Magandang Araw Sa Inyong Lahat ! Ako po si Crypto Jhin isang Bounty Hunter, Blogger, Crypto Enthusiast at Part Time Freelancers!Alam naman nating lahat na malaking pagbabago sa ating lahat ang pagdating nang
merit sa forum na ito at ito ang nag pabago nang malaki sa mga bawat user nang forum na ito. Maganda ang naidulot nang
merit sa kinalabasan nang forum na ito. Naging mababa ang spam post at dumami ang naging makabuluhang post sa ating forum na nag resulta nang magandang pakikipag usap at topiko sa bawat isa na naging rason din para magkaroon pa tayo nang maraming kaalaman upang maging matagumpay ang bawat isa sa larangan nang cryptocurrency.
NGUNIT !! Naging pasakit naman ito sa mga baguhan na kagaya ko dahil naging mas lalong mahirap ang pag angat nang bawat rank nang mga baguhan lalo na yung mga Jr. Member na na demote sa newbie dahil sa rason na wala silang merit ni isa at naging requirements pa ang merit para mag rank up ang bawat newbie sa Jr. Member at gayun din ang
Merit at ang Activity din ang batayan upang umakyat tayo nang rank sa forum na ito. Kaya ito ang mga tips ko sa mga baguhan upang mag rank up kayo binase ko lang ito sa karanasan ko kung paano ko nakuha ang mga merit na mayroon ako ngayun.
TIPS:1.
Mapagmatyag - Hanapin muna ang topiko na nararapat sa iyo at sa kaalaman mo dapat ikaw ay mapagmatyag sa mga topiko na lumalabas bago ka mag reply o mg post nang sarili mong topiko dapat ang iyong reply ay naayun din sa topiko na ipinalabas dahil baka malayo din ang reply mo at mag reresulta din ito nang pag ka ban mo imbes na mabigyan ka nang merit at maging mapagmatyag ka din sa mga topiko na na discuss na dahil baka pag gumawa ka nang thread na naging maiinit na topiko na nung nakaraan ay magiging resulta na din yun nang rejection nang bawat reader sa forum na ito at masasayang lang din lahat nang efforts mu.
(Naranasan ko na din ito) 2.
May Sense - Gumawa ka nang topiko na may sense at kapanapanabik sa bawat reader, yung topiko na makakapag produce nang isang maiinit na diskusyon sa bawat user at makapag resulta nang maraming views at replies at syempre yung makabuluhang topiko na kung saan makakatulong ito sa bawat user na mag karoon nang mga dagdag na kaalaman yun ang mga gusto nang mga Merit Source o nag bibigay nang mga merits.
3.
Malinis - Gumawa ka nang thread na malinis at dapat maintindihan nang bawat mambabasa dapat naka highlights yung mga importanteng mga words at syempre naka detalye dapat ang lahat sa iyong topiko at kung maari ay lagyan mu ito nang mga
image upang maging mas kaaya ayang tignan sa bawat user ang mga topiko dahil sa magandang detalye nang iyong post at syempre hindi masakit sa mata nang bawat mambabasa. Kapag ito ay lalong naintindihan dahil sa kalinisan ay ito ang mag titrigger sa isang donator na bigyan ka nang merit.
4.
Wag Mainip - Importante talaga ito ! Wag kang mainip na hindi ka nabibigyan nang merit kahit gaano na kadami ang post na nilatag mu. Tingnan mu munang mabuti ang post at replies mo baka may mali dito o di kaya naman ay normal lang ito at hindi nanging makabuluhan kaya naman ay hindi ka nabigyan nang merit. Pasasan ba at may darating din na merit sa iyo basta ipagpatuloy mu lang nag pag gawa nang mga makabuluhang topiko at replies.
5.
Iwasan ang Bounty Spams - Ito ang isa sa mga malaking rason kung bakit ayaw kayong bigyan nang merit nang mga donator dahil kinaiinisan nila talaga ang mga spambies o mga bounty spammers dahil gusto nila na bumaba ang rate nang mga spammers. Kaya kung maari ay bawasan mu ang pag karoon nang spams o di kaya naman ay e delete mu yung mga bounty post mu na tapos na par luminis naman yung profile mu.
6.
Respeto - Isa ito sa mga sekreto upang mabiyayaan ka nang mga donators.
RESPETO respetuhin mu ang opinyon nang bawat topiko at replies wag puro
trashtalk (yan kasi ang ugali nating mga pinoy). Mag reply ka nang naayon sa topiko at may respeto upang magkaroon kayo nang makabuluhang diskusyon at hindi komosyon ito pa ang maaaring mag trigger sayo na ma ban o ma report sa isang moderator. Kaya respeto!
7.
Opinyon - Huwag kang matakot na mag bigay nang iyong opinyon lalong lalo na sa topiko o replies mo dahil ito ay mag reresulta nang natural na diskusyon at makabuluhang talakayan na makikita nang mga donators at mag trigger na mabigyan ka nang merit. Alam naman natin na gusto din nang bawat donator na maging importante ang papel nang merit na maibigay sa bawat user.
Alam naman natin na ang merit ay importante at kailangan nang bawat user pero alam din naman natin na mabigat magbigay nang merit ang isang donator kapag hindi sya sigurado kung karapat dapat ngabang bigyan nang merit ang isang user. Pero kapag naisunod mu nang maayus ang mga tips na ibinigay ko ay baka magkaroon ka pa nang malaking tyansa na magkaroon nang merit. Pero wag naman ninyong abusuhin ang forum na ito dahil para sa iba mahalaga ang forum na ito dahil malaki na ang naiambag nito sa buhay nila. Kaya payo ko nalang talaga sa inyo ay pag araling mabuti ang forum na ito at mahalin at hindi mu na mamalayan ay tumataas na pala ang rank mo !
Kaya Good Luck sa inyo at Happy Hunting!