Walang pulitiko gagamit and mag papa verify sa coins.ph for over the 400k daily limit. May tawag sa ganun.
Ang gagawin ng pulitiko, meron sya mga empleyado, siguro meron sya sampu na trusted ... ayun 4m na ang daily limit nya. Tapos bawat tao, ibang pangalan pa ang gagmitin, so walang trace. Madali lang naman sa pulitiko gumawa ng proper identification for verification purposes; ang daming "ghost employees", mga patay na, o maski buhay pero squatter naman ...
At, ang baka gawen ng totoong pulitiko, hindi dito sa pilipinas bibili ng bitcoin. Bibili yan sa mga international exchanges, kasi mas mura.
At kung nakaw naman ang pera o from drugs, o from illegal gambling, o kung ano ano scam o government contract overbilling, o kung ano pa yan ... okey lang na yung 100 million pesos, nabawasan ng 20 million, so 80 million na lang natira, then naging bitcoin yan lahat.
Wala pa naman lumalapit sa aken na pulitiko, hindi rin naman ako nag kukwento sa mga kilala kong pulitiko. Marami akong kilala at connection, baka akala nila masyado akong matino para dyan.
Prior to crypto currencies, the easiest way to hide money is NOT to keep it in the grid, not in a bank account (at least not under their real name). Ngayon, malay ba naten kung meron na. Hindi naten alam. We are only speculating.
Pwede, gagamit ghost employees or kung sino na hindi pag-iinteresan kaagad para di mai-link sa kanila...
After ko panoorin yung hearing ng senado about bribery case ni Jack Lam sa mga taga Bureau of Immigration, agree ako dito na pwede gumamit ang opisyales ng bitcoin pero di sa sarili nilang pangalan. Truth be told, ganyan ang gagawin nila kasi playing safe ba. Gagamit sila ng ibang pangalan at aayusin ang mga papeles para okay na ang limits nung dummy account(s) nila.
At siguro kung gagamitin ang coins.ph hindi naman large scale transfer ang gagawin nila agad meaning di naman bibiglain na 100M agad ang isang transaction. Paunti unti siguro pwede tapos dadalhin offshore.
Kasi di naman nila kailangan mikapag speculate ng price na parang ginagawa natin na pag maganda ang exchange rate, convert to pesos.
Ang kanila namn buy bitcoins para makapagtransfer ng funds sa neutral ground na di pakekelaman kung magkano ang funds nila. Pero kung itatago pa nila as bitcoin, maaaring hindi na. Probably convert to dollars or some other precious asset. Ang challenge pa rin ay yung hindi ma-trace na kanila yun otherwise makwestyon sila re: unexplained wealth.
May tsismis pa nga na may portion ng Marcos wealth nasa bitcoin din aside from precious metals pero parang hirap ko pa rin paniwalaan dahil limited lang ang bitcoins/altcoins... so most likely nasa platinum at gold?