Pages:
Author

Topic: Maharlika Money - page 7. (Read 1720 times)

mk4
legendary
Activity: 2940
Merit: 3883
📟 t3rminal.xyz
January 05, 2020, 11:29:45 PM
#2
In my opinion, unless na susuportahan ng mga bangko at ATM machines itong currency na to, ang effect nito sa ekonomiya ay magiging sobrang liit na lang na tipong halos walang effect. Masyado na tayong reliant sa online banking at ATM withdrawals na magiging turn off itong currency na to kung pang physical face-to-face transactions lang magagamit ito.

Though remember, kahit sabihin nilang gold backed ito, wala tayong way para iconfirm na 100% legitimate itong claim na to. Personally still betting on bitcoin for the long term.

P.S. Hindi ko napanood itong episode na to
copper member
Activity: 658
Merit: 402
January 05, 2020, 10:30:59 PM
#1
Maharlika Money

Nabalitaan o napanood nyo ba sa latest episode ng KMJS na sa Surigao, ang iba dito ay mayroong sariling pera? Ang grupong Maharlika Nation ay mayroon daw sariling gobyerno na naglalayon ng independent nation, and they also have their own tribal money which is backed up by gold.

Ayon sa kanilang spokesperson na si Glenly Elorico "Mayroon kaming sariling gobyerno. Kami ay independent nation with one education, one religion, one language, one leadership at one currency. Sa aming International bank of maharlika, hindi kami nagpapa-deposit kundi kami ang nagbibigay. Our tribal money is backed up by gold!"

Makakakuha ka ng kanilang pera once na magparegister ka at umattend sa seminar. Maaari kang makatanggap ng G ZION 1,000 na kamtumbas daw ay P60,000. Pero sabi ay hindi pa ito pwede magamit dahil inaantay pa ang response ng mga private banks.
Ngunit ayon sa BSP ay hindi ito isang currency dahil mayroon lamang isang currency sa Pilipinas at ito at ang php.
Anong masasabi nyo dito? Makakaapekto ba ito sa economy ng Pilipinas at sa flow ng Philippine Peso?
Pages:
Jump to: