Sa tingin nyo magkakaroon pa ba ng second wave na tulad ng Axie Infinity na magmumulat sa kamalayan ng mga Pilipino sa Cryptocurrency.
Possible ito dahil umuulit lng naman ang uso. Itong meme coin nga ay naging trending ulit kahit na matagal na ito naging trend dati at naging image na ng isang basurang coin before ito ma promote at mahype ni Elon Musk. Posible tlga na mag trend ulit itong mga P2E games in the future once my lumabas na bagong feature na makakahype sa mga tao or if pasukin ito ng VC para magprovide ng liquidity para sa mga rewards gaya ng gnagawa nila sa mga startup blockchain.
Pero malabo ito mangyari ngayong cycle since halos nasa exciting part na tayo pero halos wala pa dn pumapansin sa mga P2E games kahit sa $Pixel na hype dahil sa airdrop ay hindi padn ganun katiwala ang mga pinoy para maginvest.
Nakausap ko yung isa kong kaibigan na nag invest sa Axie Infinity ng malaking halaga na kumita naman pero nung mag invest na sya sa ibang mga PVE doon na sya nalugi ng husto, babalik sya kung meron isang katulad ng Axie at isa syang early investor.
Sa laki ng lugi nya sa ibang platform pagkatapos ng Axie nag dadalawang isip na sya pero at least nalaman nya ang kalakaran sa Cryptocurrency sa ngayun sa Bitcoin lang at Ethereum sya umaasa mahirap din daw kasing sumugal sa mga nag tetrending na altcoin mas lamang ang talo, kung saan sumang ayon naman ako.