Latest na balita ngayon galing sa GMA ang 500k investment na itinakbo ng isang pekeng trader sa 26 nyang investor, at ang ganitong mga gawain ay paulit-ulit na ginawa at nakakapagtaka na may mga tao paring di nadadala at nagpapasilaw parin sa modus na mabilis na kita o kikita ng walang ginagawa.
Typical pinoys, masisisi ba natin sila?
Di naman natin masisisi ang mga kapwa nating pilipino ang naghihirap at gustong kumita sa madaling paraan eh. Sadyang ang tanging magagawa nalang natin is iinform ang iba sa lahat ng kaya nating magawa. Nakakalungkot lang na nilalabelan nila ang crypto hindi ang scammers, while yung scammers is patuloy pang nanloloko ng tao dahil hirap silang mahanap ito. Common na itong gawain dati pa ngunit palala lang talaga ng palala ang kasakiman ng mga ito.
If ever na makahanap kayo ng mga scam mostly ng pinoy, better inform them through social media and post a thread containing your socmed post para mashare and masupport namin. What if gumawa nalang tayo ng awareness page for crypto related scams sa pinas?