Sa pagkakaalam ko ay still downloadable at accessible pa naman sa mobile phone ang Binance kaya sa tingin ko ay konti lang ang pwede mabiktima nito since mga pure desktop user lng ang magiging interested na magbalik loob sa Binance.
Ang awkward since halos hindi naman narestrict ng government natin ang paggamit ng Binance karamihan naman ng Binance user ay may mobile phone access.
Accessible pa rin ang Binance sa mobile phone. Ang hindi lang accessible ay yung website nila. Yun ay base sa experience ko.
Starlink kasi ang ISP namin dito sa bahay kaya walang problema sa Binance at pwede kong maaccess lahat kahit ang website. Kapag lumalabas lang ako nagkakaroon ng problema dahil kapag gusto kong tignan yung website nila, hindi ko maaccess dahil restricted tayo (IP address) pero pwede ko pa rin magamit ang App ng Binance kapag gusto ko. Yun nga din pinagtataka ko dahil gusto nilang irestrict ang mga tao nila sa paggamit ng Binance pero hindi naman totally nawala. Parang useless lang rin.
Talagang pag bull season hindi na mawawala ang mga timawa sa pera at makagawa ng nga phishing site na ganyan or download app. Siguro naman sa 2025 nakapagisip isip na ang mga tao paano maging maingat sa mga ganitong klase ng modus. They are targetting new people means kailangan talaga ng awareness, kasu yung mga may app na eh ligtas na dahil di na papansinin ito.
Kaya dapat palagi nating tinitignan yung mga website na pinupuntahan natin. Kung may hinala, close na kaagad at wag mag coconnect, or mag lologin kaagad. Bull run man o hindi, marami pa ring scammers sa internet. Mas marami nga lang ngayon kasi bull run season. Nagtatake advantage sila sa mga newbies. Mapagmatyag palagi.