Ibig sabihin ang makikinabang dito ng husto ang ating mga bayani na OFW na nagpapadala ng kanilang suporta sa kanilang mga pamilya. Siyempre ang advantage nito ay makakabawas ito ng costing,
I'm not a MoneyGram user, pero if tama ang pagkakaintindi ko, ang bago lang sa balitang ito is the fact na maglalabas sila ng noncustodial wallet dahil mahigit isang taon na may crypto feature sa platform nila:
Ano satingin nyo? Okay ba na nag labas sila ng noncustodial wallet? Or since hindi na rin naman bago ito ay wala rin masyadong impact? Personally, hindi naman ako gumagamit ng moneygram so hindi ako sure if mas smooth ba ang transaction dito, if ever na ganun edi may advantage na sila sa iba.
- Next year pa ang pag launch nila ng non-custodial wallet sang-ayon sa kanilang inanunsyo. So sa tingin ko may impact parin ito sa aking palagay, hindi nga lang sa crypto market. Pero sa mga taong madalas gumamit ng remittances pwede itong magkaroon ng impact, kahit pa nga sa mga taong wala pang awareness sa cryptocurrency ay pwede silang magkaroong ng idea na kahit sa susunod na taon pa ito masisimulan ang implementation ay paniguradong bibigyan na sila ng updates or awareness ng moneygram outlets sa kanilang mga users.
So kahit papaano meron paring impact ito, kahit hindi tayo gumagamit nito maganda paring balita, dahil yung crypto adoption ang pinapakita dito, Oo maaring sa simula wala pang gaanong impact, pero kapag dumami na ang users ng moneygram na gumagamit na ng noncustodial wallet in the future, sa tingin mo hindi yan magkakaroon ng impact sa crypto market?
Ang point ko huwag natin tignan yung ngayon, sa halip yung future ang tignan natin, gaya ng ginagawa nating paniniwala na pwedeng maging 100k$ bawat isa ng value ni Bitcoin sa pagdating ng bull market kahit na ito sa ngayon ay isang speculation palang.