Pages:
Author

Topic: Mga Hamon sa Pagtanggap/Adoptation ng Bitcoin - page 2. (Read 235 times)

full member
Activity: 406
Merit: 109
Itong mga hamon na nabanggit ay hindi naman limitado sa ating bansa lang. Kahit sa ibang bansa o sa lahat in general, ito ang karaniwang nagiging dahilan kung bakit ang iilan ay hindi pa rin matanggap ang Bitcoin.

Para sa akin, yung unang dalawa ang dapat mas bigyan ng pansin dahil ito ang may malaking factor na pwedeng makapagpalawak ng Bitcoin adoption. Kasi yung tatlong huli na nabanggit ay part na talaga ng Bitcoin na hindi na maaalis. Pero kung may sapat na education/knowledge ka at may government na sumusuporta at nireregulate ang mga crypto related platform then kahit sa usapang volatility, scalability, at security ay hindi magiging problema sa mga tao.
hero member
Activity: 1484
Merit: 597
Bitcoin makes the world go 🔃
Sa palagay ko ay nakapaloob ang volatility at seguridad sa regulasyon dahil ang mga katangiang ito and dahilan kung bakit hindi pinapansin ng bansa ang Bitcoin para iregulate. Wala pa tayong malinaw na hakbang para sa taxation ng crypto dahil takot ang government na hawakan ito dahil sa volatility at scams na nakapaligid dito.

Either sobrang play safe or hindi open minded ang gobyerno natin sa pagtanggap sa Bitcoin dahil sobrang daming mga pinoy ang involved dito pero wala pa dn silang ginagawang hakbang para maregulate ito.

Mabuti din ito sa atin dahil malaya tayo sa crypto finance natin. Disadvantage ay maraming ayaw pa dn magtiwala sa Bitcoin dahil hindi ito sinusuportahan ng gobyerno.
full member
Activity: 1028
Merit: 144
Diamond Hands 💎HODL
Ang Bitcoin ay naging popular na sa ating bansa, marami sa ating mga kababayan ang patuloy na nagiinvest at naniniwala sa Bitcoin, marami sa atin ang maimpluwensiyahan ng cryptocurrency kasama na rin dito ang ating ekonomiya Epekto ng Crypto at Bitcoin sa Ekonomiya ng bansa. Sa kabila ng patulong na pagadopt ng bitcoin sa buong mundo ay maraming mga hamon pagdating sa pagtanggap/adoptasyon neto.


Kaalaman/Edukasyon ang bitcoin ay isa ng popular dito sa ating bansa ngunit marami pa ring mga tao ang walang sapat na kaalaman pagdating dito, dahil na rin siguro wala naman tayong proper education pagdating sa cryptocurrency or bitcoin at yung mga interesado at nagreresearch tungkol sa bitcoin ang mga taong natututo at alam kung ano ito. Dahil din sa kakulangan ng kaalaman ay maraming mga kababayan natin ang takot nasumubok sa cryptocurrency sa pagaakala na isa itong scam dahil sa mga involvement neto sa illegal na transactions.



Regulasyon Marami tayong regulasyon sa Bitcoin dito sa Pilipinas, Isa na dito ang pagkakaroon ng lisensiya ng mga platform dito sa bansa.



Volatility Alam naten ang presyo ng Bitcoin ay sobranag volatile kaya marami ang nagaalangan na maginvest o bumili ng Bitcoin. Kahit na ito ang pinakapopular na cryptocurrency ay maaaring matalo ang iyong pera kapag bumaba ang presyo ng Bitcoin sa market. High risk high reward. Kasama na rin dito ang mga negosyo na hirap makaadopt sa cryptocurrency dahil sa volatile price neto dahil sa mabilis na pagbago ng presyo ay malaki ang epekto neto sa isang negosyo.



Pagiging Skalable Isa sa mga problema ng Bitcoin ay ang mabagal na transaksyondahil sa patuloy na paglawak ng bitcoin, Ngayon ay nakakaranas din tayo ng Network congestion dahil marami ang gumagamit ng Network, dahil dito ay tumataas ang fee ng bawat transaksyon.



Seguridad Marami sa ating ang nakaranas na siguro ng scams at hack, pagdating sa Bitcoin at crypto ay laganap ang mga ganitong panloloko. Kaya ay dapat alam natin kung paano naten mapoprotektahan ang ating sarili pagdating sa mga ganitong gawa.



Link
Link
Link
Pages:
Jump to: