Napansin ko lang, napakadami ng scam project ngayon na naglalabasan, napakaraming mga scam bounty program at mga ICO kayat nakakabahala nang sumali sa mga bounty program dahil kahit minsan trusted na ang mga team na nagmamanage ay may mga scam parin, tulad nalang ng, impressio na handled token suite managing team pero may mga nag aacusang scam.
Noong baguhan palang ako dito sa forum at naghahanap ng bounty campaign, isa ang
Tokensuit sa mga bounty management ang inakala ko na magandang salihan kasi nakalista sila sa mga best bounty managers dito sa forum ngunit sa lahat ng sinalihan kung campaign sa kanila ay hindi maganda ang takbo. Kaya nga siguro na-negative trust yong mga bounty managers nila dahil doon.
Sa tingin nyo paano masusugpo ang mga scam ICOs ang bounty program ng sa gayon ay hindi ganun kataas ng risk kong sasali tayo ng bounty upang mangarap na kumita sa darating na panahon?
To be honest, it is very hard to detect a scam ICO dahil mapakagaling na nilang magpanggap na legit ang kanilang project. Sa huli na lang natin malalaman na scam pala yong ICO nila. My strategy now para hindi masyadong masayang ang oras ko sa pagsali sa scam bounties ay doon nalang ako sa mga trusted bounty managers which i think screened the campaign they are running. Pero hindi pa rin iyon 100% guarantee na hindi scam ang project nila. Just research here in the forum for those managers and bounty managing platforms other than
Tokensuit.