Dahil may nag post na ng magandang explanation at para kumpleto na talaga ang thread na ito at dahil higit sa 7 buwn na din naman ako na nagtratranslate dito sa forum at nabasa ko na rin naman na may gumawa ng infographic ng kung paano na gumagana sa ngayon ang komplikadong lagay ng sistema ng forum, nagdesisyon akong isalin na din ito sa pilipino.
Katatapos ko lang gawin nung FILIPINO version nung bagong implemented na Merit rules dito sa Forum, pakicheck na lang kung mayroong error sa pagsasalin.
NOTE: Basahin ang explanation nito sa itaas
Original Post ni Theymos :
https://bitcointalksearch.org/topic/merit-new-rank-requirements-2818350Bilang karagdagan sa aktibidad, ngayon ang lahat ay mayroong merit score, at parehas na kinakailangan mo ang tiyak na antas ng aktibidad at tiyak na merit score upang maabot ang mas mataas pa na mga rank ng miyembro. Ang kinakailangang mga score ay:
Rank | Kailangang aktibidad | Kailangang merit |
Sa Brand new | 0 | 0 |
Sa Newbie | 1 | 0 |
Sa Jr Member | 30 | 0 |
Sa Member | 60 | 10 |
Sa Full Member | 120 | 100 |
Sa Sr. Member | 240 | 250 |
Sa Hero Member | 480 | 500 |
Sa Legendary | Hindi tiyak sa pagitan ng 775-1030 | 1000 |
Makakakuha ka ng mga merit point kapag ang isang tao ay nagpadala ng ilan sa isa sa iyong mga post. Bilang karagdagan, kapag ang isang tao ay nagpadala ng merit points sa iyo,
ang kalahati ng mga puntos na iyon ay pwede mong ipadala sa ibang tao.
Itinalaga ang ilang mga user bilang "merit sources". Mula sa wala ay pwede silang makagawa ng bagong merit, hanggang sa limitadong bilang kada-buwan (ibat-iba kada source). Hindi ako magpo-post ng definitive na listahan ng mga pinagmumulan ng merit (upang ang mga tao ay hindi sila lubos na gambalain), bagaman ay malalaman mo rin kung sinu sila kung magbibigay ka ng pansin.
Sa ngayon ay wala pang "demerit". Umaasa ako na ang positibong merit ay magiging maayos na. Gayunman pwede akong madaliang magdagdag ng demerits sa susunod kung kinakailangan.
Umaasa ako na ang sistemang ito ay makakadagdag ng kalidad ng post sa pamamagitan ng:
- Pagpupumilit sa tao na mag-post ng mga bagay na may mataas na kalidad upang tumaas ang rank. Kung magpo-post ka ng basura, hindi ka man lang makakakuha ng isang puntos ng merit, at sa gayon ay ikaw ay hindi man lang makakapaglagay ng mga link sa iyong signature, atbp.
- Pagha-hilight ng mga magagandang post na mayroong mga linyang "Merited by".
Hindi namin ito direktang imo-moderate, hinihikayat ko ang mga tao na magbigay ng merit sa mga post na talagang
mataas ang kalidad, hindi lang ang mga post na
sumasangayon ka.
Huwag sobra-sobrang magmakaawa sa merit.
Ang sistema ng ranking sa forum ay medyo kumplikado na sa ngayon... Maganda kung may isang taong gagawa ng infographic na nagpapaliwanag ng aktibidad at ng merit.
Kung gusto mong maging merit source: 1. Maging matatag na miyembro man lamang.
2. Mangolekta ng SAMPUNG mga post sa mga huling nakaraang buwan na hindi nakatanggap ng sapat na merit para sa kung kagaanu ito kaganda, at mag-post ng qoutes para sa lahat ng mga ito sa bagong Meta thread.
3. Titingnan namin ang kasaysayan mo at kung sakali at gagawin kang source.
Talagang sabik ako na magkaroon ng mga merit sources sa mga sub-communities tulad ng mga lokal na seksyon.
Trivia:Para sa mga kasalukuyang miyembro, ang inyong inisyal na merit score ay katumbas ng pinakamababang kinakailangan sa iyong rank. Ang tiyak na dami doon ay pwedeng magastos (mas mababa sa karaniwang lalahati nito) ay pwedeng magastos. Kinalkula ang dami ng mafafastos base sa kasalukuyang rank at sa dami ng puntos ng aktibidad na kinita mo noong nakaraang taon. Ang isang Legendary member na hindi nag-post noong nakaraang taon ay mananatili parin na legendary ngunit walang anumang pwedeng gastusin na merit.
Kapag ang isang tao ay nagpadala ng 1 merit, hindi masasayang ang 0.5 sMerit; hindi lang ito lalabas hanggat hindi ka nakakakuha ng iba pang merit point.
Mayroong stats
dito, makikita mo ang buod ng merit ng isang tao sa pamamagitan ng pag-click ng link ng "merit" sa kanilang profile.