Probably masyadong malakas ang Coins.ph ngayon at sobrang taas ng tiwala ng mga tao sa exchange na to. Great exchange sure, pero parang masyadong nagtitiwala ung mga tao na iniiwan nalang nila ung coins nila sa Coins.ph. While wala akong maibibigay na numbers at percentages, it's not farfetched to think na hindi parin security conscious ung mga tao. Unfortunately experience is the best teacher para sa ibang tao; kumbaga kelangan pang mahack bago maging praning ung mga tao sa mga hackers.
Anong maipapayo mo sa amin brad? Kailangan ba naming i-offload yong coins namin sa coins.ph and only use their platform in cashing out?
Tama ka dyan, masyadong nagtitiwala ang mga tao sa kanila, paano kaya kung ma-hack sila?
One more thing, is our money in coins.ph insured?
best pa din talaga yung may sarili kang wallet kasi hawak mo mismo ang private keys, any wallet basta ikaw lang may hawak ng private keys is secured na. yung sa coins.ph kasi wala kang kontrol sa pera mo, kumbaga parang pinapatago mo lang sa kanila pero sila pa din ang may full control over it.
narinig mo na ba yung balita tungkol sa Mt.Gox? mas malaking value ng crypto ang hawak nila kesa sa coins.ph
saka walang secured kapag online ang pinag usapan, lahat yan kaya mahack. nabalitaan mo na din yung mga malalaking exchanges na nahack? probably hindi pa kaya mo nasabi yan