Good tutorial, pero this is good to note na tracked pa rin ng ISP ang browser's activity mo or mga accessed websites ike sa pag access ng Binance kahit mag change dns ka pa. So the consequences are still there na pwede kang makasuhan or jail time if ever na strikto ang SEC at authorities dito sa mga lalabag sa pag access ng blocked website. Ang pros lang ng changing ng dns ay kayang ma access ang site, while using vpn naman ay masked talaga ang browser activity ng ISP pero medjo tagilid sa pag access ng binance.
Kaya take care na lang sa mga susubok, i'm kucoin here btw.
Salamat sa heads up, hayaan mo na maglagay ako ng disclaimer sa bagay na yan, dahil ginawa ko lang naman ang tutorial na ito para sa mga may naipit na fund na mga kasama natin sa Binance, para mailipat sa ibang mga exchange, at wala din naman ako na ininencourage na gamitin nila ito ng permanently. Pwede naman nila itong magawa habang hindi pa full 100% na ban ang Binance sa bansa natin.
Interesting disclaimer about this method. Yeah my basis ka about possible legal action if ever mag mapping ang SEC ng mga law breaker. Much better talaga kung lilipat nalang sa alternative exchange na hindi pa affected ng ban since madami pa naman option.
Hindi ko na ginagawa itong trick na ito dahil baka makalimutan ko na nka setup while naglalaro sa casino ng mga games na may restrictions para sa akin since hindi kasi noticeable itong DNS change compared sa VPN na may active icon.
Siguro dapat ilagat itong disclaimer para alam lahat ng gagamit ang potential danger ng pagpilit na gumamit ng ban apps.
Salamat sa reminders at yan ang gagawin ko and besides para lang talaga yan sa mga may naipit na fund, at tama din na ibalik din sa dati, kasi naglalaro ka ng sugal for pre-caution narin.