Pages:
Author

Topic: Mga dahilan ng mga deleted posts sa forum - page 7. (Read 1225 times)

legendary
Activity: 3108
Merit: 1290
Leading Crypto Sports Betting & Casino Platform
I should avoid posting starting from I think, and I agree, LOL..
I have some deleted post also, like you it has also reduce my post count.

Thanks for the tip anyway, I had no idea until you posted the possible reasons.
sr. member
Activity: 2380
Merit: 357
Hindi ko alam kung ako lang ang nakararanas nito ngunit kulang kulang 100 posts na and nabura sa akin nitong linggo lamang na ito at patuloy pang nabubura sa tuwing nag popost ako. Hindi ko din alam kung may self moderator ako at nakaabang lang sa mga pinopost ko para burahin. Ngunit narito ang ilan sa aking mga nalaman kung bakit marahil nagkaroon ng ganitong pangyayari sa forum.

1. Nagkakaroon daw ng forum cleaning ang mga moderator at binubura ang mga spam posts at topics na umuulit lamang sa forum.

2. Lahat ng mga off topic posts ay binubura.

3. Sabi nila, yung mga may "i agree", "i think" or "the bitcoin now is _" yung mga binubura dahil hindi ito nakaka dagdag ng idea sa topic.

4. Tingin ko ay kasama na dito yung mga burst posts or posts kung saan higit sa isa sa loob ng isang oras.

5. Pag uulit ng ideya na nabanggit na. Kadalasan ay sa mga posts na maraming pages na.

Sadyang nakakalungkot lalo na't kung mayroon kang sinasalihan na campaign at required ang bilang ng posts per week ngunit kung iisipin at tama lang naman para ma improve pa lalo ang quality posts sa forum.

Ano ba ang dapat nating gawin?

1. Improvement and quality posts. Yung tipong kailangan mong magbigay mg halimbawa kung kinakailangan upang makapag ambag ng kaalaman.

2. Kung agree kana sa isa sa mga comment doon ay wag mo nang ulitin ang sinabi nya.

3. Ugaliing magbasa di lamang ng title at topic kundi pati narin ang mga comments.

4. Kung sa tingin mo ay may kapareho nang topic ang iyong cocommentan ay wag mo na itong ituloy. Malamang ay buburahin nadin ng moderator ang spam topic na iyon.


Sana lang ay nakatulong at sa ngayon ay masaya naman ako dahil natuto ako sa mga pagkakamali na ginawa ko noon.
Pages:
Jump to: