Guys matanong ko lang, paano sistema niyo pag nagpapahelp sa rare badge? Isang rare chest lang ba talaga sa nag-summon or iyong nagpa help?
Alam ko naman depende sa usapan pero kasi dito sa server namin, isang chest lang ang allow na damputin ko. Kaya parang nasasayangan ako. Pero iyon nga nagpahelp nga lang, ako pa ba magreklamo lol.
Hingi lang ideya. Salamat mga mamaw na di pa rin nagququit haha.
Potek, kulang na lang kanya na lahat ng loots ah. Sana sinabi mo sa kanya, "Sayo na lang lahat ako na lang yung tutulong pumatay!"
Kupal yung mga ganyan na tutulong, karamihan sa amin dito hindi na pumupulot sa ganyan, hindi naman ganon kalaki ikokonsumo sa oras eh.
Ipunin mo na lang yan brad, kapag kaya mo na isolo ikaw na lang gumawa. Or, ibenta mo sa high levels especially sa Valley owners, babayaran ka nila ng DS.
dinadaya ka jan at pinagsasamantalahan ka. ilang tao ba tumutulong sayo pag nag summon ka ng rare badge? samin kasi pag humingi ka ng tulong sa ka guild usually sayo lahat ng chest(yes, tumulong na ako dati ng ilang bese at natulungan na din ako nung di ko pa kaya solohin yung summon boss) or if generous ka naman bibigyan mo ng isang chest per summon yung tumutulong sayo.
Tama. Tama. Hindi basta basta nakukuha ang rare badge.
Tip ko din agustina2. Yung mga epic materials sa SP try mo i-check kung kaya mo na bumuo ng big boss summon badge or kahit yung boss lang.
Binibili din yan sa DS ng malalacash. 400k - 700k yata presyuhan.
Kailangan na kailangan nila yan para sa inner force ng toad stance, violet mist, at northern.
Makaprogress ka paunti-unti makabuo ng epic equips or ibenta mo DS for gold pang codex.