Author

Topic: Listahan ng mga kagiliw giliw na istatistika ng Bitcoin (Read 78 times)

hero member
Activity: 2632
Merit: 833
Gumawa ako ng listahan ng nakaka akit na statistika ng Bitcoin, na kung saan ang mga kapaki pakinabang na data ay naa-access ng lahat.

Bilang karagdagan sa mga simpleng statistika tulad ng presyo, nagdagdag din ako ng mga statistika para sa isang malawak na mga paksa, tulad ng pagmimina, katanyagan sa mga indibidwal na bansa, bahagi ng mga addresses kung saan nakatago ang Bitcoin, kung kailan at gaano karaming Bitcoin ang inilipat, iba't ibang mga statistika ng network ng Bitcoin at marami pang iba.

Dahil mayroon tayong mga statistika para sa halos lahat, tanging ang pinakamahalagang bagay lang ang dapat talagang nakalista dito upang makakuha tayo ng mataas na kalidad na listahan.

Talaan








1. CoinMarketCap / CoinGecko / etc.

Ang CoinMarketCap at CoinGecko ay kilala sa pagsuri (nakaraang) mga presyo ng mga iba't ibang mga coin kabilang ang market capitalization, mga coin sa sirkulasyon, maximum na mga coin na umiiral, mga palitan kung saan ang mga coin ay kinakalakal at marami pang iba.

CoinGecko: https://www.coingecko.com/de





CoinMarketCap: https://coinmarketcap.com/






Presyo ng Bitcoin simula 2010

Karamihan sa mga website ay nagpapakita ng presyo ng Bitcoin mula 2014 hanggang kasalukuyan pero ito ang isang pahina na nagpapakita ng presyo ng Bitcoin mula 2010:



Link: https://www.buybitcoinworldwide.com/de/preis/






2. BTC.com

Ang BTC.com ay pangunahing kilala sa maayos nitong block explorer ngunit nagbibigay din ng iba't ibang istatistika tulad ng:

Miningpool-Share
Blocksize
Unconfirmed Transactions
Halving Countdown
Mining Difficulty
Transactions and Fees
Richlist
Script-Types (Addresstypes) (Addresstypes)


Pangkalahatang statistika



Pati na rin ang pangkalahatang estado pagmimina:


Pangkalahatang-ideya ng BTC



Pangkalahatang-ideya ng pagmimina


Link: https://btc.com/stats / https://explorer.btc.com/de/btc






3. CoinDance

And Coindance ay nagbibigay din ng malawak na statistika katulad ng BTC.com. Ngunit, ang focus ng Coindance ay sa market capitalization at higit pang mga generic na bagay, paghahanap sa Google o legal na status sa lahat ng bansa.
Bilang karagdagan, may mga paghahambing sa pagitan ng Bitcoin, Bitcoin Cash at Bitcoin SV.


pangagapital sa merkado




Dami ng Paghahanap




legal na Katayuan



Link: https://coin.dance/stats






4. Bitinfocharts

Pinapakita ng Bitinfocharts ng mga pangkalahatang detalye ng iba't ibang mga altcoins bukod sa Bitcoin (ngunit, tila itong nakakalito)::





Bilang karagdagan, may iba pang magagandang istatistika tungkol sa mga richlist ng address::



Gayunpaman, depende sa bawat Altcoin, hindi lahat ng istatistika ay magagamit.

Link: https://bitinfocharts.com/bitcoin/
Link: https://bitinfocharts.com/top-100-richest-bitcoin-addresses.html






5. Tingnan ang Bitcoin

Tingnan ang mga iba't ibang inaalok ng Bitcoin, mga kakaibang mga istatistika tungkol sa pag-unlad ng presyo ng Bitcoin. Kabilang dito ang mga heatmap (kung ang presyo ay "overheated"), ang sikat na modelo ng stock-to-flow o kung ilang araw ang presyo ng Bitcoin ay mas mataas kaysa ngayon (mga araw na kumikita ng Bitcoin).
Higit pa rito, mayroong iba't ibang mga graph tungkol sa HODL at mga aktibong address, atbp.


Ang sikat na stock to flow model. Walang nakakaalam kung ito ay totoo, ngunit ito ay napaka-bullish.




HODL share. Isang kawili-wiling tagapagpahiwatig kung kailan maaaring kumikita ang pagbebenta / pagbili.




Mga Araw na kung saan kumita sa Bitcoin

Link: https://www.lookintobitcoin.com/charts/





6. Mempool Statistiken

6.1. Mempool Jochen Hoenicke

Ipinapakita ng Jochen Hoenicke mempool  ang lahat ng mga transaksyon sa mempool (mga transaksyon na kasalukuyang naghihintay ng kumpirmasyon). May kabuuang 3 kategorya ang inaalok::


- Bilang: Kung ilan ang mga transaksyon na hindi pa nakukumpirma
- Bayad: halaga ng hindi pa nakukumpirmang transaksyon (sa BTC)
- Bigat: Timbang ng lahat na transaksyon (sa vMB) na naghihintay ng kumpirmasyon sa mempool.

Pinapadali ng Mempool ni Jochen Hoenicke na tantyahin kung anong bayad ang dapat mong piliin para sa iyong transaksyon upang makumpirma ito sa isang tiyak na tagal ng panahon.
Upang malaman kung paano makatipid ng ilang bayarin sa transaksyon, maaari kang magbasa nang higit pa dito:: Make sure to avoid wasting BTC for too high fees – step by step guide (Electrum)



Link:https://jochen-hoenicke.de/queue/#0,24h


6.2. Mempool.Space

Bilang kapalit, maaari mong gamitin ang Mempool.Space.
Dito, makikita rin ang laki ng lahat ng transaksyon (sa vMB) na naghihintay ng kumpirmasyon sa mempool, kasama ang karagdagang impormasyon tungkol sa mga kamakailang minina na blocks.





Link: https://mempool.space/ or https://mempool.space/graphs




7. 1ML - Lightning Network

Iba't ibang istatistika tungkol sa Lightning Network ng Bitcoin:



Link: https://1ml.com/




8. Bitnodes.io

Ang Bitnodes.io ay nagbibigay ng isang detalyadong pangkalahatang-ideya ng lahat ng mga aktibong nodes, navis-visualize din ang mga listahan ng mga iba't ibang lokasyon sa lahat ng bansa.



Link: https://bitnodes.io/





9. Bitcoinvisuals.com

Ang Bitcoinvisuals.com ay nag-aalok ng iba't ibang istatistika sa pagmimina, pangkalahatang estado ng Blockchain, pati na rin ang mga istatistika tungkol sa pang-araw-araw na dami ng output sa Bitcoin network:


Pangkalahatang-ideya


[iDami ng Output sa bawat Araw[/i]


Link: https://bitcoinvisuals.com/






10. Bitcoin Treasuries

Isang compilation ng iba't ibang Bitcoin investments, tulad ng:

- Mga pampublikong kumpanya na nagmamay-ari ng Bitcoin
- Mga bansa at pamahalaan na nagmamay-ari ng Bitcoin
- Mga pribadong kumpanyang nagmamay-ari ng Bitcoin
- Mga ETF kung saan inilalaan ang Bitcoin

Bilang karagdagan sa bilang ng Bitcoin, kasama rin sa compilation ang mga pinanggalingan





Link: https://bitcointreasuries.org/






11. Glassnode

Ang Glassnode ay isang napaka-detalyadong site para sa iba't ibang istatistika mula sa network ng Bitcoin, ngunit hindi lahat ng mga ito ay maaaring ma-access. Ang ilang mga istatistika ay maa-access lamang sa mga rehistradong account (may bayad).
datapwat, ang isang magandang lingguhang pangkalahatang-ideya ay palaging makikita sa ulat ng Glassnode, na sinusuri ang mga napili, mga istatistika sa sitwasyon sa merkado at ang kasalukuyang galawan ng presyo.

- mga indibidwal na istatistika na magagamit sa: https://studio.glassnode.com/metrics?a=BTC&m=addresses.ActiveCount
- lahat ng istatistika na nakalista sa catalog: https://studio.glassnode.com/catalog
- lingguhang ulat na itinatampok ng mga kasamang istatistika: https://insights.glassnode.com/



indibidwal na istatistika na-preview



Catalog



Preview ng mga lingguhang ulat ng Glassnode.
Ang mga ito ay nakabalangkas tulad ng isang blog post na nagsusuri ng iba't ibang kasalukuyang istatistika.







12. Coinatmradar

Ang Coinatmradar ay nagbibigay ng statistika ng mga nakainstall ng Bitcoin ATM sa buong mundo.





Link: https://coinatmradar.com/
Mentioned by Upgrade00





13. Historical Bitcoin Node count

Nakikita rito ang kasaysayan ng bilang ng Bitcoin Node.




Link: https://luke.dashjr.org/programs/bitcoin/files/charts/historical.html
Mentioned by Upgrade00






14.1 Txstats


Ito ay nagbibigay ng mga graphs na nagpapakita ng iba't ibang istatistika tungkol sa mga transaksyon at ng mempool, lahat mula sa bilang ng mga UTXO at ang halaga ng Bitcoin na nakaimbak sa bawat uri ng script, hanggang sa paggamit ng RBF, SegWit, Taproot, at marami pang iba.



Pangkalahatang-ideya




Link: https://txstats.com
Mentioned by o_e_l_e_o






14.2 Forkmonitor

Sinusubaybayan ang lahat ng magkakalabang block/stale blocks na nakikita ng kanilang node, pati na rin ang grupo ng iba pang mga panukat.




