Isa sa dahilan bakit maraming naloloko o na sscam sa cryptocurrency ay dahil sa misinformation at misconception sa cryptocurrency, karamihan ng kababayan natin lalo na yung mga newbie, ang pagkakaalam sa crypto ay isang madaling paraan para kumita, which is wrong. Mainam talaga na mag research at alamin kung saan ka man maiinvolve, cryptocurrency man o ibang bagay bago sumabak.
Huwag agad maniniwala at masisilaw sa potential na kitaan, tatandaan cryptocurrency investment man o hindi, walang madaling paraan para kumita.
Sa tingin ko kahit na anong misconception at misinformation ang natatanggap ng tao about cryptocurrency, walang kinalaman ito kung bakit sila naiiscam. Ang pang-iiscam kasi ng mga tao ay may iisang pattern. Iyon ay tinitrigger nila ang ating pagkaganid, pagkatakot at iniexploit ang ating pagiging ignorante at mapagtiwala. Ibig sabihin, kung well aware tayo about sa mga process at teknik na ginagamit ng mga scammers kahit na mali ang ating pagkakaalam about cryptocurrency ay hindi tayo maiiscam.
Kaya napakahalaga ng ginawang topic na ito ni OP para paalalahanan ang mga tao tungkol sa mga sistemang ginagamit ng mga scammer para lokohin ang mga tao maging sa loob at labas ng industriya ng cryptocurrency.
Kaya contacts is one of the best thing to have still sa bitcoin and in general sa gantong industry. Disadvantage natin kung wala tayong kilalang tao mapagtatanungan man lang ba. Tho maiiwasan din naman natin yung scams lalo na kung focused tayo sa pagreresearch para nadin sa kabutihan natin kesa lagi tayo nakasandal sa tip or timbre ng ibang tao.
I couldn't agree more.