Una sa lahat, I want to make some things clear:- I'm against account farming. Kung nagpapalago ka ng multiple accounts para makasali sa maraming campaigns(bato bato sa langit), deseve mong ma-ban dito sa forum.
- Against ako sa pag-gamit ng Bitcointalk solely para kumita lang ng pera. Keep the earnings secondary, and keep the passion for Bitcoin first. Look at the potential earnings only as an extra bonus.
- Against ako sa pagbibigay ng merits sa kapwa pilipino solely dahil lang sa pilipino ang isang tao. Let's keep nationaility and race out of the equation. Your post deserves merits? You receive merits. Your post doesn't deserve merits? You don't receive merits. Simple as that. Hindi porke kabayan tayo e dadayain na natin ung systema.
- Walang isang tamang paraan para magpalago ng account sa Bitcointalk. Ito ay opinyon ko lamang.
- Pasensya na kung taglish ako lagi. *lol*
So, bakit ko ginawa tong topic na ito?- Para matulungan ang ating kababayan. Knowing na it's safe to assume na marami saatin ang walang trabaho ngayon dahil sa pandemic.
- Para sanang maalis sa utak ng mga tao na spammer ang ilan sa mga pilipino dahil dun sa recent controversy concerning Polar91.
- To overall increase ung reputation ng mga pilipino.
- Boring sa bahay at kailangan ko na magpagupit dahil nagmumukha na akong wolverine.
Anyway, eto na ang iilang tips:1.
Know little to nothing about Bitcoin? Go do some research first. In the first place, nasa
Bitcointalk forum ka. Kung wala kang masyadong alam tungkol sa Bitcoin, bakit mo sinusubukang kumita ng pera agad agad? Parang isang high school graduate na walang working experience na gusto agad maging CEO ng isang malaking kumpanya.
(over-exaggerated, but you get the point)Kung tingin mong kailangan mo maging expert sa Bitcoin para kumita ng merits, nope. You only need to know
enough. Kung tutuusin ung basics lang sapat na eh. If you're not even willing to learn the basics, probably go try earning money in some other places instead.
2.
Add your sources. As much as possible pag may sinasabi ka sa isang thread or reply, add your sources kung maaari. Having sources simply gives your post more validity. Though syempre, piliin niyo rin ung sources niyo. Wag ung kung ano anong random website lang.
3.
Make your posts in-depth, but not unnecessarily long. Pag madalas kang magbasa basa sa forums, halatang halata ung mga ibang post na pasadyang pinahaba lang ung post para magmukhang mas "constructive". Trust me, nahahalata ng karamihan iyon.
Kung sapat na ung 2 sentences na sagot, then keep it at 2 sentences! It's the content that matters in the first place, hindi ung length.
4.
Expound. May nagtatanong kung anong magandang wallet gamitin? Sagutin niyo ng maayos and give your reasons kung bakit un ang suggestion niyo. Wag ung susuggest niyo lang ung Electrum tapos sasabihin niyo lang "not your keys not your bitcoin". Add more details. But then again, wag ung pasadyang pinahaba lang ung post.
5.
Be more "organic". Based on my experience, mas maganda ang feedback sa posts pag ang writing style mo e ung parang nakikipag usap lang sa tao, compared dun sa posts na nagmumukhang kinopy-paste sa isang article(kahit na hindi). Take note, walang masama sa pagiging masyadong technical at formal sa pag gawa ng topics at replies. Again, opinyon ko lamang.
"Quick" final thoughts.If you need to try
so hard to earn merits, most likely baka hindi ka qualified to earn merits in the first place. Kung mapapansin niyo, ung mga ibang malalaki ang merit count sa Bitcointalk, parang ang casual lang silang nagpopost pero angdaming nagbabato sakanila ng merits. Bakit? Simply dahil mataas ang kaalaman nila tungkol sa Bitcoin to the point na magaganda lahat ng sagot nila tungkol sa mga topics kahit walang ka effort effort ang pagsagot nila.
Second, please don't make Bitcointalk your main source of income. Maganda man ang opportunities dito knowing na nasa isang mahirap na bansa tayo, take note na masyado tayong nakasalalay sa Bitcoin at sa Bitcointalk. Though wag naman sana, some time in the future, possibleng bumagsak ang presyo ng bitcoin, at possible rin na mamatay someday ang Bitcointalk. Pag nangyari un, paano na? Ang experience mo lang e magpost sa forums at sumama sa bounties?
Anyway, may mga harsh truths man, take it as inspiration. If you think you're probably not qualified, try to learn the ropes muna. Think long term and don't rush in.
Habang kumikita ng extra sa Bitcointalk, try to start other online(or offline) businesses rin para naman ma-diversify ang income natin at hindi tayo umaasa sa iisang industriya at iisang website.
Lastly, best of luck sa lahat, and keep safe mga kabayan 🇵🇭.