Pages:
Author

Topic: Magkakaroon na ng STABLECOIN sa Pilipinas - page 2. (Read 360 times)

hero member
Activity: 3066
Merit: 629
Vave.com - Crypto Casino
August 30, 2022, 03:24:14 AM
#5
Nabalitaan ko nga yan pero hindi yan cover ng buong Pilipinas kundi focus muna siya sa Cebu. Pwede rin naman maging cover niya buong Pinas kung mage-extend sila sa iba't-ibang lugar sa bansa. Pero magandang start yan kung sa Cebu kasi malaking lugar rin ang Cebu at parang Metro Manila na rin siya, kung hindi ako nagkakamali mas malaki pa nga yata yan kesa sa NCR. Mukhang mauunahan yung Unionbank sa paglaunch nitong stable coin na ito ha.
hero member
Activity: 1666
Merit: 453
August 30, 2022, 12:30:42 AM
#4
As far as I know meron nang existing stable coin dito sa bansa natin na gawa ng Unionbank which is PHX. Matagal ko na nakita yun dito around 2019 pero till now hindi masyado napapag usapan and dumaan na rin yung bull run pero wala ako nakita or narinig na may gumagamit ng stable coin nila. Actually wala akong balita sa PHX.

Ofcourse magandang balita yung stable coin even though intended siya para sa cebu. Makikita natin dito ang adoption ng crypto and may chance na mag spread ito curiosity sa mga non-crypto people para maging interested matuto ng crypto.

Honestly, now ko lang nalaman yang PHX ng gawa ng unionbank, ang alam ko lang sa unionbank ay crypto friendly ito.
Saka tama ka, hindi siya naging maingay nung nagsimula siya Sir. Pero itong C-peso mukhang magiging maingay ito dahil masasabi
kung gawang pinoy talaga dahil mismong lungsod ng City of Cebu ang nangungunang sumusuporta sa bagay na ito. At kung meron unang
makikinabang dito ay hindi tayo kundi mga constituent ng lungsod at pangalawa lamang tayong mga crypto lovers. Masasabi kung maswerte
din sila dahil mismong opisyales ng gobyerno ang gumagawa ng way para maging aware ang mga tao sa lungsod tungkol sa crypto
currency.
sr. member
Activity: 2044
Merit: 314
Vave.com - Crypto Casino
August 29, 2022, 06:53:27 PM
#3
Kung maganda ang system ng stablecoin na ito then baka dumami yung mag adopt pero since marame ang natrauma sa nangyari sa TERA, panigurado marame ang magaalangan dito especially kapag nahanapan ito ng butas.

Magandang development ito and we are always welcome for this, this lang talaga ng proper implementation at proper execution. Let’s see if magiging successful itong project na ito pero sana maging ok kase ok ren naman talaga ang magkaroon ng stablecoin.
legendary
Activity: 2492
Merit: 1145
Enterapp Pre-Sale Live - bit.ly/3UrMCWI
August 29, 2022, 02:33:56 PM
#2
As far as I know meron nang existing stable coin dito sa bansa natin na gawa ng Unionbank which is PHX. Matagal ko na nakita yun dito around 2019 pero till now hindi masyado napapag usapan and dumaan na rin yung bull run pero wala ako nakita or narinig na may gumagamit ng stable coin nila. Actually wala akong balita sa PHX.

Ofcourse magandang balita yung stable coin even though intended siya para sa cebu. Makikita natin dito ang adoption ng crypto and may chance na mag spread ito curiosity sa mga non-crypto people para maging interested matuto ng crypto.
member
Activity: 560
Merit: 17
Eloncoin.org - Mars, here we come!
August 29, 2022, 03:03:59 AM
#1


Ang kumpanyang C-pass na isang Pilipino at Korean Enterprise ay nagdevelop ng isang cryptocoin para ipromote at magamit sa Cebu City
para sa mga cashless payment at ito ay tinatawag nilang C-peso.

C-PESO isang uri o klase ng Stablecoin na planong gawin dito sa pinas,  matagal narin pala ang project na ito at may koopersyon pa sa city government ng Cebu para makapagdevelopment ng ganitong stablecoin para sa cashless payment. At ayon sa vice Mayor ng Cebu ay pasok na sa stage 3 registration VSAP license ng bank sentral ito si C- Peso, ibig sabihin hindi na ito papasok sa deadline at pwede na itong magpatuloy sa VSAP license. At kapag naging successful ito, paniguradong magsisimula narin mag-isyu ng C-peso na stablecoin at malalaunch ito sa kanilang sariling apps and web base na wallet.
   
 Magagamit narin ito sa pag purchase, pagsend, pagreceive at pagswap ng mga crypto currency papuntang fiat money.
Balak din nilang integrate ang C-pass technology para mga real property at business stock payment sa Cebu City. Sinusuportahan din
ng city government ang cryptocurrency maging ang ibang system ng cashless payment tulad ng Paymaya at Gcash.
 Isa itong magandang balita sa mga taga Cebu at crypto enthusiast in general dito sa ating bansa.

At isa itong unang pagkakataon na magkakaroon collaboration sa pagitan ng crypto at city government ng pilipinas.

Ano sa palagay mo isa ba talaga itong magandang balita o hindi?



Source: https://bitpinas.com/business/cebu-city-c-pass-c-peso-stablecoin/
Pages:
Jump to: