Tama, naalala ko nga noon mga 2018 noong unang nabalita ang Bitcoin sa mainstream media. Sinabi ko noon na dadami ang scammer nito at gagmitin ang pangalang Bitcoin para mas mabilis makapanloko ang mga tao, ayun tama yung nasa isip ko, ilang buwan lang naglipana ang mga pyramiding scams at ginagamit ang pangalang Bitcoin para makapanloko ng mga tao, may classmate ako noon sa college na sinasabi nya sa akin na bitcoin daw ang napasukan nilang mag-anak at ipinagmamalaki pa nya sakin, ayun todas ang daang libo nilang pamilya, binalaan ko na siya noon kasi college ako nagsimula mag forum. Hindi siya nakinig sakin kesyo nakapag cash-out daw sila sabi ko e sa umpisa lang yan para makapag pasok pa kayo ng malaki tas bigla yan mawawala. Sa sunod na cash in nila nawala na yung tao tangay mga pera nila. Kaya sana tayong mga nakakaalam kung may mga malalapit na tao satin na nagbabanggit ng kesyo bitcoin ang pinasukan nila ng pera wag tayo mag hesitate na magbigay ng feedback, hindi naman para maging bad yung pagsasabi natin ng totoo, iwasto lang natin yung mga kamalian, kung makinig edi bwenasm kung hind edi malas.
Even before 2018, marami na ang naglilitawang mga scam company na gumagamit ng cryptocurrency or Bitcoin para makapaglinlang ng mga tao. Karamihan sa kanila ay ginagamit ang pagiging decentralized nature ng isang cryptocurrency para maisagawa nila ang mga panloloko since ikinakatwiran nila na dahil sa decentrlized nature ng isang cryptocurrency kaya ok lang daw na walang lesensiya ang kanilang kumpanya para magoperate. Karamihan sa mga nagsipagsulputang scam noon ay ang investmetn scheme na kung saan ang perang ipinasok sa di-umanoy cryptocurrency ay tutubo ng porsyente kada araw.
Totoong makakapagcash-out ang mga naginvest ng ilang araw pero kalaunan ay wala nang tatanggapin ang mga nag-invest dahil either itinakbo na ng scammer ang pera or nagcollapse na ang sistem at wala ng makuhang pangbayad ang kumpanya.