pwede mo gawing negosyo ung pag load gamit ang coins. diba 5% rebate siya, unlike sa ibang retailer sim na 4%, meron din naman isang way pa para magload yun ung sa gcash, 4% naman yun. pwede ka magpatong ng 2 pesos per transaction pero hindi bababa sa 10 pesos ang load dyan, kasi nga yun ung minimum. pwede mo paikutin yung pera mo jan sa coins.ph kung madami nagpapaload sayo.babalik yung puhunan mo sayo, ang gawin mo lang pag mag cash in ka, 100 lang ang cash in mo sa 7-11 para walang fee, kausapin mo nalang yung cashier, kung pwede ilang ulit mo icash in ung 100 kasi nga mahal yung fee.
Ipapahati-hati ko yung cash ng 100, right? Hindi ba hindi muna makakapag-cash-in habang hindi pa nakakapasok yung naungang transaction? Hindi ko pa kasi nasubukang magsunod-sunod ng transaction. Pero try ko magcash-in lang siguro ng 200, kapag may pocket wifi na ko.
maganda naman ang coins.ph sa load pero personal load ang pref ko kasi kung magloloader ako lugi parin eh , kung tutuusin sa sim talaga na loader mas makakamura ka naman , kung sakin lang mas maganda if personal use only
maganda sa coins.ph nag loload nga ako gamit coins.ph e kasi may rebate tayo kaya di nako nako nagpapapatong pag nagloload ako kung magkano niload yun na din presyo kasi di naman lugi gawa ng may rebate naman .
ok nga ang ganun kasi yung tropa ko ganun nga ang trabaho nya sa coins.ph nagloload sya pero hindi nya na ito nilalagyan ng patong kaya yung mga costumer nung ibang tindahan sa kanya na nagpapaload kasi nga walang patong tapos lumalaki pa ang rebate mo kapag ganun ang gawain mo
Naisip ko rin yang wala na lang patong para pangengganyo na rin ng customers. Yun nga lang, kapag ibabalik mo na yung puhunan, mababawasan pa unless may way para di kailangan bayaran yung fee.
Payo ko lang kung pang negosyo na pang load ibang method na lang gamitin mo like loadcentral kase lahat nang load andon na mapa games man o cable. Ayos naman yung rebate dito sa coins.ph na 5% pero ang sabi mo problema walang malapit na 7-11 sa inyo, kaya parang wala ka ring masyadong rebate kung ganon sa cash-in fee napupunta. By the way may promo ang gcash ngayon 12% rebate, from June 9-12 yata. Thanks me later.
Sige po, magi-inquire po ako.