Link: https://forkmonitor.info/
Mentioned by o_e_l_e_o






15. CryptoMiso


Ang CrytoMiso ay nagbibigay ng insight sa Github commit history ng 300 cryptocurrencies base sa pinakasikat na repo para ang mga crypto trader ng insight kung aling mga crypto project ang aktibong binuo.





Link: https://www.cryptomiso.com/
Mentioned by Stalker22





16. Blockchain.com


Pangkalahatang istatistika pa-tungkol sa Bitcoin:




Link: https://www.blockchain.com/charts
Mentioned by Z-tight





17. Amboss.Space

Ang Ambose.Space ay isang alternatibo sa 1ML, na nagbibigay ng mga detalyadong insight sa network ng Bitcoin Lightning.




Link: https://amboss.space/
Mentioned by Rath_





18. TradingView


Ang TradingView ay nagbibigay ng ibat-ibang  uri ng chart sa presyo, kung saan maaari mo ring gawin ang iyong sariling technical price analysis (TA).




Link: https://www.tradingview.com/
Mentioned by Pouvoirp





19. woobull


Maaaring gamitin ang iba't ibang mga chart ng Bitcoin sa woobull (katulad ng Look into Bitcoin at Glassnode):



Overview





Link: https://charts.woobull.com/
Mentioned by dkbit98





20. Checkonchain


Alternatibo sa woobull, pwedeng silipin ang Bitcoin at Glassnode na nag-aalok ng iba't ibang Bitcoin chart at ilang Altcoin din.





Link: https://checkonchain.com/
Mentioned by dkbit98





21. Rainbow Chart


Kilalang kilala ang Bitcoin Rainbow Chart dahil napaka-bullish ngunit walang nakakaalam kung totoo ito. Kamakailan lamang (12/2022), maraming eksperto ang nagpahayag ng kritisismo.




Link: https://www.blockchaincenter.net/en/bitcoin-rainbow-chart/
Mentioned by dkbit98




22. Casebitcoin


Nagbibigay ng iba't ibang mga chart ng Bitcoin na nauugnay sa presyo, lalo na ang mga paghahambing sa pagganap ng presyo sa mga tradisyonal na asset:



Overview




Link: https://casebitcoin.com/charts
Mentioned by salad daging





23.1 Coinwarz


Ang Coinwarz ay isang website na nakatuon sa impormasyon sa pagmimina ng Bitcoin:



Overview


বিটকয়েন হ্যাশরেট চার্ট

Link: https://www.coinwarz.com/
Mentioned by Darker45







23.2 Ycharts


Ang Ycharts ay isang website para sa karamihan sa mga tradisyonal na istatistika na asset ngunit ang ilang mga istatistika na nauugnay sa crypto (pagmimina) ay available din sa Ycharts.
Ang ibang chart ay Maaaring mangailangan ng pagpaparehistro at pagbabayad.





Link: https://ycharts.com/indicators/bitcoin_network_hash_rate
Mentioned by Darker45






24.1 BitcoinIsDead.org


Nagbibigay ang BitcoinIsDead.org ng mga interesanteng istatistika kung gaano kadalas idineklara ang Bitcoin na patay na at binibigay din ng source  Cheesy





Link: https://www.bitcoinisdead.org/
Mentioned by tranthidung





24.2 99Bitcoins


Katulad ng BitcoinIsDead.org, ang 99Bitcoins ay site na nakatuon kung gaano kadalas nadeklarang patay na ang Bitcoin.  Cheesy




Link: https://99bitcoins.com/bitcoin-obituaries/
Mentioned by tranthidung






Miscellaneous

Ilang mas kawili-wiling Link:

Mga pangkalahatang-ideya na ginawa ng iba pang miyembro ng komunidad:




Mga kawili-wiling post sa blog na nagpapakita ng mga istatistika ng Bitcoin:






May alam ka pang mataas na kalidad na mga site ng istatistika para sa Bitcoin?
Huwag mag-atubiling banggitin ang mga ito, mag-post ng ilang mga larawan at kapat ang iyong mga mungkahi ay maganda, sila ay idaragdag ko sa aking listahan.  Smiley



Pagsasalin


WikaIsinalin niPamagat
_______________________________________________________________________________________________________________________
Română (Romanian)GazetaBitcoinListă de statistici interesante legate de Bitcoin
Deutsch (German)1miauBitcoin Statistiken - Preis - Mining - Marktkapitalisiertung etc.
Nigeria (Naija)ChilwellList 4 interesting Bitcoin statistics
BengaliZ_MBFMআকর্ষণীয় বিটকয়েন পরিসংখ্যানের তালিকা
PilipinasTravelMugListahan ng mga kagiliw giliw na istatistika ng Bitcoin
Pakistan (Urdu)Compromise meبٹ کوائن کے دلچسپ اعدادوشمار کی فہرست
Jump to: