Kung matagal ka ng nasa forum na ito, marami ka ng kilala at marami ng nakakaalam sa iyo ngunit paano naman ang nagsisimula pa lamang?
Gayunpaman, nais ko rin sabihin na kailangan nating sumunod na lamang sa bagong sistema ng forum dahil para na rin gumanda at magkaroon ng malikhaing pagiisip ang mga user.
Oo mahihirapan tayong mga bago (oo tayo, kasali ako, matagal na yung account pero tinatamad ako gamitin). Pero isipin mo bakit nga ba ginawa tong merit system? -- Para hindi na mag mema-post ang mga kagaya nating bago, pati na rin ang mga medium to high rank members. Hindi naman imposibleng makakuha ng merit, madaming threads ngayon tungkol sa kung pano makakakuha ng merit(bukod sa lagyan ng quality ang post). Silip silip ka lang.
Alam ko na ginawa ang merit system para magkaroon ng quality post at hindi magspam ang mga newbies pero sa tingin ko mga datihan lang ang nagbebenifits sa newly system na ito.