdaya pa ba ang mga pulitiko?
Ang sagot dito ay oo at hindi. Kung gagamitin ang blockchain sa pag boto sa official eleksyon magiging malinis ang botohan at maiiwasan na yung bawas dagdag sa mga boto dahil permanente na ang mga data sa blockchain at hindi pwedeng palitan ng kahit na sino at isa pa open source ito kaya malalaman natin kung may kahinahinalang code na nakalagay. Pero hindi ibig sabihin nito na totally na mawawala na ang pandaraya, nasa voters parin yan kung ipagbibili nila ang boto nila sa maliit na halaga at wala ng magagawa ang blockchain para dyan dahil ito ay software lang.

ganon pa din naman e kahit hindi blockchain makikita pa din kung nagbago ng code tulad nung nakaraan kay marcos at robredo diba may binagong code pag kagising natin lamang na agad si robredo yun nakita nila na may nabago at ngayon pinepetisyon nila
full member
Activity: 490
Merit: 106
November 11, 2017, 03:52:03 AM
#3
Makakapangdaya pa ba ang mga pulitiko?
Ang sagot dito ay oo at hindi. Kung gagamitin ang blockchain sa pag boto sa official eleksyon magiging malinis ang botohan at maiiwasan na yung bawas dagdag sa mga boto dahil permanente na ang mga data sa blockchain at hindi pwedeng palitan ng kahit na sino at isa pa open source ito kaya malalaman natin kung may kahinahinalang code na nakalagay. Pero hindi ibig sabihin nito na totally na mawawala na ang pandaraya, nasa voters parin yan kung ipagbibili nila ang boto nila sa maliit na halaga at wala ng magagawa ang blockchain para dyan dahil ito ay software lang.
newbie
Activity: 34
Merit: 0
November 11, 2017, 03:47:41 AM
#2
Makakapangdaya pa ba ang mga pulitiko?

Sa tinging ko maganda rin kung gagamitin ang blockchain. Kaso dahil ang daming paraan ng pandarayan, hindi totally ma-iiwansan. Pero malaking bagay yan siguro sa national election.
copper member
Activity: 882
Merit: 110
November 11, 2017, 03:27:44 AM
#1
Makakapangdaya pa ba ang mga pulitiko?
Pages:
Jump to: