Pages:
Author

Topic: Maya Platform nagerror 1usdc = 1piso (Read 361 times)

legendary
Activity: 3318
Merit: 1185
Playbet.io - Crypto Casino and Sportsbook
November 14, 2024, 06:09:58 PM
#32
system error na naman, tama lang isauli kung mali naman ng system nila pero in reality, yung iba diyan hindi na nila ibabalik yan at titigil na sila sa pagamit ng maya. Mangyayari kasi diyan is yung maya wallet mo mag negative (-), kung magkano ang nakuhang mong excess dahil sa mali, so everytime mag deposit ka, ma offset yun, kaya gugustuhin nalang ng iba na wag nalang gamitin ang maya, marami namang options di ba?

On the legal side naman, it's just ethical to return kasi obvious naman na error, and Maya has all the evidence to that which they can take the case in court, siguro selected lang kung sino yung may mga malalaking nakuha as a successful action might lead to fear to some who had taken advantage of the situation and they'll return what they owe.
legendary
Activity: 2268
Merit: 1379
Fully Regulated Crypto Casino
November 13, 2024, 09:57:30 AM
#31
Nagsimula lang naman to lahat nung mapatupad yang SIM registration act na yan. Alam naman natin kung gano kahina ang cybersecurity ng Pinas dahil hindi pinagtutuunan ng gastos ng gobyerno, pero sige pa rin tayo sa pagpush ng mga digitization efforts sa lahat ng sensitibong impormasyon ng publiko kahit hindi tayo handa o ayaw nating paglaanan ng budget ang mga ito.
Para ngang wala na silbi yung act na yun. Simula ng mapatupad yun I expect na mabawasan ang mga scammers or abusers pero hindi parang kabaligtaran pa nga ang nangyari, mas dumami ang scammers.

Hindi ba nila balak higpitan yun part na yun kasi parang di namam pumabor para sa general safety ng community eh.
legendary
Activity: 2996
Merit: 1054
Leading Crypto Sports Betting & Casino Platform
November 13, 2024, 06:51:04 AM
#30
(...)
 Ngayon nagrerequest ang Maya na isauli ang mga profits na nakuha ng mga users na nagwithdraw anong take ninyo dito? Ito ba yung isa sa mga gusto nila prioritize over Binance. Nakakatakot sa totoo lang.
Good thing dito if may info sila dun sa mga users na naka abuse at makikita na man jan ung mga personal data ng users na iyon like mga name, address, contact numbers, etc. not unless if fake ito or yung mga ginamit lang ang data at mga IDs ng ibang tao para maka gawa at ma verified ang account nila sa Maya, madaming ganito lalo na sa gcash, yung mga neg bebenta/bumibili ng mga verified accounts.

Un na nga kasi meron din posibilidad na may nakapag KYC na gamit eh biniling info un mga tipo ng taong ganun eh mabilis sa mga ganitong pagkakataon, malamang pag nakapag withdraw hindi na yun ibabalik kawawa ung mapagbabalingan since binenta nila yung mga info nila or ung ibang nabiktima lang din hindi na natin masasabi yan pag pera na kasi pinag uusapan mahirap ng habulin yan.

Pero syempre dun sa regualr users at ginagamit nila ung Maya sa negosyo nila malamang sa malamang mag cocomply yan at magsasauli sila ng pera para magamit pa din nila yung account nila ng walang antala.
hero member
Activity: 3136
Merit: 579
November 12, 2024, 12:28:10 PM
#29
Bilang constultant sa isa sa mga partners ng GCash at Maya sa fintech, kadalasan ang nangyayari e si end user na mismo ang gumagawa ng ikinapapahamak nila. Madalas kasi, sa mga phishing attempts ng mga spoofer, maeengganyo talaga ang average na Pinoy dahil sa mga words na ginagamit ng mga spoofer. Madalas, yung mga narereceive namin na reklamo naman ay ginagamit lang ang mga gambling sites na ito para mag deposit direkta sa kanilang account, bago nila iwithdraw palabas ng platform.

Sumasang ayon ako dyan meron mga kakilala may mga warning yung Gcash at yun giban gmga ahensiya adventurous pa rin para mag check sa mga phishing link eh wala namang sapat na kakayahan para malaman nila kung legit o hindi ang mga sites na pinapasok nila.
Dalawa talaga ito sa side ng platform at maging sa side din ng users, pero higit sa lahat sa side ng users na dapat sila maging educated pero kung wala ka namang alam na ginawa para ma hack, aba sa platform na ito at dahil dito dapat sila maimbestigahan.
hero member
Activity: 3066
Merit: 629
20BET - Premium Casino & Sportsbook
November 10, 2024, 04:08:51 PM
#28
Bilang constultant sa isa sa mga partners ng GCash at Maya sa fintech, kadalasan ang nangyayari e si end user na mismo ang gumagawa ng ikinapapahamak nila. Madalas kasi, sa mga phishing attempts ng mga spoofer, maeengganyo talaga ang average na Pinoy dahil sa mga words na ginagamit ng mga spoofer. Madalas, yung mga narereceive namin na reklamo naman ay ginagamit lang ang mga gambling sites na ito para mag deposit direkta sa kanilang account, bago nila iwithdraw palabas ng platform.

All in all, walang kasalanan ang mga gambling sites, kundi yung mga external actors na ginagamit lang yung gambling sites para maging money laundering vehicle. Ang puno't dulo nito ay hindi galing sa GCash, Maya, o kahit sa mga online casinos, kundi sa sunod-sunod na data leaks kung saan naexpose ang maraming impormasyon ng mga Pilipino dito sa mga fraud actors na ito.

Nagsimula lang naman to lahat nung mapatupad yang SIM registration act na yan. Alam naman natin kung gano kahina ang cybersecurity ng Pinas dahil hindi pinagtutuunan ng gastos ng gobyerno, pero sige pa rin tayo sa pagpush ng mga digitization efforts sa lahat ng sensitibong impormasyon ng publiko kahit hindi tayo handa o ayaw nating paglaanan ng budget ang mga ito.
Ito yung sinasabi ko sa mga kaibigan ko, basta huwag sila masyadong mamansin ng mga links na di sila familiar ay safe lang din sila. Natatakot sila ng sobra sa mga nababasa nilang post sa social media, eh karamihan naman doon ay one-sided lang at ayaw nila sisihin yung mga sarili nila kung anong kalokohan ang ginagawa nila sa mga apps na meron sila at kung paano nawala yung funds nila. Ayos ka din pala bro at consultant ka sa mga partners ng mga known wallets dito sa bansa natin.
legendary
Activity: 3542
Merit: 1352
November 10, 2024, 11:44:57 AM
#27
Pansin ko lang sunod-sunod ang pag-atake ng mga hacker o scammers mga e-wallets, at itong gcash nga ay parang sabay-sabay na nagtrending yung mga nabiktima ng mga unauthorized transaction sa kanilang mga account sa gcash. Nakakapagtaka dun, aware naman yung nabiktima sa mga phishing link, at pagkonek sa mga gambling online casino at at mga online gaming pero bakit napasukan parin yung account nila? Diba, nakakapagtaka yun?

Hindi ba kayang solusyunan yan ng gcash at ng maya apps wallet? Sobrang nakakaalarma talaga yan, ako talaga walang akong kinokonek na anuman, at kahit may magtex sa akin ay ignored at block agad ang ginagawa ko.

Bilang constultant sa isa sa mga partners ng GCash at Maya sa fintech, kadalasan ang nangyayari e si end user na mismo ang gumagawa ng ikinapapahamak nila. Madalas kasi, sa mga phishing attempts ng mga spoofer, maeengganyo talaga ang average na Pinoy dahil sa mga words na ginagamit ng mga spoofer. Madalas, yung mga narereceive namin na reklamo naman ay ginagamit lang ang mga gambling sites na ito para mag deposit direkta sa kanilang account, bago nila iwithdraw palabas ng platform.

All in all, walang kasalanan ang mga gambling sites, kundi yung mga external actors na ginagamit lang yung gambling sites para maging money laundering vehicle. Ang puno't dulo nito ay hindi galing sa GCash, Maya, o kahit sa mga online casinos, kundi sa sunod-sunod na data leaks kung saan naexpose ang maraming impormasyon ng mga Pilipino dito sa mga fraud actors na ito.

Nagsimula lang naman to lahat nung mapatupad yang SIM registration act na yan. Alam naman natin kung gano kahina ang cybersecurity ng Pinas dahil hindi pinagtutuunan ng gastos ng gobyerno, pero sige pa rin tayo sa pagpush ng mga digitization efforts sa lahat ng sensitibong impormasyon ng publiko kahit hindi tayo handa o ayaw nating paglaanan ng budget ang mga ito.
hero member
Activity: 1932
Merit: 546
November 10, 2024, 11:25:26 AM
#26
parang andaming issue ng Maya , kahapon naka receive ako ng text from Maya sharing link na meron daw pumasok na funds sakin and i need to verify since wala naman akong iniexpect na pera eh surely scam or hack attempt to.
nakakaloko na parang prone sa hack ang Maya , buti nalang hindi ako regular user nito .

Galing pa ito sa official number ng Maya o sa unknown number na tinitake advantage ang issue ng Maya then may ibibigay na link para puntahan ng mga tinext nila? 
official Maya account kabayan , as in kung saan nag uupdate ang maya ng kanilang mga events , kaya nga nagulat ako .


- " You have a funds being transferred to your account .It is in process .Please go to (LINK) Help to verify your identity to complete the receipt"-

yan ang mismong text na na receive ko from Maya Number '

Medyo advanced na rin kasi ang mga spoofer na ginagamit ng mga nefarious entities, mostly targeting ewallets and digital bank providers. Ang dapat lang naman isipin ng mga tao e hindi ka dapat mag verify ng kahit ano pag magrereceive ka ng pera, regardless if coming from an unknown sender or not.

Kahit GCash e may mga gantong spoofed messages na rin na nagmumukhang legit dahil ang nareregister sa mga number e from GCash yung nag send. Sa tingin ko, dapat sisihin dito eh yung sim registration. Mula nang naregister ang phone number ko sa sistema na yan ng PhilSys o kung sinong entity man nagmamanage ng SIM registration, nakakareceive na ko ng mga kung anu-anong shit mula sa mga gambling companies sa number na hindi ko inassociate kahit kelan sa sugal.

--

Sa usapin naman ng Maya na nakikiusap sa mga nakakuha ng pera sa kanilang error, I don't think they should expect na ibabalik ng mga customer yung profits. They can gaslight all they want, pero kapag yung users naman nila nagkakamali, hindi naman din nila binabalik yung funds ng mga users nila.

Pansin ko lang sunod-sunod ang pag-atake ng mga hacker o scammers mga e-wallets, at itong gcash nga ay parang sabay-sabay na nagtrending yung mga nabiktima ng mga unauthorized transaction sa kanilang mga account sa gcash. Nakakapagtaka dun, aware naman yung nabiktima sa mga phishing link, at pagkonek sa mga gambling online casino at at mga online gaming pero bakit napasukan parin yung account nila? Diba, nakakapagtaka yun?

Hindi ba kayang solusyunan yan ng gcash at ng maya apps wallet? Sobrang nakakaalarma talaga yan, ako talaga walang akong kinokonek na anuman, at kahit may magtex sa akin ay ignored at block agad ang ginagawa ko.
legendary
Activity: 3542
Merit: 1352
November 10, 2024, 09:49:51 AM
#25
parang andaming issue ng Maya , kahapon naka receive ako ng text from Maya sharing link na meron daw pumasok na funds sakin and i need to verify since wala naman akong iniexpect na pera eh surely scam or hack attempt to.
nakakaloko na parang prone sa hack ang Maya , buti nalang hindi ako regular user nito .

Galing pa ito sa official number ng Maya o sa unknown number na tinitake advantage ang issue ng Maya then may ibibigay na link para puntahan ng mga tinext nila? 
official Maya account kabayan , as in kung saan nag uupdate ang maya ng kanilang mga events , kaya nga nagulat ako .


- " You have a funds being transferred to your account .It is in process .Please go to (LINK) Help to verify your identity to complete the receipt"-

yan ang mismong text na na receive ko from Maya Number '

Medyo advanced na rin kasi ang mga spoofer na ginagamit ng mga nefarious entities, mostly targeting ewallets and digital bank providers. Ang dapat lang naman isipin ng mga tao e hindi ka dapat mag verify ng kahit ano pag magrereceive ka ng pera, regardless if coming from an unknown sender or not.

Kahit GCash e may mga gantong spoofed messages na rin na nagmumukhang legit dahil ang nareregister sa mga number e from GCash yung nag send. Sa tingin ko, dapat sisihin dito eh yung sim registration. Mula nang naregister ang phone number ko sa sistema na yan ng PhilSys o kung sinong entity man nagmamanage ng SIM registration, nakakareceive na ko ng mga kung anu-anong shit mula sa mga gambling companies sa number na hindi ko inassociate kahit kelan sa sugal.

--

Sa usapin naman ng Maya na nakikiusap sa mga nakakuha ng pera sa kanilang error, I don't think they should expect na ibabalik ng mga customer yung profits. They can gaslight all they want, pero kapag yung users naman nila nagkakamali, hindi naman din nila binabalik yung funds ng mga users nila.
full member
Activity: 2170
Merit: 182
November 10, 2024, 01:39:08 AM
#24
parang andaming issue ng Maya , kahapon naka receive ako ng text from Maya sharing link na meron daw pumasok na funds sakin and i need to verify since wala naman akong iniexpect na pera eh surely scam or hack attempt to.
nakakaloko na parang prone sa hack ang Maya , buti nalang hindi ako regular user nito .

Galing pa ito sa official number ng Maya o sa unknown number na tinitake advantage ang issue ng Maya then may ibibigay na link para puntahan ng mga tinext nila? 
official Maya account kabayan , as in kung saan nag uupdate ang maya ng kanilang mga events , kaya nga nagulat ako .


- " You have a funds being transferred to your account .It is in process .Please go to (LINK) Help to verify your identity to complete the receipt"-

yan ang mismong text na na receive ko from Maya Number '

diba nakakagulat talaga.



parang andaming issue ng Maya , kahapon naka receive ako ng text from Maya sharing link na meron daw pumasok na funds sakin and i need to verify since wala naman akong iniexpect na pera eh surely scam or hack attempt to.
nakakaloko na parang prone sa hack ang Maya , buti nalang hindi ako regular user nito .

Ako nung una nakita ko nag text sakin yung maya pero pag tingin ko naman sa link is hindi talaga ito maya kaya inignore ko na agad na experience ko na ito kasing mga ganito lalo sa sms ng gcash before kaya ininignore ko nalang tsaka ayun lang din wondering paano nila na access ung sms ng maya like hindi ba fix na nasa kanila yun or like sa web is domain kumbaga?.
Yups inignore ko nalang kabayan for my own safety.
full member
Activity: 728
Merit: 151
Defend Bitcoin and its PoW: bitcoincleanup.com
November 09, 2024, 11:42:34 PM
#23
Hindi mo alam if swerte ba yung mga nakapansin or nakabili nung 1usdc=1piso or dapat ba silamg sisihin sa nangyari since nagkaerror ang platform ng maya app. Since may 50k limit lamang na withdrawal eh hanggang dun lang ang mailalabas ng mga tao. Ngayon nagrerequest ang Maya na isauli ang mga profits na nakuha ng mga users na nagwithdraw anong take ninyo dito? Ito ba yung isa sa mga gusto nila prioritize over Binance. Nakakatakot sa totoo lang.

Check the whole story here:

https://bitpinas.com/feature/maya-usdc-pricing-error/?fbclid=IwY2xjawGZfqNleHRuA2FlbQIxMQABHXDDhncH9FR8orWEnFn4G4V2h72k6B5sZIxe63bzcyRbJtDlUvrqgG2c-A_aem_y5rkKb-qZa3KtkF4W0jtjQ

Ito ang mahirap kapag hindi sila masyadong tutok sa system nila makikita mo ang mga ganetong scenario, samantalang sa ibang ganetong klaseng app naffreeze nila ang kanila mga users para hindi mailabas ang funds, para sakin matagal ng sakit sa ulo ang mga local exchange at the same time eh nagbban sila or nagcclose ng account kung kailan nila gusto at hindi nila binibigyan ng sagot na maayos ang kanila customer ito ang kaibahan nila sa tulad ng binace they care sa customer nila maalala ko na mayroon akong kagroup na namali ng send ng token ibang network, naibalik ni binance ang pera naghintay nga lang ng like almost a month pero binalik nila, ngayon kung sa coinsph or maya ito nangyare sa tingin nyo may pakialam sila hindi ba wala?,
Ito ay kasalanan ng maya at hindi sa mga users nila, jaan palang makikita mo na walang kwenta kung iyan palang ngkaissue na anu pa kaya sa security, kaya hindi ko talaga ginamit app na iyan nung ngclose ang binance sa ph, gumamit naman ako mexc matino naman sila at mabilis din.
Isa pa ang fee's ng mga iyan akala mo ninanakawan ka, madami na nga sila nakukuha gugulangan kapa.
legendary
Activity: 1750
Merit: 1329
Top Crypto Casino
November 09, 2024, 11:37:05 PM
#22
Nakita ko nga din ang 1 usd = piso na yun sa exchange nila pero hindi ako bumili, bakit kasi once they knew already this for sure hahabulin kapa din nila regarding dito kase even sabihin nating system error ito pag nag sync na ulit ang system tapos medyo malaki yung margin na nawala with their rate for sure habol pa din alam naman nila credentials natin so connected padin sila regarding sa banks related transactions

parang andaming issue ng Maya , kahapon naka receive ako ng text from Maya sharing link na meron daw pumasok na funds sakin and i need to verify since wala naman akong iniexpect na pera eh surely scam or hack attempt to.
nakakaloko na parang prone sa hack ang Maya , buti nalang hindi ako regular user nito .

Ako nung una nakita ko nag text sakin yung maya pero pag tingin ko naman sa link is hindi talaga ito maya kaya inignore ko na agad na experience ko na ito kasing mga ganito lalo sa sms ng gcash before kaya ininignore ko nalang tsaka ayun lang din wondering paano nila na access ung sms ng maya like hindi ba fix na nasa kanila yun or like sa web is domain kumbaga?.
legendary
Activity: 3052
Merit: 1281
Get $2100 deposit bonuses & 60 FS
November 09, 2024, 05:30:52 PM
#21
parang andaming issue ng Maya , kahapon naka receive ako ng text from Maya sharing link na meron daw pumasok na funds sakin and i need to verify since wala naman akong iniexpect na pera eh surely scam or hack attempt to.
nakakaloko na parang prone sa hack ang Maya , buti nalang hindi ako regular user nito .

Galing pa ito sa official number ng Maya o sa unknown number na tinitake advantage ang issue ng Maya then may ibibigay na link para puntahan ng mga tinext nila? 

Malamang lamang hacker iyan posibleng iyong landing page ay phishing site.  Kaya minsan ingat-ingat din talaga sa mga narereceive na text message.  Sa akin nga nung minsang naglaro ako sa Bingoplus, ang daming scam casino ang nagmessage sa akin, iyong tipon papanalunin ka hanggang lumaki ang bankroll mo then kapag magwithdraw need magdeposit ng certain amount.

Mga scammer talaga sobrang atendido kung ano ang hot topic iyon ang gagamitin nila para makapangphish ng mga accounts.
hero member
Activity: 1932
Merit: 546
November 09, 2024, 09:01:14 AM
#20
parang andaming issue ng Maya , kahapon naka receive ako ng text from Maya sharing link na meron daw pumasok na funds sakin and i need to verify since wala naman akong iniexpect na pera eh surely scam or hack attempt to.
nakakaloko na parang prone sa hack ang Maya , buti nalang hindi ako regular user nito .

Triple kayod ang mga scammer ngayon ah, buti nalang isa tayo sa mga aware sa gawain ng mga ulupong na ito, kawawa talaga yung mga walang alam sa bagay na ito. Halos lahat ng mga users ng maya ay merong natanggap na ganyang message at mukhang nagkaiba lang sa amount na matatanggap pero ganun pa man, phishing link talaga yan.

Ngayon, balik tayo sa glitch na nangyari sa maya, kung tutuusin wala naman talagang dapat sisisihin kundi yung may hawak sa sistema ng maya na meron sila, kung hindi naman dahil sa tao na yun ay hindi sila malulugi ng malaking halaga dahil sa incident na yan.
full member
Activity: 2170
Merit: 182
November 09, 2024, 08:15:10 AM
#19
parang andaming issue ng Maya , kahapon naka receive ako ng text from Maya sharing link na meron daw pumasok na funds sakin and i need to verify since wala naman akong iniexpect na pera eh surely scam or hack attempt to.
nakakaloko na parang prone sa hack ang Maya , buti nalang hindi ako regular user nito .
hero member
Activity: 1554
Merit: 880
Notify wallet transaction @txnNotifierBot
November 09, 2024, 07:11:51 AM
#18
Komplikado kasi yang issue na yan pero kung share holders ako, yung third party vendor ang sisingilin ko at gagawi kong liable at pepenalize ko sila, ipapashoulder ko kung hindi 100%, at least 50% or kung magkano man.
Isa lang conclusion niyan dahil Maya asked users na ibalik meaning ayaw bayaran ng vendor or hindi mabayaran yung possible amount na nawala sigurado kung sino man yung may kasalanan diyan sa side ng vendor pinagmumura na ng boss niya at malamang sesante na yan for sure pagkatapos ng mga nangyari or possibly team na may handle.
Baka suspended lang siguro after ma fix yung bug since in my POV this is just a single line of code sa backend para ma fix to avoid such price na mag go or if fired naman asahan natin may bagong position na open ang Maya sa Linkedin or Indeed in the upcoming weeks
legendary
Activity: 2548
Merit: 1397
November 09, 2024, 03:52:35 AM
#17
(...)
 Ngayon nagrerequest ang Maya na isauli ang mga profits na nakuha ng mga users na nagwithdraw anong take ninyo dito? Ito ba yung isa sa mga gusto nila prioritize over Binance. Nakakatakot sa totoo lang.
Good thing dito if may info sila dun sa mga users na naka abuse at makikita na man jan ung mga personal data ng users na iyon like mga name, address, contact numbers, etc. not unless if fake ito or yung mga ginamit lang ang data at mga IDs ng ibang tao para maka gawa at ma verified ang account nila sa Maya, madaming ganito lalo na sa gcash, yung mga neg bebenta/bumibili ng mga verified accounts.
hero member
Activity: 2646
Merit: 584
Payment Gateway Allows Recurring Payments
November 09, 2024, 03:34:01 AM
#16
Komplikado kasi yang issue na yan pero kung share holders ako, yung third party vendor ang sisingilin ko at gagawi kong liable at pepenalize ko sila, ipapashoulder ko kung hindi 100%, at least 50% or kung magkano man.
Isa lang conclusion niyan dahil Maya asked users na ibalik meaning ayaw bayaran ng vendor or hindi mabayaran yung possible amount na nawala sigurado kung sino man yung may kasalanan diyan sa side ng vendor pinagmumura na ng boss niya at malamang sesante na yan for sure pagkatapos ng mga nangyari or possibly team na may handle.
Panigurado yan, bukod sa mura baka makakita nalang tayo ng vacancy sa cybersecurity o kung sinomang position ang assigned diyan. Bukod dito sa nangyari kay Maya, trending din ngayong araw yung tungkol sa Gcash. Sana magkaroon ng concern ang gobyerno natin na dapat mas maging safe ang space ng mga payment/wallets na ito dahil sila ang mga ginagamit ng karamihan sa mga pilipino. Iba kasi ang tinututukan ng gobyerno kaya parang yung mga ganitong issue ay isinasawalang bahala na lang.
legendary
Activity: 2268
Merit: 1379
Fully Regulated Crypto Casino
November 09, 2024, 01:24:40 AM
#15
Komplikado kasi yang issue na yan pero kung share holders ako, yung third party vendor ang sisingilin ko at gagawi kong liable at pepenalize ko sila, ipapashoulder ko kung hindi 100%, at least 50% or kung magkano man.
Isa lang conclusion niyan dahil Maya asked users na ibalik meaning ayaw bayaran ng vendor or hindi mabayaran yung possible amount na nawala sigurado kung sino man yung may kasalanan diyan sa side ng vendor pinagmumura na ng boss niya at malamang sesante na yan for sure pagkatapos ng mga nangyari or possibly team na may handle.
hero member
Activity: 2646
Merit: 584
Payment Gateway Allows Recurring Payments
November 08, 2024, 09:34:28 AM
#14
Depende pa rin talaga sa values noong mga nakataon sa glitch na iyon. Kung nagkataon lang at hindi talaga planado yan, nasa kanila na iyon kung responsible naman din si Maya, i-admit nila ang pagkakamali nila na nagkaroon ng system issues. Incentive nalang nila sa mga tao yun dahil kung nagi-invest sila sa security at system nila, mas malaki pa ang matitipid nila kumpara sa nangyari na ito
Regardless, kung wala silang balak ibalik yung excess amount, for sure mas malaking abala sa kanila mentally and time na igugol nila in legal matters.
It's not planned, pero consider yun as abuse ng paggamit sa platform nila, since it's a glitch at alam naman ng lahat ng crypto enthusiast ang ibigsabihin ng stablecoin pegged in USD, impossible ang 1 USD = 1 PH Peso
At admitted naman si Maya na there's a glitch, due third-party vendor system, so hindi sa kanila ang error na yun.
Regarding sa incentives, we're talking of hundred of thousands of pesos or baka millions pa, ewan ko nalang if iko-consider mo i-incentivize ang ganung amount kung one of shareholders ka ng company. That's why they ask sa mga users na yun na ibalik ang mga na withdraw na funds.
Komplikado kasi yang issue na yan pero kung share holders ako, yung third party vendor ang sisingilin ko at gagawi kong liable at pepenalize ko sila, ipapashoulder ko kung hindi 100%, at least 50% or kung magkano man. Parang sa past giveaway na nanalo sa tansan rewards ni Pepsi ata yun, ang kinampihan ng korte ay yung mga nanalo pero sabi ng Pepsi management ay may glitch o error din sa side nila kung bakit madaming nanalo. Medyo confusing lang pero gets ko yung point mo kabayan bilang company dahil malaking loss din sa kanila yan pero ayun nga, kung ibalik man ng mga nang abuse o di rin naman masasabing nang abuse at nataon lang, good luck sa kanila kung habulin sila ni Maya dahil nasa database naman nila mga pangalan nila.
hero member
Activity: 1554
Merit: 880
Notify wallet transaction @txnNotifierBot
November 08, 2024, 02:43:15 AM
#13
Depende pa rin talaga sa values noong mga nakataon sa glitch na iyon. Kung nagkataon lang at hindi talaga planado yan, nasa kanila na iyon kung responsible naman din si Maya, i-admit nila ang pagkakamali nila na nagkaroon ng system issues. Incentive nalang nila sa mga tao yun dahil kung nagi-invest sila sa security at system nila, mas malaki pa ang matitipid nila kumpara sa nangyari na ito
Regardless, kung wala silang balak ibalik yung excess amount, for sure mas malaking abala sa kanila mentally and time na igugol nila in legal matters.
It's not planned, pero consider yun as abuse ng paggamit sa platform nila, since it's a glitch at alam naman ng lahat ng crypto enthusiast ang ibigsabihin ng stablecoin pegged in USD, impossible ang 1 USD = 1 PH Peso
At admitted naman si Maya na there's a glitch, due third-party vendor system, so hindi sa kanila ang error na yun.
Regarding sa incentives, we're talking of hundred of thousands of pesos or baka millions pa, ewan ko nalang if iko-consider mo i-incentivize ang ganung amount kung one of shareholders ka ng company. That's why they ask sa mga users na yun na ibalik ang mga na withdraw na funds.

Sa tingin ko literally speaking, walang pagnanakaw na ginawa ang users ng maya kung meron mang nakagawa na bumili ng 1peso ay katumbas ng 1$, asan dun yung pagnanakaw? eh yung ginawa lang naman ng users ay bumili sila ng 1usd kapalit ng 1peso na palitan, eh yun ang sistema ng features ng maya, asan dun yung pagkakamali nung users na nakipagpalitan ng peso sa usd? Pwede naman kasi isipin talaga ng user na maaring promotion yun ni maya, lets face it.
Ang pag buy order nila with 1 usdc = 1 peso ay walang pagnanakaw na nangyari dun obviously, this is a glitch, if may promo man, iisipin ko minus ilang pesos lang not 1:1. Pero ang case dito ay yung ibang users ay nag withdraw with those profit from the glitch, which considers as abuse sa platform ng Maya. Pag di mo binalik ang pera na yun, consider yun as pagnanakaw and just like i said, this is a legal matter, lugi ka since it's you vs the company, and base sa law natin it may fall on cybercrime law at civil case (Article 2154 of the Civil Code)

May mga users naman na gusto ibalik ang funds na yun almost lahat naman since detected ni Maya lahat ng users na may ganung transactions (1 usdc = 1php), all accounts were freeze and they all received emails regarding dun, ang issue lang dito is parang sila pa may utang probably because di stable ang 1 usd to php value from PHP56 ngayon PHP58 na.
Pages:
Jump to: