Sa kapanahunang ito karamihan na ginagamit natin na mga global cryptocurrency exchange ay mga unregulated, at kamakailan lang dahil sa ngyari balita na hindi pa naman final ay nababahala ang marami dito sa sa atin na baka daw maban or mablock na ang website ng Binance dito sa bansa natin, na kung saan ang pinangangambahan ng karamihan ay kung saan na sila magtetrade ng crypto.
Actually, meron naman tayo dito sa ating bansang pilipinas, kaya lang hindi ginagamit dahil karamihan nga ay mas nagtitiwala na
mas maganda parin gamitin ang international cryptocurrency exchange at totoo naman din kasi ito dahil sa mga user experienced na nararanasan natin sa mga int'l crypto exchange at yun naman talaga ang katotohanan dito kumpara sa ating mga lokal exchange.
Ngayon ano-ano ba ang makukuha natin at pwedeng maitrade sa ating mga lokal exchange na ito, mula sa trading fee, withdrawal fee, at iba pa.
1.
Coexstar - Isa lamang ito sa mga aprobado ng ating banko sentral na pilipinas na itinatag nung 2019. So, dito pwede rin tayong makapagtrade ng cryptocurrency, walletm at sa mga darating na panahon ay magkakaroon din ito ng P2P at ang mga supported cryptocurrency ay mabibilang lang, in short konti lang. Kaya kung maghahanap ka ng bagong altcoins ay hindi mo yan makikita dito.
2.
Coins.ph - Ito alam naman ng karamihan sa ating dito na isa ito sa mga pioneer sa industry na ito na nagsimula nung 2014. At nakapag-aquired sila ng licensed dito sa bansa natin nung 2017 pa. Bukod dyan madami ding mga choices na crypto na pwedeng gawan ng trading activity depende sa gusto mong itrade sa platform. Kaya lang spot trading lang ang pwedeng magawa dito.
Ngayon, pagdating sa fee medyo competitive siya at mataas kumpara sa iba. At depende din kasi ito sa vip level. Ang problema lang dito at hinaing ng mga users ay yung spread nila ay masyadong mataas.
3.
Moneybees - Ito naman yung exchange na pwede kang bumili ng crypto at magbenta nito, kaya lang ang madalas na transaction dito ay madalas over the counter lang. Walang trading platform o trading book. At iilang lang ang sinusuportahan nilang cryptocurrency. At ang pinagmamalaki lang nila dito ay yung walang fees gaya ng sa P2P transaction.
4.
Maya - isang klase ng digital bank na kilala dito sa bansa natin, at kamakailan lang ay suportado narin nila ang cryptocurrency. Kaya lang wala itong trading platform na tulad ng sa coinsph. Pero makakabili at makakapagbenta parin naman ng crypto. SImpleng wallet lang ito dati na nagevolved as a digital bank. Pero kagaya lang din ito ng coinsph na malaki din ang spread nya na kung saan halimbawa magwithdraw ka ng 20k pesos ay mababawasan na agad yan ng 1000 pesos sa laki ng spread nya.
5.
Gcash - ito naman ngayon yung kinikilalang leading mobile wallet apps at madami sa atin ang gumagamit nitong apps na ito. At madami din itong cryptocurrency na nakalista dito nasa around 26 din na crypto kumpara sa Maya. Meron din itong convenienct fees at network fee.
6.
PDAX - isa din itong kilala sa ating bansa na aprobado din ng banko sentral ng pilipinas. Tapos nasa 37 cryptocurrency lang ang pwedeng maitrade sa platform na ito. Pagdating naman sa trading fee sakto lang din. Pwede ding magcash-in or cash-out sa peso dahil integrated ito sa gcash.