~snip
Wow! Cool! Congrats. Nag te trade ka rin ba ng cryptocurrency? Gusto ko na din kasi e try pasukin stock markets eh, kaso wala pa ako naka subok niyan, puro cryptocurrency lang ako like trading. Sa pag kakaalam ko less volatile sa stock market kompara sa cryptocurrency.
Para sa iyo if ever naka try ka na mag trade sa cryptocurrency, ano pinaka malaking advantage pag trader ka sa stock market?
Kung gusto mo mag start mag-invest (not trade) sa stock market natin madaming sikat at reliable na stock brokerage services na meron tayo and pumili ka nalang base na din siguro sa kailangan or sa convenience na gusto mo.
Most Popular Stock Brokerage ServicesCol Financial - If gusto mo ng stock broker na namimigay ng libreng analysis (both FA & TA) at Stock Recommendations
Philstocks - Kung gusto mo ng simpleng platform na more suitable for traders dahil na din sa "One-Screen-Do-It-All" trading platform nila. Also meron silang partnership with UnionBank na kung saan pwede ka mag encash and deposit ng funds directly sa UnionBank account mo.
Other Bank-owned Stock Brokerage Services - Suitable sayo ito kung gusto mo connected yung bank account mo sa trading platform and also kung ayaw mo na mag-pasa ng dagdag na documents.
BPItrade - Stock Brokerage services of Bank of the Philippine Islands (BPI)
BDO Nomura - Stock Brokerage services of BDO Unibank
First Metro Sec - Stock Brokerage services of Metrobank
Ito yung natatandaan kong requirements para sa COL Financial at Philstocks
- 2 Valid IDs (with signature)
- Tax Identification Number (for non-students)
- 5,000 ₱ Initial Deposit
Tama ka na "less volatile" ang stock market lalo na ang stock market natin dito sa Pilipinas except sa mga speculative stocks katulad ng DITO na binaggit ni akopjpuge. Payo ko lang sayo since baka hindi mo kayang i-handle ang both crypto at speculative stocks I would recommend you na mag-concentrate nalang sa mga growth stocks dahil baka hindi mo naman ma-monitor ang parehas na market. Pag sinabi kong "growth stocks" look for companies na kasama sa Small and Medium Enterprises kasi sila yung may malaking chance na lumago as compared sa Ayala Corp, San Miguel, o SM. Ito na rin siguro yung masasabi kong advantage dito sa stock market dahil may stability sya kaya pwede kong pagsabayin ang holdings ko both sa crypto at stock market kasi sa stock market pwede mo naman hindi tignan araw araw dahil alam mong wala syang sudden price movements.
Naka invest ako ngayon sa DITO Telecom nakabili ako sa 1.48 pesos. Hindi ko sya binenta nung umabot sya sa 2.3 pesos nasa 40% na sana ang gain ko pero hinihintay ko kasi hanggang mag fully operational na services Nila looks promising kasi siya at may potential talaga na mag grow pa
Right now DITO Telecommunity (formerly known as ISM) is a very speculative stock as well as a controversial one, yung operations nila na dapat nag-rollout na ng 2020 biglang nag pushback ng
July 2021. Bukod dun napaka maduming maglaro ang owner ng DITO, Dennis Uy, kasi sya mismo nagte-take advantage sa speculation. Nung time na nasa 3-4₱/share yung stock ng ISM siya pati ang asawa nya nag-offload ng shares na kinabahala ng shareholders nila kaya ito bumababa below 1₱/share nung Marso kasabay narin ng lockdown. Hindi ko masasabi na investment ang DITO ngayon kasi wala pa naman silang revenu na nage-generate kaya purely speculative stock sya hindi din sigurado kung mage-extend pa yung deadline nila kaya very risky hawakan ang DITO ngayon.