Bago lang ako dito sa forum.. Paano ba ako kikita dito, at saan ako pwedeng kumita ng mga ltcoins?
Ano po bang ether faucets na legit? At Ano po ba ibig sabihin ng signature campaign at Bounty? Newbie here. Thanks sa sasagot.
Pwede mo pong i-check ang Faucethub at Faucetdump. Ilan lang po yan sa mga website na may list ng mga faucets na pwede kang makakuha ng libreng ETH. Pero I don't think na magiging malaki pa po ang bigayan nila diyan lalo na ngayo't mataas na din ang value ng ETH.
Pagdating naman po sa signature campaign yan po yung ginagawang avenue to promote po yung isang project by using signatures. Madalas ginagamit po yan ng mga startup na maglulunsad ng ICOs para i-promote ang project nila dito sa forum. Pero hindi lang po siya exclusive dito sa Bitcointalk, mayroon mga forums na gumagamit din po signature campaigns katulad ng Cryptocurrencytalk at Bitcoin Garden. Sa pamamagitan kasi nito mapapansin ng mga potential investors yung ICO lalo na kapag yung posters ay active sa pagpost sa iba't ibang sections nitong forum.
Sa bounty naman yan po ay reward system na ginagawa sa mga tao na gusto makakuha ng free coins ngunit hindi sa paraan ng investment. Kapalit ng pagpapalaganap nila ng impormasyon patungkol doon sa ICO makakatanggap sila ng tokens once na matapos na yung crowdfunding event noong nabanggit. Sa bounty campaign hindi necessarily na kailangan mataas ang rank mo dito sa forum kasi ang kadalasang naka-incorporate diyan ay yung mga campaigns na tinatawag na external, o kumbaga ito yung mga campaigns na magagawa mo outside this forum tulad ng social media campaigns (Twitter, Facebook, YouTube, Telegram...), content creation campaigns, local community moderation, and so on.