Kailangan ko lang ideya. Baka sa inyo ako mainspire.
Ok walang tatawa ha. seryoso to... kung may isang milyong piso ka, bili ka motor tapos magpautang ka sa mga small time businessmen; patubuan mo 10%. buy and sell ka din kulambo, buy mo at 50 pesos tapos sell mo 120 pesos... yung payong makakakuha ka sa divisoria nun mga 30 pesos each magagandang klase na yun, ibenta mo ng 250. Yan ang pwede mong gawin na wala kang talo at wala kang lugi dahil hindi nasisira or nabubulok ang mga goods mo. #respect
oo maganda yang buy n sell, dagdag mo na rin ang pagbili ng Tanduay, inumin mo at ibenta mo lang ang botelya. Mag enjoy ka na may kita ka pa.. hehehe
Seryoso, tama nga nmn sinabi nya, ang dami pwede ibuy n sell, ang tanong jan malaki ba market sa lugar mo. Yan lang naman ang techniques tirahin mo yung demand sa lugar nyo. Like example, may habalx2 sa lugar nyo at napansin mo andaming may motor, eh di magtayo ka ng motorparts at vulcanizing shop.
Business is a helping concept not just about money. Kung ano makakatulong sa lugar nyo o pagtayoan mo jan ka tumitira..
HAHA! takte nabilaukan ako sa "Tanduay". bakit naman Tanduay talaga yung brand?
hehe pero may natutunan ako sa reply mo amigo... "Business is a helping concept not just about money." apir!