Hindi malabo yan dahil alam naman natin na ang mga politiko ay may mga lihim na investments, tulad nga ng sabi mo ang focus nila ay magpayaman at hindi rin naman lingid sa kaalaman nila na profitable and crypto pero hindi lang nila ito inilalabas sa public dahil maaring magkaroon ng conflict or misconception sa maraming Pilipino.
Tulad ng maraming kilalang personalidad na involve sa crypto investment, hindi rin naman siguro pahuhuli ang mga politicians jan. Wala rin naman silang enough reason para ipublic ang personal investments nila. Malamang marami ring pulitiko ang gumaya or sabihin na nating nainspire kay Manny at kilala natin ang mga iyan, hindi yan sila magpapahuli kung saan may profitable opportunity.
Tingin ko din ganyan kasi alam naman natin na ang mga politiko kung saan may pera nandun ang mga radar nyan, hindi naman lingid sa kaalaman natin na biglang nag boom yung crypto nung mga nakaraan at malamang nakasagap din yung mga politiko patungkol dyan.
Pero syempre mas pipiliin nila na tumahimik at yung tipong walang makakaalam para tuloy tuloy lang yung pagpasok ng pera, bihira lang yung mga taong mag sasalita patungkol sa crypto lalo na nung mga time na nagsalita ang BIR patungkol sa paghabol ng tax sa mga crypto users.
Iwas pusoy dun sa mga merong investment at mga nakakaalam at sekreto lang yung mga investment nila.