Maganda naman mga suggestions ninyo kabayan for safety lang din naman yan sa part ng lender, pero personally ayaw ko ng mga videocall or magbigay ng ID kasi nasa crypto tayo, dapat i promote rin natin ang anonimity.
Suggest ko lang, mag base nalang kayo sa reputation ng account, syempre yung merong capacity to pay, dapat yan ang first bases, to determine it, kailangan meron siyang campaign para may weekly na kita, tapos doon nalang kayo mag base kung hanggang magkano ang kaya nyung ibigay, sana wag long term para madali lang mabalik ang pera, siguro max na yan one month sa term or 5k sa loan amount kasi parang for emergency purposes lang naman ito tapos di rin gaano kalaki ang perang pinautang so minimize the rin ang risk.
Mahirap na kasi pag nag go after ka pa sa borrower mo... Kahit meron kang ID na hawak, hindi rin naman yan i honor ng batas kasi kahit sino naman pwedeng gumamit ng account natin dito.. Ang suggestion ko lang is parang prevention nalang, tapos pag di nagbayad, red tag nalang ang kaya nating gawin.
Agree ako sa suggestion mo kabayan. Kahit sa totoong buhay, nakaranas ako magpautang, lahat may requirements, may trabaho, may IDs, may ATM, etc.
Pero pag makatapat ka ng taong palautang tapos walang planong magbayad, goodbye sa pera mo. Pero dito sa local natin dapat mas maging maingat kasi hindi mo din kilala pinapautang mo.
Kung ito yung business na e-establish niyo, tantsahin niyo rin yung risks at amount na kaya niyong ipaluwal sa nanghihiram sa inyo. At sa mga borrowers naman, ay maging considerate din sa mga lenders kahit na may patong yan. Dahil noong nangailangan kayo, pinagbigyan kayo.
Sabagay goods din naman itong suggestion na ito. Pero dapat high rank account para medyo sulit ang pagkared tag if ever na hindi nagbayad. At para nadin gumawa ng paraan kung sakaling hindi na mabayaran since hirap ngayong magpataas ng rank. Sa mga gustong umutang ang requirements lang sakin is active ang account, walang red tag siyempre, walang accusation, may signature campaign. Sa interes try muna sigurong mababa, try niyo din muna kung may maioffer kayong interest lang na kaya niyo. Kaysa nakatambak lang itong usdt ko dito. Siyempre sagot niyo fee sa transaction.
Good luck kabayan. Magaan yung requirements mo at sa mga manghihiram, goods na itong offer ni neil basta payment on time din with interest.