Ito ay translation mula sa post ni theymos:
Writing a welcome message
Maligayang pagtanggap sa'yo dito sa bitcointalk.org, the Bitcoin Forum! Pwede mong makita ang mensahe na ito sa "help" sa taas na menu bar sa lahat ng oras.
Bilang isang kasapi ng forum, ikaw ay napapalibutan ng mga sikat na personalidad, mga matagumpay na tao, pati mga sawi at bigo. Ang forum ay
nilikha ni Satoshi Nakamoto at naging daan upang maging
kaunanahang palitan tungkol sa crypto,
unang altcoin, and
unang ICO, at pati narin
malaking sakuna na nangyari sa larangan ng software,
malakihang pandarambong, and
mga hindi kapani-paniwalang panloloko. Ikaw mismo ay may malaking oportunidad upang maging parte ng kasaysayan ng forum na ito; sa kung paanong paraan ay nasa palad mo.
Talaan ng nilalamanLayunin ng ForumAng forum na ito ay nabuo upang magbigay ng isang libre (ngunit organizado) na plataporma para sa pagpalitan ng iba't ibang ideya. Kung ikaw ay may nais iparating, pwede mo ipahayag ang iyong nasa isip siguraduhin lamang na hindi ka sumusuway sa mga batas ng forum.
Maraming tao ang pumunta rito upang makakakalap ng salapi. Ang namamahala ng forum na ito ay nagagalak na nagagamit ito ng mga tao upang umunlad sila; tunay nga na isa sa mga rason sa pagpasasatupad ng Bitcoin ay upang basagin ang ilan sa mga hadlang na nagpapahirap sa mga tao upang umasenso sa estado ng kanilang buhay.
Subalit, kung ang iyong pamamaraan upang kumita ay taliwas sa naisin ng forum na ito na magkaroon ng matalinong
talakayan, ikaw ay parang lumalangoy salungat sa agos, at sa huli, ay hindi ka magiging matagumpay.
Kung ang tingin sa forum ay isang "trabaho" kung saan ikaw ay kikita sa pag kumpleto ng mga sipleng gawain, ikaw ay madidismaya, at ang namamahala ng forum na ito ay hindi ka mabibigyan ng simpatya. If ikaw ay kikita sa forum na ito, ito ay dahil sa mga makabagong ideya at talas sa pag nenegosyo, hindi sa bara-barang gawain.
Ranggo sa ForumKung kakasali mo pa lamang, ikaw ay isang Newbie, at makakaranas ka ng mga nakakainis na limitasyon. Ang mga limitasyong ito ay kakarampot lamang na bihirang mapuna at kadalasan ay mapapansin mo lamang kapag naka ilang linggo ka na sa forum. Kung ikaw ay nasa forum upang makipag-usap at talakayan, sapat na ang kaalaman na ito upang magamit mo nang maayos ang forum. Huwag kang mag alala, tataas din ang iyong ranggo sa pagtagal mo sa forum.
Kung nais mo na malubos ang iyong ranggo, dapat ay mapataas mo ang dalawang karakter na nakalista sa profile mo:
- Activity, malulubos mo ito sa pag-likha ng mga posts isa kada araw ang pamantayan. Pag-gawa ng posts nang sobra sa isa ay walang kabuluhan sa pagpapataas ng iyong activity.
- Merit, nakukuha sa pag-buo ng kahanga-hangang posts.
Kung ikaw ay gagawa ng sampong libong posts sa loob ng isang linggo, ang iyong activity ay hindi na uusad at ikaw ay isa paring Newbie. Kung ikaw ay gagawa ng sampong libong
walang saysay na posts kahit gaano katagal, wala kang makukuhang merit at ikaw ay isa paring Newbie. Tataas lamang ang iyong ranggo sa
pag-likha ng kahanga-hangang mga posts . Ito ay basehan ng kalidad at hindi sa dami ng iyong posts.
Sa pag susulat ng mga malikhaing posts, karamihan ay para bang sumusulat sila ng takdang aralin para sa kanilang eskwelahan; paglagay ng mga bagay na alam na ng karamihan at commonsense na lamang. Walang may gusto na magbasa ng mga ganuong bagay, at hindi ka makakakuha ng merit. Bukod pa ruon, ang haba ng iyong post at kalidad ng pagsalin nito sa wikang Ingles ay isang maliit na bagay lamang sa pagdikta ng kalidad ng iyong post. Sa pag-buo ng isang posts na karapat dapat bigyan ng merits, dapat ay magbahagi kang ideya, sariling karanasan, o perspektibo/pananaw na pupukaw sa atensyon ng ibang kasapi ng forum na ito.
Pagpaskil ng mga Larawan at Pag-karoon ng Bitcointalk Signaturesang mga ranggo na Newbie ay hindi pwedeng makapag post ng mga larawan o kaya ay magkaroon ng bitcointal signature sa kanilang profile. Kung nais mo na makaranas ng mga pribilehiyo na ito, kailangan mong tumaas ng ranggo (napaliwanag sa taas) o magbayad upang maging
copper membership.
Karaniwang Kamalian at Pag-labag sa Batas ng ForumIto lamang ay ang mga pangkaraniwang kamalian at pag-labag. Marami pang ibang batas ang forum na ito bukod sa nabanggit.
- Labag na Pangongopya: Kung ikaw ay nangopya ng gawa ng iba, dapat ay sapat ang iyong dahilan kung bakit mo ito ginawa at bukod pa ruon ay dapat mong sabihin sa post mo kung saan mo ito nakuha/nakopya. Kung hindi mo ito ginawa ay nangopya ka nang labag sa batas. Baguhin mo man ang pag gamit ng salita ngunit kinopya ang ideya nang may masamang intensyon, ito pa rin ay labag sa batas. Kung ikaw ay mahuli na ginawa ito, ikaw ay permanenteng pagbabawalan na maging parte ng forum, kahit na ginawa mo ito dati pa at ilang taon na ang lumipas at ngayon ka lamang na nahuli ay ikaw pa rin ay makakaranas ng nararapat na kaparusahan.
- Paulit ulit na posts: Huwag kang magpaulit ulit ng iyong posts sa isang topic/paksa. Bagkus, ang una mong post ay baguhin mo na lamang gamit ang "edit".
- Kawalang-utak na mga posts at hindi ginamitan ng sentido kumon: Huwag ka mag post ng mga posts na hindi nakakatulong sa forum tulad ng mga salitang "agreed!", "nice project!", at iba pang katulad nito. Pwede kang mapagbawalan ng gumagamit ng forum dahil dito. Ito rin ay walang kabuluhan kung gusto mo tumaas ang iyong ranggo dahil hindi ka makakakuha ng merits sa ganitong mga posts.
WikaKung ikaw ay kayanag makipagusap gamit ang ibang wika bukod sa Ingles, ikaw ay inaanyayahan na mag post sa iyong local board. Ang mga boards na ito ay may mga komunidad na madaling pakabagayan at madalas ay mga kalahi mo pa at kababayan, na lubos na makakatulong sa iyo kumpara sa mga Ingles lamang ang wika na ginagamit.
Sa "English sections", wikang Ingles lamang ang pwedeng gamitin. Hindi kailangan na
perpekto ang Ingles mo, ngunit dapat ay naiintindihan ito ng magbabasa. Ibigay mo ang pinakamahusay mong Ingles. Kung hindi ka siguardo kung maiintindihan ba ang Ingles mo o hindi, mas mabuti na mag post ka na lamang sa local board mo or sa Beginners & Help Section.
Ito ay ang listahan ng mga local boards:
AUTOMATIC_LIST_OF_LOCAL_BOARDS (i-update pa ni Theymos sa original post niya)
Mag ingat sa mga ManlolokoAng forum na ito ay may mga username na hindi tunay na pangalan ng mga tao na parte ng forum. Dahil dito, nabibigyan ang mga kasapi ng forum ng sapat na kalayaan ngunit may karampatang
responsibilidad, kaya marami ang manloloko at nanamantala. Kapag makikipag palitan ng serbisyo, mabuting isipin na pwede kang maloko at malinlang, kaya sapat na ingat ay kinakailangan. Gamiting ang url=https://bitcointalk.org/index.php?topic=2439910.0]an escrow[/url] upang makita ang "trust ratings" ng mga myembro ng forum, sa tabi ng posts nila sa kanilang profile. Kapag nagamay mo na ang kalakaran sa forum at kilala na ang mga tao na parte nito, pwede kang
bumuo ng sarili mong listahan ng mga katiwaiwala.
Humingi ng TulongUna,
gamiting ang "search" sa iyong katangungan (baka sakaling may kapareho ka at nasagot na dati pa ang iyong katanungan). Kung wala kang makita, pwede kang magtanong sa
Meta section. Kung hirap ka sa Ingles, mabuting mag punta at magtanong sa local section o mag-mensahe sa mga moderators ng iyong local section.
Kung may napansin kang posts na lumalabag sa batas ng forum, gamitin ang "report to moderator". Huwag na huwag mag-PM ng diretsahan sa moderators.