Pages:
Author

Topic: May legal implications bang dapat alalahanin pag nagcacashout galing sa bitcoin? - page 4. (Read 1118 times)

full member
Activity: 453
Merit: 100
Sa US panay ang nakikita ko kasi na pinaguusapan ang capital gains tax. Dito sa pinas, meron bang kailangan alalahanin?

Tax related?

AMLA related?

Anything at all regarding laws and regulations?
ayon sa pagkakaalam ko ay hindi pa nagpapatupad ng batas ang ating gobyerno na patawan ng tax ang bitcoin. Sa ngayon hindi natin dapat alalahanin ang mga ganitong bagay dahil nga ang cryptocurrency ay desentralisado at hindi kontrolado ng sinoman o ng gobyerno. Sa opinyon ko, hindi rin naman siguro kailangan na magfile ng tax dahil hindi naman stable ang kita sa bitcoin at hindi stable ang value nito. Para sa akin ay walang batas na nilalabag ang mga bitcoiners, dahil hindi ito katulad ng regular na trabaho na binabawasan talaga ng tax. Hindi rin ito tulad ng mga business ventures na may kaukulang halaga ng tax ayon sa halaga ng kita nito. Kaya wala tayong dapat ikabahala, pero maging handa rin tayo kung sakali man na patawan nga ng tax ang bitcoin.
Wala pa sa ngayong batas ukol ditto dahil nagfocus mun ang ating gobyerno kung paano ang gagawin nila o kung ano ang mga dapat na maging consequence ng mga taong sumusubok mang scam kagaya na lamang ng mga investment Ponzi scheme na mga illegal para maprotektahan ang mga tao.
full member
Activity: 321
Merit: 100
Sa US panay ang nakikita ko kasi na pinaguusapan ang capital gains tax. Dito sa pinas, meron bang kailangan alalahanin?

Tax related?

AMLA related?

Anything at all regarding laws and regulations?


Sa aking pagkakalam kailangan natin sabihin ang total na kinikita natin sa cryptocurrency.  Upang tayo ay hindi makasuhan ng money laundering.
Tama ka naman sa sinabi mo pero sa tingin mo ba may gumagawa nito ngayon sa mga bitcoin holders? O sa mga kumikita sa crypto? Napakarami nang mga milyonaryo sa crypto pero i doubt na nag dedeklara nga sila ng kanilang kabuuang kinikita sa cryptocurrency. Sa ngayon malaya pa tayo pero tingin ko darating ang panahon na hihigpitan din ng gobyerno ang bagay na ito.

Wala namang legal implications ang dapat mong alalahanin kapag ikaw ay nag-cash out ng peso na iyong kinonvert galing sa bitcoin. Tax, hindi  dapat mamroblema diyan kasi wala namang tax ang bitcoin dito sa pilipinas dahil ito ay desentralisado at hindi pagmamay-ari ng gobyerno.
full member
Activity: 308
Merit: 101
Sa US panay ang nakikita ko kasi na pinaguusapan ang capital gains tax. Dito sa pinas, meron bang kailangan alalahanin?

Tax related?

AMLA related?

Anything at all regarding laws and regulations?
ayon sa pagkakaalam ko ay hindi pa nagpapatupad ng batas ang ating gobyerno na patawan ng tax ang bitcoin. Sa ngayon hindi natin dapat alalahanin ang mga ganitong bagay dahil nga ang cryptocurrency ay desentralisado at hindi kontrolado ng sinoman o ng gobyerno. Sa opinyon ko, hindi rin naman siguro kailangan na magfile ng tax dahil hindi naman stable ang kita sa bitcoin at hindi stable ang value nito. Para sa akin ay walang batas na nilalabag ang mga bitcoiners, dahil hindi ito katulad ng regular na trabaho na binabawasan talaga ng tax. Hindi rin ito tulad ng mga business ventures na may kaukulang halaga ng tax ayon sa halaga ng kita nito. Kaya wala tayong dapat ikabahala, pero maging handa rin tayo kung sakali man na patawan nga ng tax ang bitcoin.
member
Activity: 136
Merit: 10
sa ngayun wala pa naman tax ang bitcoin dahil hindi pa naman stable ang price nang bitcoin may nag question din naman saakin nung nag labas ako nang 50k sa cebuana tinanong nia kong ano daw yung coins.ph sabi ko naman income lang
newbie
Activity: 90
Merit: 0
Sa pagkakaalam ko, wala pang law specifically on bitcoin or cryptocurrencies. Wala rin namang tax na nakaimpose dapat on crypto or bitcoin.

Kaya lang, kung ikaw ay magcacash out ng malaki tulad ng hundred thousands or close to a million, baka may mag question po kung saan ito nanggaling lalo na kung ilalagay mo ito sa bank. Kapag po dineclare mo na ito ay income mo, baka kailanganin mo magbayad ng income tax.


Hnd namn sila cguro mg tatanung ksi wla silang karapatan mag tanung ksi pera m yun and what f kunwari pnadala sau nang kapamilya m xa labas nang bansa..so wag nlg tau mbahala tungkol jan.
full member
Activity: 448
Merit: 103
Sa US panay ang nakikita ko kasi na pinaguusapan ang capital gains tax. Dito sa pinas, meron bang kailangan alalahanin?

Tax related?

AMLA related?

Anything at all regarding laws and regulations?

wala pa namang batas tungkol jan. pero nasasayo pa din kung mag voluntary ka mag fifile ng tax.
Iniisip ko din po yung kagaya nung kay sir. Though we know naman na legal ang bitcoin, kita naman po sa mga pinasa natin requirements via coins.ph,  ang hirap lang din talaga kasi na idefend sa mga nagsususpetsa ang bagay na di pa gaanong alam ng mga tao gaya ng bitcoin. Say for example sa katulad kong housewife po, minsan nakakapaglabas ako ng 100k po nang walang kagatol gatol. Naisip ko rin po kung ifile ko voluntarily ang tax, eh baka naman po every month irequire na ako ng BIR na magbayad? Kahit na di naman po ganoon stable ang kita sa cryptocurrency. Di lang mawaglit po sa isip ko na baka may nalalabag na ako sa batas natin o baka ma AMLA ako. Sana lang magkaroon na ng regulation ang cryptocurrency dito sa Pilipinas para mas malaya na po tayo na makakapagtransact.
member
Activity: 238
Merit: 10
Sa US panay ang nakikita ko kasi na pinaguusapan ang capital gains tax. Dito sa pinas, meron bang kailangan alalahanin?

Tax related?

AMLA related?

Anything at all regarding laws and regulations?
Wala pa naman nireregulate na batas tungkol sa taxes ng bitcoin bale ang binabayaran natin pag nagka cash out tayo ay transaction fees pero sana lang nga huwag na tayong patawan ng taxes dito kasi hindi naman ganun kalaki ang kinikita natin.
newbie
Activity: 351
Merit: 0
Sa palagay ko, wala naman dapat tayong alalahanin or mangamba tungkol sa pag cash out ng bitcoin kasi sa coins.ph lang naman tayo nag cacash out at ang coins.ph ay legal na kompanya dito sa atin. Lahat naman ng transction na pinanggalingan ng nalikom nating pera ay galing sa bitcoin which is hindi naman illegal.
jr. member
Activity: 112
Merit: 2
Ginagamit ko cex.io for my trading and cashing out through my BDO account. Ilang beses na din ako tinawagan ng BDO last year kapag may pumapasok na pera from my cex account. Tinatanong lang naman is kung nag transact daw ba ako from abroad, sagot ko lang lagi is oo at ok na. Nung katapusan ng January, magpapalit na ng EMV card for my ATM, kailangan ko pumunta sa branch ng account ko. Pumirma ako ng mga dapat ko pirmahan and have to wait for three days. Nung kukunin ko na ung ATM, ang sabi sakin ay kailangan daw muna ako kausapin ng manager nila. Ayun kinausap ako at ininterview sa mga "remittances" ko daw from abroad. Nag pa flag daw sa kanila pag may mga pumapasok na pera from abroad going to local accounts. Tinanong ko kung bawal ba yung ganun, ang sagot sakin ay hindi naman pero na pa flag nga daw sila. Tinanong ako kung san galing ung pera at ang sagot ko nga is from BTC na binenta ko sa CEX. Matagal kami nag usap halos dalawang oras din ata yun kasi naungkat na din na ung ATM na gamit ko is payroll account from a previous company, pinaliwanagan pa ko ng AMLA at ibang BSP orders sa kanila.

In the end, hindi naman daw bawal ung cross-border payments na ginagawa ko kaso napa flag sila at kailangan nila i report at i confirm sakin na ako nga daw ung nag transact. Dahil daw ito sa isang money laundering case ng isang malaking bangko na nabalita (di nya sinabi kung ano). At order sa kanila ng BSP. Ang sabi nya sa akin ay kung maari wag ko na daw gamitin ung ATM account ko for cross-border payments at mag open na lang daw ako ng BDO remittance account nila, ung kabayan ata un. Pero di ko pa to ginagawa.
newbie
Activity: 29
Merit: 0
Para sa akin, wala naman dapat tayong ipangamba kapag nagccashout at sigurado naman na Legitimate naman yang pinanggalingan ng bitcoin di ba.
siguro, kung ang pinanggalingan ng bitcoin mo fay galing sa illegal activity or any suspicious kind of criminal act, mangamba ka. pero kung LEGIT naman yang pinanggalingan ng bitcoin mo, don't worry. eto po from the  Anti-money laundering act of 2001:


Anti-Money Laundering Act of 2001 (RA 9160)

SEC. 4. Money Laundering Offense. – Money laundering is a crime whereby the proceeds of an unlawful activity are transacted, thereby making them appear to have originated from legitimate sources. It is committed by the following:

(a) Any person knowing that any monetary instrument or property represents, involves, or relates to, the proceeds of any unlawful activity, transacts or attempts to transact said monetary instrument or property.

(b) Any person knowing that any monetary instrument or property involves the proceeds of any unlawful activity, performs or fails to perform any act as a result of which he facilitates the offense of money laundering referred to in paragraph (a) above.

(c) Any person knowing that any monetary instrument or property is required under this Act to be disclosed and filed with the Anti-Money Laundering Council (AMLC), fails to do so.

source: http://www.bsp.gov.ph/regulations/laws_aml.asp
newbie
Activity: 252
Merit: 0
Tama sila sir wala kang dapat alalahanin. Malaman mo rin sa mga trading sites o apps kung may TAX, kasi my required na TIN number ibig sabihin may tax talaga na ibabawas. For example sa IQ option my TIN number na kelangan, yun may tax talaga.
Sa ngayun wala pa naman po dapat tayung alalahanin kasi sa sesima natin sa gobyerno di pa nila masyadong pinakimialaman ang tungkol sa bitcoin,pero kung magkagayun man na may batas na tayung dapat sundin eh wala tayung magagawa kundi mag follow lang,at kung dapat naba talagang magkaroon nang tax kung magkagayun,dapat rin tayung sumunod para magiging legal naman ang lahat at wala naring maging gulo kung sakali.
sr. member
Activity: 714
Merit: 254
tingi ko sa kasalukuyan wala naman tayong dapat ipangamba sa pag cashout ng bitcoin dito sa ating bansa, pero kung may ganyang pangyayari na sa US tingin ko hindi malabo na darating ang araw na magkakaroon rin ng ganyang implementasyon dito sa pinas. sa bansa naman natin tanging mga exchanges ang na reregulate pa lamang.
full member
Activity: 294
Merit: 101
Sa tingin ko wala pa namang legal implication na mangyayari kapag nag cashout ka ng pera galing sa bitcoin.
Pero syempre parang mapapaisip kadin kasi baka pagisipan ka ng mga tao sa pinag cacashoutan mo lalo na kapag malaki ang ilalabas mo na pera. Kaya ang ginagawa ko, since hindi pa naman ako ganun ka adult sinasama ko parents ko sa pag cash out para naman maka iwas sa mga tanong.
newbie
Activity: 280
Merit: 0
Sa ngayon wala pang update sa government kung papatawan nila ng tax ang pag earn sa cryptocurrency maganda nlng siguro i keeptrack mo ang kita mo kung napakalaki nito para di ka mahusgahan na nag momoney laundering ka.
full member
Activity: 462
Merit: 100
Sa US panay ang nakikita ko kasi na pinaguusapan ang capital gains tax. Dito sa pinas, meron bang kailangan alalahanin?
Tax related?
AMLA related?
Anything at all regarding laws and regulations?
Sa ngayon walang kailangan alalahanin at wala pang tax na kailangan bayaran kapag mag ka-cash out ng Bitcoin to local currency dito sa atin sa pilipinas pero sigurado magkakaroon din yan any time soon. Tungkol sa regulations wala pang nilalabas na ganyan ang bangko sentral at phSEC about cryptocurrency or Bitcoin, ang ginagawa pa lang nila ay nireregulate yung mga Bitcoin exchanges na nag ooperate dito sa bansa (which is included yung anti-money laundering) at bigyan ng babala yung mga kababayan natin na gustong mag invest sa mga cryptocurrencies.
minsan kasi sir, nakakabahala kapag naglalabas ng pera mula coins ph papuntang banks or remmittance centers. unang una, halimbawa na kailangan mong maglabas ng 50k araw araw. syempre magiging questionable siguro sa part nila at parang magddoubt ka din na baka nagllaunder ka ng pera. naranasan ko kasi na feeling ko mafia ako of come sort dahil nga naglalabas kami ng pera. sana lang talaga mailatag na ang mga guidelines at mainform din nang mas mabuti mga nasa field of finance para once and for all maging mas smooth at transactions at di doubtful sa pakiramdam. di mo rin kasi masabi e.
full member
Activity: 602
Merit: 103
Sa aking pagkaalam wala pa namang legal na batas ukol sa usaping cryptocurrency dito sa ating bansa. Hindi ka pa obligadong mag saad ng iyong kaukulang kita para mapatawan ito ng tax, ang aalalahanin lang natin dito ay ang pag cash-out ng malalaking halaga, halimbawa, ikaw ay nakabenta ng mga asset mo na nagkakahalaga ng isang milyong piso kung kaya't makukweston ka talaga kung saan mo man ito gustong i withdraw, kaya baka duon palang tayo makakaencounter ng legalities tulad ng pagpirma sa AMLA at di ko batid kung may kaukulang tax na iyon.
sr. member
Activity: 779
Merit: 255
Quote
May legal implications bang dapat alalahanin pag nagcacashout galing sa bitcoin?

medyo gray area pa kasi eh. so far BDO pa lang ang kumakalat sa social media na may aversion sa fiat deposits na galing sa exchange-like service tulad ng coinsph.

kung gumagamit ka ng coinsph at nagcashout ka to your bank account, iisa lang kasi ang name na lilitaw ng kung kanino galing ang deposit. nakikita ko kung kanino galing daihl mobile banking ang gamit ko so kita mo na kaagad kung na-deposit na yung cashout mo.

sa tingin ko alam na ng banks na coinsph yun or abra or any exchange that can send deposits to your bank account and ang assumption nila kaagad is galing yung sa bitcoin.

2015 ako nagsimulang magbitcoin and during that time, wala pang kiyeme si BDO sa fiat deposits na galing ng bitcoin. services nga nila dati ang laging ginagamit sa cash ins ng coinsph eh. kaya lang ngayon nabago ang ihip ng hangin.

siguro mas best to ask your local branch or home branch about deposits from services using cryptocurrencies para alam mo na kung magiging safe ang pera mo sa kanila.
hero member
Activity: 644
Merit: 500
i love my family
sa ngayon wala pa naman ako nababalitaan na tax na ipapataw para sa mga crypto holder. pero about sa AMLA meron akong kaibigan na bounty manager madalas ang withdraw nya ng pera sa cebuana tapus sabi nya tinanong siya ng teller kung bakit ang lalaki ng cash out nito saan daw nang galing yung winiwithdraw nyang pera. sumagot naman sya at sinabi sa bitcointalk nga daw at bitcoins ang kinikita nya. tapus bigla nag usap usap yung mga teller na parang nag bubulungan then lumapit ulet yung teller na nag aasist sa kanya at sinabihan siya na may posibilidad daw makasuhan siya ng AMLA kaya bigla siya natakot. ngayon sinusubukan nya kumuha ng  tin para kung sakali need nya mag bigay ng tax kung sakali hingin sa kanya yung tottal na kinita nya willing naman sya mag bayad ng tax. so far nakuha naman nya yung pera.
sr. member
Activity: 322
Merit: 252
Sa US panay ang nakikita ko kasi na pinaguusapan ang capital gains tax. Dito sa pinas, meron bang kailangan alalahanin?

Tax related?

AMLA related?

Anything at all regarding laws and regulations?
tax? wala, wala kang aalalahanin sa tax, ang bitcoin ay decentralized, ibig sabihin walang kahit na sino ang may hawak nyan, even the government. and ang price ng bitcoin ay volatile so paano nila lalagyan ng tax ang kinikita mo sa bitcoin kugn hindi naman stable ang price nya.
This post is a spam, Next time read carefully, hindi yung post ka ng post, nadadamay ibang pinoy sa iyo eh.
Nasa Local thread ka na nga eh, Tagalog na nga hindi mo pa rin inayos reply mo.
He is talking about the cashout. Kung may legal implications ba, Do we need to pay taxes dahil considered na capital gains yung nakukuha nating pera.

Hindi sakop ng governo ito kaya wala pang tax na binabawas dito at tsaka paano nila malalaman kung magkano ang kinikita ng investor sa bitcoin dahil baba taas ang presyo nito.mangyayari man yan ay di pa sa ngayon pero kung isa batas yan siguradong maraming hindi matutuwa lalo na mga investor ng bitcoin.
Isa pa ito. Gobyerno , not governo. Pwede ayusin niyo mga post ninyo? Nasa local threads na nga kayo eh.

Wala pa naman related na tax pertaining sa bitcoin even sa NIRC ng BIR. But still if you like to pay the corresponding tax you should include the income earned from bitcoin sa annual ITR nyo as part ng other income.

I think even if you declare in the ITR your income if the source is not coming from your employer or self employed it will not honor by the BIR and bitcoin as your other income might be questioned because bitcoin is not centralized. I had a friend her source of income was only from a networking company, she declared it in her ITR application just to have a tax number or TIN ID. Unfortunately the BIR disapproved her application,  how much more the bitcoin? They are not familiar with it.
Thanks for the input, but next time can you use punctuation marks and check your grammar too?. BTW this post is a great help for the Filipinos who are still wondering about the Capital Gains Issue on Cashing out (Converting BTC to PHP).

Merong issue nitong nakaraang December na naclose daw ang account niya dahil circular daw ng bangko sentral na kapag galing sa crypto at malaki, kailangan daw isara ng BDO ang account. Hindi ko alam kung totoo pero pinag-usapan to sa mga Facebook groups.
Do you have a source on this? Para we can confirm naman kung totoo nga.

Sa pagkakaalam ko  AMLA is always the regulating body for the Philippines, kaso madmi lng loop holes sa systema at hindi alam pa ng government on how to regulate bitcoins sa pinas, actually nasa law na ng ating bansa na dapat tayo mag bayad ng tax sa anu mang earning na meron tau and that includes bitcoins, and loop hole lng dito walang means na itrack pa eto ng BIR or baka hindi pa alam ng BIR kung paano ma track ang mga ganitong transaction. BIR can partner with coins.ph or other withdrawal agencies and imposed taxes on bitcoin earnings. Pero ang pilipinas nasa infancy stage pa ng crypto currency kaya medyo matagalan pa tau mapasunod sa any legal implications kung meron man.
Thanks for this post, I agree with you, they don't still have an idea about it, I hope we can get more inputs like this para magkaroon tayo ng better judgement. Well, Another Problem is the banks, if i am getting it right, the above quoted post tells another story that we need to confirm, if it is true or not.
jr. member
Activity: 518
Merit: 1
Wala pa naman related na tax pertaining sa bitcoin even sa NIRC ng BIR. But still if you like to pay the corresponding tax you should include the income earned from bitcoin sa annual ITR nyo as part ng other income.

I think even if you declare in the ITR your income if the source is not coming from your employer or self employed it will not honor by the BIR and bitcoin as your other income might be questioned because bitcoin is not centralized. I had a friend her source of income was only from a networking company, she declared it in her ITR application just to have a tax number or TIN ID. Unfortunately the BIR disapproved her application,  how much more the bitcoin? They are not familiar with it.
Pages:
Jump to: