Mukhang hindi naman trivia to dahil halos lahat naman ng bagay kapag bago lang normal na hindi nagtitiwala ang madaming tao at konti lang ang tumatangkilik at kapag tumagal na yung isang bagay natural lang na dumadami talaga ang gumagamit nito
Iba kasi ang bitcoin kabayan, sabihin na nating noong 2017 ang spike ng market value nito. Pero may mga nagbabadya kasing mga balita na maaaring magkatotoo at nangsa gayon, may malaki itong epekto sa bitcoin price pati narin sa adoption. Isa sa mga inaantay ko ay ang bitcoin halving. Malamamg sa malamang, kung sasapit na ang halving, tataas nanaman ang market value ng bitcoin.
Sa ngayon, may punto ka sa kaisipan na hindi na nga trivia ang binanggit ng ating kabayan. Mas maganda siguro kung bago sa pandinig ang mga maikokonsidera nating trivia.