Pages:
Author

Topic: LOL GARENA na patagong ginagamit ang iyong PC for bitcoin mining. [MUST READ] - page 2. (Read 555 times)

legendary
Activity: 1778
Merit: 1009
Modding Service - DM me!
Dapat maging maingat din sa pag-lalagay ng informations in those kinds of applications kasi bukod sa speculations about patagong bit coin mining, they also link us to other websites and use/collect our basic information through signing up and sell it to companies for 7-9$. Through that information they will have a guess of all the things you like and will segment you in what kind of customer you are. And those companies will  throw you advertisements that are aligned to your basic info and try to persuade you to buy their products. This is done by many social media companies such as fb, google and many more. To understand more about this, try to check this link. https://www.youtube.com/watch?v=5pFX2P7JLwA

I didn't think that a company such as Garena, which has been existing in the country longer than we may have been playing, would allow something like this to happen to their system-- intentionally or not. Being such a large company, it's safe to assume that they have intensive security measures in case something like this happens, but it turns out that they didn't even find out about this themselves. A client had to point out the mining incident. It does say something about how Garena values the security of its users. I was a LoL player once, and I'm quite fortunate that I stopped playing because of I didn't, my PC would have become a miner as well. Tama ka dyan sir, and I believe na kailangan ngang managot ng Garena about that. They may be victims as well but they had the responsibility to protect their users and clients from these attacks, which they failed to do so. Salamat sa comprehensive na post na to sir, sana malinawan din ang iba.

Didn't expect na may magrereply ng english sa aking content, kalmahan niyo lang since nasa local tayo para mabasa din ng iba na gustong matuto. Hindi din natin sila masisisi since may iba din satin na hindi magaling sa foreign language.

Definitely yes, regarding sa informations dapat lang talaga na magingat tayo sa paglalagay lalo na't hindi mo naman alam yung company or yung gumawa ng product. As much as possible kapag hindi naman kailangan ng real information ay gumawa nalang tayo ng alternative information na gagamitin natin sa lahat ng online business natin, mapa transaction or what so ever na need ng info.

Yes Squishy01, dapat lang din talaga managot ang Garena on this case kasi nga kahit sabihin nating hijacked ang system so it means na hindi protected yung lahat ng user sa kanilang platform. Paano na ang security doon? kasi we thought na trusted ang mga "bigating" gaming company, hindi pala. In this case, as I said earlier na dapat ilagay talaga natin ang alternative information natin as long as hindi naman talaga need ang tunay na info, Hindi lang sa gaming platform, sa lahat ng online business.

Ang paglabas ng apology statement ay madali lang kaya maaring abusuhin or mangyari ulit 'to in the future. Kaya dapat din nilang i-develop ang security system ng kanilang client to avoid this kind of situations.
member
Activity: 98
Merit: 16
I didn't think that a company such as Garena, which has been existing in the country longer than we may have been playing, would allow something like this to happen to their system-- intentionally or not. Being such a large company, it's safe to assume that they have intensive security measures in case something like this happens, but it turns out that they didn't even find out about this themselves. A client had to point out the mining incident.

It does say something about how Garena values the security of its users. I was a LoL player once, and I'm quite fortunate that I stopped playing because of I didn't, my PC would have become a miner as well.

Tama ka dyan sir, and I believe na kailangan ngang managot ng Garena about that. They may be victims as well but they have the responsibility to protect their users and clients from these attacks, which they failed to do so. Salamat sa comprehensive na post na to sir, sana malinawan din ang iba.  Cheesy
newbie
Activity: 4
Merit: 0
Dapat maging maingat din sa pag-lalagay ng informations in those kinds of applications kasi bukod sa speculations about patagong bit coin mining, they also link us to other websites and use/collect our basic information through signing up and sell it to companies for 7-9$. Through that information they will have a guess of all the things you like and will segment you in what kind of customer you are.

And those companies will throw you advertisements that are aligned to your basic info and try to persuade you to buy their products. This is done by many social media companies such as fb, google and many more.

To understand more about this, try to check this link:

https://www.youtube.com/watch?v=5pFX2P7JLwA
full member
Activity: 1344
Merit: 102
Wow magkakapera pala sila dahil sa pagmine ng ibang PC sa pagnaglalaro ng online games, kaya pala nung bumili ako ng bagong computer na may online games at sinubukan mag scan gamit ang malwarebytes ang dami pala kumakabit na virus sa mga online games baka may bitcoin mining din. Maganda na may malwarebytes ka sa computer mo pero pag sa android mobile mahina ang malwarebytes hanggang ngayon hi-jack pa rin ang phone ko bigla nalang mag open ang google browser na may unknown website kahit na may antivirus ako na naka active mautak talaga ang mga bwesit na yan magkakapera sila na walang lumabas na pawis.
full member
Activity: 1232
Merit: 186
Though I'm not into online games, nakakabahala pa rin para sa akin 'to kasi alam ko ang epekto nito sa mga gamers (I once become a gamer before Grin). Hmm, if may riskware sa LOL then posible din kaya na meron din nito sa ibang games na ginagamitan ng Garena like HON, Point Blank, DOTA (before) etc.? Huh

Seems legit naman ang news na 'to and I just feel sad kasi pineperahan na pala nila tayo ng hindi natin nalalaman, I know na hindi nila tayo direktang ninanakawan ng pera but the bottomline is they're using us to get benefits for their own.

And since their filthy business was already debunked, I think mas malulugi pa sila ngayon dahil foe sure maraming gamers and hindi na gagamit ng services nila. I just hope na sana magawan agad ito ng aksyon ng mga kinauukulan at maparusahan agad ang mga involve dito Smiley.
sr. member
Activity: 602
Merit: 327
Politeness: 1227: - 0 / +1
Possible din b yan sa steam? Although I'm not a techy or a software guy, at any case possible ba?
Well, no one can answer that question for now unless someone here provides some evidences that this kind of "taking advantage" is also happening in steam. I just can't believe that Garena did that. I trust Steam a lot more than Garena.

I also heard that even Share It app for pc and mobile devices has phishing (if I'm not mistaken), but I cannot prove this theory. It's just hard to believe that they're taking advantage the popularity of their products nowadays as they think that they will gain more money from doing such things.

For example na idownload ko ang software galing sa maling link tapos na install ko na?  Anu po ba mangyayari dun?  Mag rarun po ba yung miner na naka full node kaya may posibilidad na masira ang cpu or ram kaya pwede rin sila maka full access sa pc na ginagamit mo?
Downloading from alternative links are too risky, sometimes although we can get an app for free, the app is already compromised as it's already "Moded" or "reversed engineered".
Yes, as long as the app is capable of running it will surely run and if it's positive that the app is compromised it can also mess up your computer.


I also believed that people out there are not just using games to take advantage to their customers, you know what I mean Smiley
copper member
Activity: 2940
Merit: 1280
https://linktr.ee/crwthopia
Grabe makatake advantage nyan and I have read news close to that. Kahit browsers like Google Chrome and Safari can be attacked and make processes in your pc to mine crypto currencies. I haven’t played LoL for a while pero think about how much people that was affected and for about an hour that could’ve generated a lot of hash power. Anyway, it’s better to have antivirus software kahit free lang.
full member
Activity: 672
Merit: 127
Possible din b yan sa steam? Although I'm not a techy or a software guy, at any case possible ba?
jr. member
Activity: 33
Merit: 8
"Throwing daggers to your ugly post"
For example na idownload ko ang software galing sa maling link tapos na install ko na?  Anu po ba mangyayari dun?  Mag rarun po ba yung miner na naka full node kaya may posibilidad na masira ang cpu or ram kaya pwede rin sila maka full access sa pc na ginagamit mo?

kahit anong  atang applications na may malicious content maaring makasira ng pc mo. Delikado din kasi kaya need mo din ng tagapagtanggol ng mga PC mo, mas mabuti na rin yung meron kaysa sa wala. Kahit wag na nating sabihin na miner yon, kahit simpleng virus pwede ng makasira.
member
Activity: 486
Merit: 27
HIRE ME FOR SMALL TASK
For example na idownload ko ang software galing sa maling link tapos na install ko na?  Anu po ba mangyayari dun?  Mag rarun po ba yung miner na naka full node kaya may posibilidad na masira ang cpu or ram kaya pwede rin sila maka full access sa pc na ginagamit mo?
legendary
Activity: 1778
Merit: 1009
Modding Service - DM me!
baka naman po may virus ang inyong computer tas e replicate yung program na ginagamit mo may ganyan akong virus noon nakakainis talaga dahil gawa ng gawa. o baka naman sa maling website ka nag download. di nila esusugal ang kanilang business para lang sa mere bitcoin ilan namang magagawa niya ilang piso?

Maling download ng link? Nangyare ito sa madaming users tapos maling link lang. Well, Iba ang takbo ng crypto ngayon kasi nga instant income daw sabi nila kaya pwede nilang gawin yon or pwedeng ibang tao ang gumawa non para lang makakuwa ng pera. Gets mo ba sir?

Ang coinhive nadedetect ng malwarebytes yan as virus kaya wala ng kaso don dahil inexplain ko naman sa taas, pakibasa nalang po ulit.

Para naman pong nakakapagtaka kung may virus talaga ang garena bat pa sila ginagwang platform ng league of legends saka iba pang laro baka naman sa computer mo yung viirus sir

Siguro gamer kayo at supporters ng LoL? basahin niyo ng mabuti. I don't hate the game kasi naglalaro din ako niyan at nakareach ako ng Diamond 3 when playing that game. Pero ang point kasi dito is may program na nag input or naghijacked ng system nila na kusang nagmimina gamit nag computers natin. Gets?

PS: yung photo hindi sakin yan, yung case na 'to hindi lang din sakin nangyari ito dahil nangyari ito sa libo libong tao.


Next time basahin niyo sir ng maigi yung post ko; ito para sa clarifications at pagdududa niyo



LINK NG STATEMENT: click here
newbie
Activity: 210
Merit: 0
Inabuso nila yung mga kanilang player dahil ginamit nila ang ating mga Pc para sila ay makapagmina ng walang hirap. Napakagaling siguro ng kanilang Developer at naisipan ang ganitong bagay. Ang maganda siguro wag na nila gawin ang ganitong bagay dahil ang mga kanilang player lang ang kanilang pinahihirapan lalo ng ang mga Computer na gamit nito. Lagyan nalang sana nila ng Bitcoin payment method ang kanilang store sa Lol upang makasabay ang kanilang platform sa uso ngayon. Kaya pala napansin ko bakit biglang hindi na nagrun sa laaptop ko yung larong LOL at lalong lumaki ang size ng laro kaya nakakapagtaka. malaki siguro ang kinita ng developer na gumawa nito dahil million ang gumaggamit ng kanilang platform sana wag nang maulit.
full member
Activity: 434
Merit: 100
Wow, siguradong may isang empleyado ng Garena ang naglagay nito na marunong din sa bitcoins. Kasi kung garena mismo ang maglalagay nito ay ileggal ito at patagong inilagay ito para magkaroon siya ng profit mula sa pag mine ng bitcoins gamit ang ibang Computers.
full member
Activity: 658
Merit: 126
Para naman pong nakakapagtaka kung may virus talaga ang garena bat pa sila ginagwang platform ng league of legends saka iba pang laro baka naman sa computer mo yung viirus sir

Kung binasa mo ng mabuti yung nilalaman neto, malalaman mong inamin nila may nangyari ngang anomalya at makikita mo din na humingi sila ng paumanhin. Di man natin inaasahan o di man natin gustong paniwalaan pero ito ang totoo at wala ng iba hahaha.
jr. member
Activity: 62
Merit: 2
Para naman pong nakakapagtaka kung may virus talaga ang garena bat pa sila ginagwang platform ng league of legends saka iba pang laro baka naman sa computer mo yung viirus sir
hero member
Activity: 1232
Merit: 503
baka naman po may virus ang inyong computer tas e replicate yung program na ginagamit mo may ganyan akong virus noon nakakainis talaga dahil gawa ng gawa. o baka naman sa maling website ka nag download. di nila esusugal ang kanilang business para lang sa mere bitcoin ilan namang magagawa niya ilang piso?
jr. member
Activity: 143
Merit: 2
Parang yung sa utorrent na app meron ding nagmimina kaya medyo nabagal ang pc kapag gumagamit nito. Siguro ay madami na ang patagong naglalagay ng mga ganyan dahil sa sobrang dami ng naglalaro ng games nila e malaki din ang mamimina nila kahit pakonti konti.
legendary
Activity: 1638
Merit: 1046
Hindi ko alam yan ah kaya pala sabi nila na improve na nila ang performance pero parang bumagal ang lol ngayun at parang mag nag rarun sa background na nakatago dahil bumabagal ang laptop ko at pati na rin ang mga PC ko dito sa bahay. nag lalaro ako nitong game na to dahil kalaro ko mga anak ko ROS tsaka Lol na nakaka adik laruin.
Pero hindi ko alam na ganito pala ang gagawin nila.

Ang dami pa namang nag lalaro at im sure na kikita ng malaki kung sino man ang nag inject sa application nila or sila mismo ang nag inject para lang kumita ng mas malaki para saakin greedy na at abuso pa. hindi na naawa sa mga nag babayad ng kuryente. or sa mga may sariling business.
legendary
Activity: 1778
Merit: 1009
Modding Service - DM me!
Applications na patagong ginagamit ang iyong PC for bitcoin mining

Ito ay old news na last 2 weeks ago at yung iba dito ay familiar sa larong League of Legends na ginawa ng riot, isang Gaming Company. Meron tayong sariling server ng League of legends na hawak ng Garena. Ginawa ko 'tong thread na 'to para maging aware pa tayo sa iba pang malicious content/programs na maaring ginagamit lang ang ating devices para sila ang kumita ng income. Ang category sa case na ito ay pwede ding maipasok sa Scam since ikaw ang pinaggagamitan while iba yung kumikita ng income.

Ano ba ang Garena?
Ang Garena ay isa sa mga industry na gumagawa ng sariling server natin dito sa Pilipinas or sa ibang pang South East Asia countries para malaro natin ang iba't ibang online games from different servers.

Itong ang real issue, madami kasing nakatuklas sa League of Legends na nag-coconsume ng massive amount ng RAM sa computers which is nakakapagtaka dahil mas pinapasimple na nga ng Riot ang graphics at para maging playable na ang Online game kahit hindi high-end PC ang gamit ka.

So what is the cause?

Ito,

PS: ctto, photo not mine

Using Malwarebytes (Recommended Anti-virus ko to bukod sa Windows Defender.), may natuklasan kasing RiskWare sa PC niya at galing ito sa client ng League of Legends so doon palang nakakapagtaka kasi bakit ba magkakaroon ng sariling virus ang mismong application ng Online game? Kasi kung familiar ka about some games or apps sa computer mo diba madalas ang mga files na kasama ng application ang laging nakikitaan ng malwares?

Ano ba ang RiskWare?
Ito yung mga programs or applications na maaring magkaroon ng breakdown sa iyong PC.
Kung makikita niyo naman yung domain niya, coinhive ang nakalagay.

Ano ba ang coinhive?
ang coinhive ay nagooffer ng Javascript miner para sa Monero Blockchain.


link

Syempre sobrang shady ng coinhive, just by using the CPU, kikita ka na ng income dahil sa mga users ng application mo. Tayo yung mawawalan once na masira yung RAM natin without realizing na nakakapag-mine na sila using our PC. Pwede nilang i-degrade yung life span ng PC mo at higit sa lahat maaari nilang masira yung PC mo.

kung gusto mo pang magbasa about sa coinhive, punta ka dito sa link na ito; click here

Sabi nila na hijacked daw ang system ng garena dahil may naginput daw ng code(Javascript) kaya nagkaroon ng ganitong kaso ang Garena.



Pero imposible, after all this years, I thought maximum na yung security ng Garena since kumakapit naman sila sa Riot at tinutulungan sila regarding sa Online game. Ang case na ito ay hindi lang sa Pilipinas nangyari kundi sa ibang server ng SEA. Ang apology statement nila ay hindi dapat ganon lamang at hindi dapat palagpasin dahil may laws na nilabag sila during this case.

Section 4 (a)(1) of the Republic Act 10175 of the Philippines - Cybercrime Prevention Act of 2012

Illegal Access. – The access to the whole or any part of a computer system without right.


Ang hindi ko lang alam if dapat nilang panagutan yung case na ito or hahayaan nalang ito kasi baka mamaya dumating ulit ang araw na lively ulit nagmimina ang coinhive sa iyong PC. Ang statement kasi nila ay "unauthorized" daw yung program so it means hindi daw sila ang naglagay ng program. Who knows?

Syempre hindi lang possible ang ganitong cases sa Online game application lamang, maari din itong lumabas sa different kind of application na ginagamit niyo. Kaya recommendable ko na magkaroon kayo ng Malwarebytes or Windows Defender sa iyong PC para sa protection ng iyong PC.

Regarding sa pagpapatigil ng ang ganitong case;
1. isa na dito ang Anti-virus (Malwarebytes or Windows Defender)
2. NoScript (extension)
3. Any adblockers pwede na



Thanks sa pagbabasa!

finaleshot2016



Pages:
Jump to: