Mas madali kasing mamotivate kung maidentify ang reason bakit need nating mag-accumulate ng Bitcoin. Ika nga, mas mabuti na ang may goal kesa wala. Ang isa sa pinakamalakas na motivation ay ang pagkakaroon ng profit kapag nagbull run. Alam naman nating nasa stage pa rin tayo ng bear market, at ang price ng Bitcoin ay mabibili natin ng mura at napakataas ng tendency nyang magdoble kapag magsimula ng magrally ang merkado ng Bitcoin.
Hindi ba isang napakalakas na motivation ang pagkakaroon ng malaking profit kung magaccumulate tyo ngayon at ibenta ito sa paguptrend ng merkado na posibleng mangyar pagkatapos ng Bitcoin halving.
Sa tingin mo ba yung mga nag-aacumulate ng Bitcoin o other crypto ano ang dahilan bakit sila nag-iipon? ikaw may may iniipon kaba na Bitcoin o crypto? tanung ko lang naman sayo yan.
diba lahat naman ng mga nag-iipon ay ang pinagbatayan nila ay ang prediction o speculation ng ibang community sa crypto space kaya nila pinaniniwalaan ito at nabubuo nga dun yung positibong motivation mo sa isang crypto o Bitcoin, tama ba o hindi? so, sa nakikita ko walang masama kung maghanda, ang masama wala tayong pinaghandaan sa bull run.
tayong lahat ay bumibili ng coins dahil sa paniniwala nating mararating nila.
kumbaga eh bakit tayo magpapakahirap at gagastos sa bagay na hindi naman natin pinagkakatiwalaan?
ewan ko lang sa iba pero ako eh ready na ako at nagdadagdag pa ng mga holdings sa pangunguna ng Bitcoin towards 2024.
parating na naman ang bull market at hindi kona ito palalagpasin pa muli.
nagkamali na ako ng dalawang beses kaya di na ako papayag maulit pa to.
Noon, wala tayong sapat na kaalaman sa crypto pero ang kagustuhan natin na makapag-invest ay nasa atin na, lalo na ngayon na marami na tayong kaalaman sa Bitcoin at karamihan sa atin ay nag-aabang sa papalapit na halving ng Bitcoin, at alam natin na kung tumaas ang presyo ng Bitcoin ay ganun din sa alts.
Kaya kahit na ganun, suriin pa rin ng mabuti ang alts bago mag invest dito, huwag nating iasa sa Bitcoin ang pag-akyat ng presyo nito lalong-lalo na ayaw natin mangyari ulit ang nangyari nuon na hindi nakapagaccumulate.
Tama naman yang sinabi mo, pero kung ikukumpara ko ito noon kung babalik tayo sa panahon ng 2017, mas madami akong nakikita magandang opportunity sa hinaharap natin ngayon sa kasalukuyan sa totoo lang. Ano ang iibg kung sabihin? ito personal ko itong obserbasyon sa merkadong nangyayari ngayon sa crypto market.
Madaming mga altcoins ngayon ang nakikitaan ko ng potensyal na posible talagang may capability na sumabay din sa pag-angat ni Bitcoin sa paparating na halving o bull run. Hindi ko nalang babanggitin kung ano ang mga altcoins na ito, at sure din ako na madami ang nagsasagawa ng dca dito hindi lamang sa Bitcoin. Pero tama yung sinabi mo na dapat parin nating isaalang-alang nag DYOR parin siyempre bilang isang investor.