I just want to bring up a local discussion about Facebook's cryptocurrency, Libra.
Alam nating isa ito sa pinakamainit na pinag-uusapan sa ngayon. Napansin ko kasing parang hindi pinapansin ng mga Pinoy dito itong usaping ito kaya gumawa ako ng thread. Alam nating ang Pilipinas ang isa sa pinakamahilig gumamit ng social media sa buong mundo, at naturingang "world's social media capital." At hindi lingid sa kaalaman ng lahat na ang Facebook ang numero unong social media dito sa bansa. Kaya mas magandang kilalanin din natin ang kanilang cryptocurrency.
Ano nga ba ang Libra at ano ang layunin nito?Ang Libra ay isang cryptocurrency na gagawin ng Facebook. Ang layunin ng Libra ay gumawa ng global digital currency kung saan maaaring mamili o magpadala ang user ng pera gamit ang Libra na halos walang babayarang fee.
Ibig sabihin ang Libra ay pag-aari ng Facebook?Bagama't ang Libra ay inumpisahan ng Facebook, hindi natin masasabing pagmamay-ari na ito ng Facebook. May tinatawag na Libra Association kung saan isa lamang ang Facebook sa mga founding members nito.
Ano ang Libra Association?Alam ng Facebook na hindi sila madaling pagkatiwalaan ng mga tao pagdating sa pamamahala ng Libra kung kaya't ang Libra Association ay nabuo. Isa lamang ang Facebook sa mga miyembro nito. Maliban sa Facebook, ang iba pang kasapi ng Libra Association ay ang Spotify, Uber, Paypal, Visa, ebay, Mastercard at iba pa. Balak ng Facebook na kumalap ng 100 founding members ng Libra Association. Paraan din ito upang mapabilis ang paglaganap ng Libra.
Bawat isang founding member ay magbibigay ng at least $10 Million, pagkatapos pumasa sa requirements na hinihingi ng association. At magkakaroon ng isang boto sa Libra Association council, kikita sa interest galing sa Libra reserve, at makapag-operate ng validator node.
Ano naman ang Calibra?Ang Facebook ay hindi naman talaga ang siyang mamamahala sa kanilang tungkulin sa Libra. Binuo nila ang isa pang kompanya na bagama't subsidiary ng Facebook ay separate ito at may ibang tungkulin. Ito ang Calibra. Ang Calibra ang talagang kompanya na miyembro ng Libra Association. Ito ang nagsisiguro ng privacy ng mga Libra users na may mga Facebook accounts. Sinisiguro nito na ang Facebook data ng mga users ay nananatiling private, at hindi ito magkakaroon ng mga ads base doon sa binabayaran mo gamit ang Libra.
Ano ang coin ng Libra? Ang coin ng Libra ay tinatawag din na Libra.
Ang salitang ito ay isang Roman unit ng timbang, kung sa atin ito ay parang kilo o gramo. Ang Lib din sa salitang Libra ay "free" sa salitang French. So parang nagsisimbolo din ang Libra ng "financial freedom." Ito naman ang kanilang symbol: ≋.
Magkaano naman ang halaga ng isang Libra?Kaya sinasabi ng iilan na ang Libra ay isang stablecoin dahil ang halaga nito ay hindi nalalayo sa totoong halaga ng fiat. Pero sa ngayon hindi pa naman talaga napagpasyahan kung magkaano ang isang Libra. Ang sigurado lang ay nais nila itong gawing stable upang mas nagagamit ito bilang pambili talaga. Hindi katulad ng ibang crypto, kasama na ang Bitcoin, na laging nagbabago ang halaga at ang isang tindahan halimbawa ay maaaring malugi kapag kinabukasan ang halaga ng bawat crypto na tinanggap niya ay bumagsak.
So papaano nila sinisiguro na ang halaga ng Libra ay mananatiling stable?Ang halaga ng Libra ay nakabase sa mga bank deposits at government securities sa iba't ibang fiat currency na stable din katulad ng USD, Euro, Yen, Pound, etc. Para maging consistent ang halaga ng Libra kahit na may mga fluctuations din sa halaga ng mga currencies na ito, sinisiguro ng Libra Association na balanse lagi ang composition ng mga ito. Sa madaling sabi, hindi lang laging nakafocus sa USD halimbawa o sa Yen. Nagdedepende ang composition ng mga depositong ito sa halaga din ng mga fiat currencies na bumubuo nito.
Okay. Medyo hindi ko naintindihan yun. Ano na lang, paano gamitin sa totoong buhay ang Libra? May mga wallet apps na nadadownload. Ang Facebook o Calibra ay may Calibra wallet app din. May mga third-party wallets apps din. Magcacash-in ka dito at icoconvert mo into Libra, or vice versa. Maaari ka ng bumili gamit ito sa mga stores, online man o hindi, na tumatanggap din ng Libra. May mga local resellers din katulad ng mga convenience stores or grocery stores kung saan maaari kang mag-load o mag-refill kapag kailangan mo na.
Ang mga Libra wallets na ito ay iniintegrate din sa iba pang apps katulad ng messenger o WhatsApp. Kung pamilyar kayo sa coins.ph, at least may idea kayo kahit papaano.
Ilan lahat ang supply ng Libra?Ganito ang proseso. Sa tuwing may magcacash-in at magcoconvert into Libra, ang fiat ay mapupunta sa Libra Reserve at automatic na magmimint ng katumbas na halaga sa Libra na ibibigay sa user. Ngayon, kapag naman magcoconvert from Libra into fiat o magcacash-out, ang Libra ay automatic na mabuburn at ibibigay sayo ang katumbas na halaga sa fiat. So parang 1:1 lagi ang ratio.
Anong blockchain ang ginagamit ng Libra?Ang Libra ay may sariling blockchain, ang Libra Blockchain. Dito nakaimbak ang mga data ng transactions ng Libra. Kung ang blockchain ng Bitcoin ay kayang magprocess ng 7 transactions per second at ang sa Ethereum naman ay 15 transactions per second, ang Libra Blockchain naman ay kayang magprocess ng 1,000 transactions per second.
Ito ay open source na may Apache 2.0 na lisensya. Ibig sabihin nito ay maaaring gumawa ng apps ang ibang mga developers gamit ito.
Ito lang muna sa ngayon. Mas maganda kasing mapag-usapan before sa 2020 launching. Tsaka mainit na usapin talaga 'to sa ngayon lalo't pati gobyerno, lalo na sa US, ay medyo umaangal sa planong ito. Tuloy parang napakalaki at napakarami ng hadlang sa development nito.
Ano naman kaya ang masasabi ng ating mga kababayan?
Sources:
https://techcrunch.com/2019/06/18/facebook-libra/https://libra.org/en-US/white-paper/https://developers.libra.org/