Nagagamit pa din naman yung Binance app kaya hindi gaanong nakakabahala na blocked na sila ng SEC. Habang may oras pa, ilipat niyo na yung mga crypto niyo sa mga safe na wallet tulad ng Electrum, nagamit ko pa kahapon yung Binance at nakapagtrade pa ako ng P2P kaya di pa kailangan na ganun kabahala pagdating sa ganito, tungkol naman sa ginagawa ng SEC na ito, sigurado akong mapipilitan ang karamihan sa atin na maghanap ng paraan para hindi magkaroon ng problema sa pagtrade, ang hinihiling ko lang sana ay last na siguro ang Binance sa mapagtripan ng SEC, nakakasawa magpalipat-lipat ng ginagamit na exchange tapos karamihan sa kanila ay ang hirap pa inavigate kasi naninibago ka.
For now talaga mukang ito ang magandang gawin para safe na rin, all though hindi naman maboblock ito totally dahil kahit ngayon pa lang maraming nagmethods ang naglilitawan para maaccess ang website, and anjan pa ang VPN.
Lima pa lang ito pero sa tingin ko hahaba pa ang listahan na ito kasi mukhang serious ang SEC natin na mag block ng mga foreign trading platform, mapabago man yan o mapaluma basta malaman nila na may mag Filipino na nag tetrade o maka receive sila ng report.
Sa katapos tapusan nito wala ng choice ang mga Filipino kundi mag sariling sikap kung saan sila pwede maka trade at dahil dito limited na ang mga option nating mga pinoy,nakakapagtaka at nakakapanghinayang lang kung kelan ang Crypto community ay lumalaki tsaka tayo nakakaranas ng ganito.
- Sa tingin ko madadagdagan pa yan, dahil madaming mga trading sa bansa natin ang hindi register na yung iba pa nga pinopromote ng mga influencers. So, dapat lang hangga't maaga pa ay magtransfer na yung iba dyan ng kanilang mga fund sa binance.
Sana nga lang, huli na ang Binance para hindi na maging sakit ng ulo sa ating mga kababayan na maghanap ng katulad ng sa Binance, kahit pa sabihin natin na madami parin ang pwedeng mangyari sa mga katulad nito sa hinaharap...
Sigurado yan kabayan mukang itutuloy talaga nila itong plano nila na ito, inuuna lang talaga nila ang Binance dahil malaking platform siya for sure if nagawa nila yan sa Binance kayang kaya din nila iblock yung mga iba pang platforms.
Gamitan mo ito ng table bbcode kabayan para mas maganda ang formatting at madaling maintindihan yung updates and content. Maaari mong gamitin reference itong thread
https://bitcointalksearch.org/topic/m.63919443 ni @1miau sa paggawa ng table bbcode at pwede ka dn magpatulong sa kanya.
Maganda itong idea mo para magsilbing warning sa mga kababayan natin na gumagamit pa dn ng mga platforms kahit na unlicensed.
Suggest lang sa title, mas maganda kung gagawin mo na listahan ng unlicensed crypto trading platform since nasa list din yung mga hindi pa blocked pero flagged na.
Salamat sa suggestion mo kabayan, aaralin ko itong format na sinasabe mo wala lang akong time sa ngayon, siguro kapag may maiidadagdag na ako sa list saka ko nalang siya aayusin ulet.