Pages:
Author

Topic: Makakaapekto kaya Sa Bitcoin Adoption Sa Mga Nangyayaring Rigodon Sa Ating Bansa - page 2. (Read 334 times)

sr. member
Activity: 2828
Merit: 357
Eloncoin.org - Mars, here we come!
Parang natural na drama nalang yata to , every new administration naman may either coup d'etat  or merong military/police withdrawal of support sa presidente yet natatapos nalang ang termino wala naman nangyayari so i think people are just exaggerating things now lalo na at may social media na ang daling gawing tanga ng mga tao para maniwala.

and also wala naman  din dahilan para madamay ang crypto/bitcoin for adoption because it is depending pa din sating mga Pinoy dahil hindi naman gobyerno ang nag iinvest dito kundi tayo.
legendary
Activity: 3052
Merit: 1281
Get $2100 deposit bonuses & 60 FS
Hindi naman siguro napalitan iyong mga nasa pwesto sa gobyerno, iyong mga political person lang ang naglilipatan kaya sa tingin ko wala epekto ito sa Bitcoin adoption ng bansa.  Kung sakaling tanggalin ang mga pro Bitcoins na nakaupo sa pwesto na may kinalaman sa technology at pagpapatupad ng mga regulation ukol sa cryptocurreny, marahil ay ang ganyang sitwasyon ang magkakaroon ng malaking epekto sa Bitcoin adoption ng bansa.
hero member
Activity: 2632
Merit: 833
Wala naman sigurong epekto ang political system natin sa bansa tungkol sa bitcoin adoption. Naalala ko nung pag pasok ko dito paupo pa lang yata si Digong nun pero nag bull run na tayo nung 2017. Although hindi maganda ang nangyayari sa ating bansa sa ngayon at hindi katulad ng panahon ni Duterte na parang lahat takot sa pamamalakad nya, ngayon iba na at parang balik sa dati.

Siguro ang epekto eh kung ang mamumuno at napiling umupo sa mga sensitibong posisyon ng gobyerno na tumatalakay sa bitcoin or crypto ay talagang anti-crypto. So far hindi naman, maliban lang dun sa mga kaso ng Binance sa tin at yung mga anunsyo lang na mag ingat sa mga crypto investment scams.
hero member
Activity: 2646
Merit: 584
Payment Gateway Allows Recurring Payments
Ang magandang tanong dito is sa kabila ng pag tanggi ni FPRRD na hindi sya kasali na mga gustong magpabagsak kay Marcos ay naniniwala ba kayo?
Oo, malaki ang nagawa ni Digong sa bansa natin. Ooops, hindi ako against at laban sa kanya kanyang pulitikang paniniwala ha pero yun ang nakita ko sa kanya at parang kakaiba ang pagmamahal sa kanya ng masa. Kung totoo na part siya niyan baka isang taon palang kumilos na sila at kung galing naman sa bibig niya na hindi niya naman hate si BBM kahit na galing din naman sa kanya na weak leader siya, wala na tayong magagawa magsinungaling man siya o hindi dahil wala na siya sa pwesto sa gobyerno. Pero yun nga lang ang loyalty ng mga nasa militar ay nasa kanya pa rin kahit na ex-president na siya. Ang nababasa ko sa mga ka marites sa social media ay parang hindi si BBM talaga ang may gusto ng mga nangyayari diyan sa congress at sa senate kundi ang pinsan niyang tinatawag nilang tamba..
hero member
Activity: 2632
Merit: 787
Jack of all trades 💯
Mainit na balita ngayun na nalilink si dating pangulong Duterte sa planong pagpapatalksik kay PBBM na mariin nyang itinangi, at nagkakaroon na rin ng lamat yung samahan ng Super Unity between sa partido ni PBBM at VP Inday Sara dahil sa paglipat ng iba sa partido ni Speaker Romuladez mula sa partido ni VP Sarah lahat ng ito ay para sa paghahanda sa darating na local election at Presidential election.

Sa tingin nyo Makakaapekto kaya Sa Bitcoin Adoption Sa Mga Nangyayaring Rigodon Sa Ating Bansa halimbawa may isang malaking grupo na may malaking role sa Bitcoin adoption dito sa Pilipinas ay sumuporta sa isang grupo na magiging dahilan para gumawa ng batas na mapahina ang mga grupong ito at ito ay restriction sa adoption ng Bitcoin.

 7 lawmakers from Duterte-chaired PDP-Laban defect to Romualdez-led Lakas CMD

Wala namang crypto na nabanggit dyan at bangayan lang yan ng mga politician kaya sa tingin ko kabayan wala yang direktang effect sa bitcoin at magpapatuloy lang tayo kung ano mang aktibidad ang ginagawa natin. Pero kung anti bitcoin or crypto yung mga bagong ma uupo dyan malamang may malaking epekto yan. Pero since wala naman talagang sinabi na bitcoin at yang mga politician na yan ay di pa siguro alam ang existence ng bitcoin kaya wala tayong dapat ipangamba dyan.

Siguro sa ibang aspeto meron at if magkagulo lalo yang mga yan ay siguro makaka-apekto ito sa atin dahil wala nang matinong maitatrabaho ang mga yan at baka ang focus nila ay sirain yung mga politiko na hindi nila kapartido.
sr. member
Activity: 1260
Merit: 315
www.Artemis.co
Sa tingin nyo Makakaapekto kaya Sa Bitcoin Adoption Sa Mga Nangyayaring Rigodon Sa Ating Bansa halimbawa may isang malaking grupo na may malaking role sa Bitcoin adoption dito sa Pilipinas ay sumuporta sa isang grupo na magiging dahilan para gumawa ng batas na mapahina ang mga grupong ito at ito ay restriction sa adoption ng Bitcoin.
Tingin ko hindi ito makakaapekto. Huling rinig ko ng patungkol sa cryptocurrency kay President Marcos Jr. Simula noon wala na akong narinig na ibang kasunod na balita patungkol sa plano niyang iyon. Pati kay VP Duterte, wala akong nakita kahit isang interview na may binanggit siya patungkol sa crypto dahil iba ang main focus ng partido niya.

Parang hindi nga masyadong napapansin sa atin ang crypto, neto lang ulit nung lumabas ang balita patungkol sa Binance. Pero pagkatapos ng issue na ito ay nalipat agad sa ibang usapin ang balita sa atin. Kumbaga, nakikita lang nila ang progress ng crypto kung may lalabas na kakaibang balita para sa kanila o may posibilidad na mag benefit sila dito.
full member
Activity: 2590
Merit: 228
Normal naman ang ganyang mga alingasngas , halos tuwing magpapalit ng presidente eh may lumalabas na ganyang  mga issue pero sa Tatay lang ni marcos at kay Erap natupad ang mga ganyan , kay Cory sumubok sila pero di sila nagtagumpay so tingin ko sawa na ang mga pinoy sa ganitong mga kwento , at hindi na natin ito pinapansin unless dumating na so para sakin hindi to nakaka apekto sa kahit ano mang dahilan.
hero member
Activity: 3136
Merit: 579

Ang magandang tanong dito is sa kabila ng pag tanggi ni FPRRD na hindi sya kasali na mga gustong magpabagsak kay Marcos ay naniniwala ba kayo?

Maaring hindi pa ngayun siguro sa hinaharap pag malapit na ang local elections para sa positioning, pero hindi naman nya kailangan tirahin si Marcos kasi sa ngayun kung sususnod na election lang din naman ang labanan sa presidency walang kalaban si Inday Sara, mahirap ibenta si Speaker Romualdez, kasi sa record wala pang speaker na nanalo sa pagka presidente ang katibayan dito ay si Mitra at De Venecia, yung tungkol naman sa kalagayan ng Cryptocurrency di pa rin natin masabi sa tingin hindi pa talaga fully stable ang Cryptocurrency dito sa atin at sobrang higpit ng batas sa atin, pwede pang magbago ang ihip ng hangin, hangang wala pa talagang matatag na batas tungkol dito.
hero member
Activity: 3066
Merit: 629
20BET - Premium Casino & Sportsbook
Para sa akin lang, walang kinalaman kung anoman ang nangyayari sa mga politikong yan. Dahil ang mahalaga lang naman sa mga yan ay sarili nilang interes at yun ay ang political interest at position nila. Sa kabilang banda pwede din makaapekto dahil nga sa mga interest nila at kung ayaw nila sa Bitcoin adoption ay pu-puwede sila magmungkahi ng mga batas na di ayon sa Bitcoin. Pero mukhang malayo naman ang mga interes nila at may nakalatag naman na na guidelines mula sa BSP at iba pang regulatory body ng bansa natin na nagde-deal sa mga bagay bagay tungkol sa Bitcoin. Kung anoman ang makagaganda sa bansa natin dapat yun ang unahin ng mga politikong ito, kaso nga lang, ang layo pa ng election at yan na inaatupag nila, kumbaga typical pinoy politics lang ang nangyayari. Sinusubaybayan ko din naman ang politics sa bansa natin at tinitignan ko yung bawat sides ng mga partido na yan. Mabuti at ang mga comments ng mga kababayan natin dito tutok lang din sa bitcoin, no political wars tayo dito mga kabayan ha, mapa dilaw, puti, pula, berde o kung ano man, basta tayong lahat ay pro-Bitcoin at doon tayo sa pagkakaisa natin sa ikabubuti ng bawat isa at bitcoin adoption sa bansa natin.
sr. member
Activity: 1638
Merit: 364
https://shuffle.com?r=nba
Sa tingin ko hindi kasi ang presyo ng bitcoin ay naaapektohan ng iba't ibang mga factor kabilang ang demand, galaw ng market, mga patakaran ng regulasyon at mga pangkalahatang takbo sa ekonomiya. Meaning kung Pilipinas lant pag uusapan malabo. Kapag tumataas ang demand para sa Bitcoin, karaniwang tataas ang presyo nito, at ganun din ang kabaligtaran. (Cost of Demand).

Ang magandang tanong dito is sa kabila ng pag tanggi ni FPRRD na hindi sya kasali na mga gustong magpabagsak kay Marcos ay naniniwala ba kayo?
sr. member
Activity: 1484
Merit: 324
Tingin ko hindi siya makakaapekto ng sobra kasi napakaliit lang ng crypto community sa Pinas na active talaga kaya kung ano man yung mangyayari sa Pinas at sa estado ng politika dito, tingin ko di ganun kalaki ang epekto which is nice kasi ibig sabihin hindi tayo masyadong kakabahan kung sakaling may mangyari nga na crypto o may kinalaman sa bitcoin sa Pinas, hindi bababa ang presyo at hindi rin ganun kataas kung may mangyayari pero tingin ko kapag may positive na mangyayari na crypto related sa Pilipinas, sigurado ako na malaki yung impluwensya eh.
sr. member
Activity: 2618
Merit: 439
Mainit na balita ngayun na nalilink si dating pangulong Duterte sa planong pagpapatalksik kay PBBM na mariin nyang itinangi, at nagkakaroon na rin ng lamat yung samahan ng Super Unity between sa partido ni PBBM at VP Inday Sara dahil sa paglipat ng iba sa partido ni Speaker Romuladez mula sa partido ni VP Sarah lahat ng ito ay para sa paghahanda sa darating na local election at Presidential election.

Sa tingin nyo Makakaapekto kaya Sa Bitcoin Adoption Sa Mga Nangyayaring Rigodon Sa Ating Bansa halimbawa may isang malaking grupo na may malaking role sa Bitcoin adoption dito sa Pilipinas ay sumuporta sa isang grupo na magiging dahilan para gumawa ng batas na mapahina ang mga grupong ito at ito ay restriction sa adoption ng Bitcoin.

 7 lawmakers from Duterte-chaired PDP-Laban defect to Romualdez-led Lakas CMD
Parang di naman makaka apekto kabayan kasi parang parehas naman sila na Hindi anti crypto so in any case eh hindi apektado ang status ng bitcoin sa part na to at ng iba pang crypto , tama na walang malinaw na adoption about crypto mula sa dalawang pinuno pero hindi din naman sila gumawa ng bagay na haharang sa crypto using sa bansa so  maybe this is only politics and will not bring any harm sa crypto community not unless there is a use of force then malamang hindi lang tayo ang maapektuhan kundi buong ekonomiya ng pinas.
legendary
Activity: 3416
Merit: 1225
Enjoy 500% bonus + 70 FS

Jump to: