maraming baguhan ang pumasok at natalo sa pagiinvest sa crypto nitong nakaraang mga buwan, yung tipong makakita lang sila ng kulay green na candlestick sa chart, bibili na agad sila, tapos kapag ung presyo ng binili nilang token o coin ay bumaba sa kung magkano nila binili, magbebenta na sila. Sa madaling salita (buy high sell low) ang ginagawa nila.
Alam natin na ang dapat nating gawin ay buy low sell high pero dahil sa emosyon, kabaliktaran ang nagagawa natin.
Ano ang solusyon dito ? Magaral ng investing.
Ano sa tingin nyo, may point ba ito ? kasi nababahala ako dahil daming mga baguhan akong nakikita sa FB na umiiyak at sinasabi pang mga magagaling lang daw at mga nerds maaaring kumita dito. Dapat din daw expert ka sa technical analysis which is mahahalaga naman tlga pero kahit naman sino kayang kumita dito. Basta masipag ka lang magaral.
Sa larangang ito sa tingin ko lang bawal ung baguhan. Kung baguhan ka dapat may magtuturo sa iyo. Kung self taught ka naman at sa tingin mo ay kaya mo at hindi ka madadala ng emosyon, why not dba?
Lahat naman ng klase ng pamumuhunan may risks na kadikit. Kahit simpleng business lang merong risks. Eto lang sa crypto pag nagmamarunong ka, matatalo ka talaga. Marami ako nakikitang ganyan feeling expert pero wala pa naman 30 days sa loob ng crypto. Ang akala nila buy low sell high lang. Saka yung iba hindi marunong sundin ung nag iisang rule sa investing: WAG ILAGAY LAHAT NG ITLOG SA ISANG LALAGYAN.
Meron pang isang rule: Huwag masyado magpadala sa hype. Madame nadadali dito lalo na nung mga paid shiller tho of course mayroon benefits sumunod sa hype, meron ding times na dapat alam mo kelan bibitawan ung project.
handa kaba isugal ang pera mo sa isang larangan na hindi mo naman kabisado? kahit sino naman hindi gagawin ang ganun syempre bago ka magbitaw ng pera mo kailangan alam mo ang pinapasok mo. magkalap ka muna ng kaalaman
Pwede naman isugal mo e. Huwag lang lahat. Ganun lang kasimple. E karamihan sa ating mga pinoy ang masaklap ang ginagawa all-in sa mabilis na pera. Kaya pag natalo, kahit dapat na tahimik na lang, karamihan mag iingay padin. Tulad nung sabe ni OP. Yung mga nag iiyakan sa Facebook kasi talo sa trading.
Para maiwasan ang malaking pagkalugi tama naman na magsaliksik muna bago pumasok crypto investing. kasi yung iba nag invest wala rin nangyari nalugi sila. tapos ngayon mag ppost sa social media na ganto ganyan nalugi malaki ang nawalang pera sa kanya. kaya minsan nawawalan tayo ng investor dahil sa umpisa palang takot na. kaya mababawasan ang bilang ng mga nalulugi kung aalamin muna ang tamang timing ng pagbili o pagbenta sa isang coin na pinaglagakan ng pera.
E yung iba hindi naman ganoon ang ginawa. Ang pinoy likas na tamad. Kahit anong sabihin nating may sipag tayo in nature karamihan sa pinoy tamad. naku.
Sa dami ng naloloko ngayon sa ICOs di na ko magtaka karamihan don pinoy na gusto ng daling yaman.