Facebook Scam Post
Guys gusto ko lang ibahagi sa inyo ang mga ibat ibang uri ng scam na pinopromote sa Facebook at ang madalas na nabibiktima ay mga baguhan sa crypto at walang masyadong alam sa mga ganitong uri ng scam. Eto yun mga post na nakikita ko madalas sa mga bitcoin group.
1. Coins.ph Phishing Sitea.) Eto ngayon ang mga nag kalat na post sa mga ibat ibang facebook group at ito'y promoted ng mga dummy or hacked accounts.
First Post - Ito ay last week lang pino promote kaya ito na ay reported. Pagkatapos ma report. b.) Ngayon meron na naman silang bago from
coinsphex.ga to
coinshex.gaSecond post from different Fb account. c.) Ang site na ito ay dadalhin ka sa fake na coins.ph site. Lahat ng isusulat mo ditong information ay pwede nilang makuha.
d.) Pagkatapos mong mag sign in ay dadalhin ka naman nito sa
Fake Gmail site para mag login. Dahil dito pwede nila ma authorize ang pag signin sa coins.ph mo.
2. Fake Bitcoin Generatora.) Ito ay ang uri ng scam na kunyare ay bibigayan ka ng bitcoin sa halagang iyong napili at para makuha mo ito ay kailangan mo munang mag bayad ng transaction fee.
Promoted by different accounts with different site
Freegeneratorbtc.net
Generatorfreebtc.com
b.) Ang mga site na ito ay dadalhin ka sa
BITCOIN GENERATOR at mapapansin mo din na iisa lamang ang gumawa ng mga ito.
c.) Pagkatapos mag generate ng Bitcoin at maghintay ng 5 minutes ay dito na sasabihin na ang pag generate nila ng bitcoin ay success at para ma withdraw ay kailangan magbayad ng .00359 Bitcoin Transaction Fee.
d.) At kung titingnan natin ang laman ng bitcoin address ay makikita natin na marami na itong nabibiktima
https://www.blockchain.com/btc/address/3K2dqKz21vZVqcPCm1MH78BbypJsgwLqdyWallet Balance 3. Bitcoin Doubler Scama.) Ang bitcoin doubler ay ang klase ng platform na mag multiply o doble sa iyong bitcoin sa halagang .003 btc. Sa tingin ko ay parehas lang to ng modus ng bitcoin generator.
Bitcoinwinners.net b.) After mag lagay ng bitcoin address for deposit
c.) Makikita natin na kahit bago palang ay may ilan na itong nabibiktima
https://www.blockchain.com/btc/address/17jA9ke7sdEYrLePnwTh3pz9rnk9hruRgS4. Blockchain Mining Scama.) Ang trick nila dito ay I co-connect ''daw'' nila ang account mo sa blockchain.info sa kanilang mining rig at pagkatapos iconnect ay makikita mo na agad ang bitcoin balance sa iyong account. Para ka maka Connect ay kailangan mo gumawa ng bagong Blockchain wallet at ibigay sa kanila ang log in info.
Promoted Post b.) Kapag sila ay naka log-in na sa iyong account ay mag iimport sila ng Bitcoin address at paniniwalain ka na ito ay galing sa mining nila. Talagang mapapaniwala ka dahil ang iyong Account ay may laman ng 19 bitcoin at para mawithdraw ay kailangan lang mag bayad ng transaction fee.
Imported
bitcoin wallet https://www.blockchain.com/btc/address/15gJiApW3G9MN2iTteQwQbq7NundwGWwv6Connected Blockchain Wallet
Mga Pwedeng Gawin?
Ang pwedeng gawin dito ay ireport sa Facebook mismo ang kanilang post at ang Profile account ng taong nag post.
Pwede ka rin mag report sa
Google Report Phising Site https://safebrowsing.google.com/safebrowsing/report_phish/?hl=en para ma block ng google ang site.
PaalalaWag basta basta maniwala sa mga nakikitang post sa mga social media at wag agad mag bibigay ng mga pribadong impormasyon kahit kanino.
Ang post na ito para mag bigay babala at dagdag kaalaman sa ating lahat. salamat po
Edited: Updated New Links (19/10/2018)