Kaya naiiwip ko na kung pwede lang sana gawing collateral sa banko ang Bitcoin para makakuha ng loan panimula ng business, magiging convenient ito dahil hindi ko na kailangan ibenta ang Bitcoin ko sa mababang halaga habang pinapalago ko ang pera na aking inutang.
Nagresearch ako at nalaman na kasalukuyan ay wala pa na banko ang nagooffer nito. Nalaman ko din na walapa dn banko ang tumatanggap ng cryptocurrency maliban nalang sa Unionbank dahil may sarili silang stablecoin pero the rest ay wala pa talaga.
Sa America ay madami ng banko ang nagbibigay ng ganitong service at tumatanggap ng crypto deposit. Sa tingin nyo maglelevel up din kaya ang mga banko natin o no chance talaga na magventure sila sa crypto product?
Sa ibang bansa meron ng nagbibigay ng ganyang serbisyo. Pero dito sa ating bansa wala talaga Sir, ako mismo naranasan ko yan hindi man
sa paraan ng ninanais mo. Dahil sa karanasan ko na sinubukan kung mag-bukas ng open account sa isang banko sa kabila ng lahat na wala akong trabaho, pero meron akong bitcoin bilang assets ko sa cryptocurrency. Hindi nila ako pinayagan na makapagbukas dahil mas hinahanap nila ang employed ka or merong kang business permit at idadag mo pa ang mga valid I.D. though meron naman akong valid id. At hindi nila tinatanggap yung Bitcoin para maqualified ka nila bilang maging bagong client.