Author

Topic: MOST COMMON QUESTIONS [FILIPINO GUIDE] (Read 346 times)

full member
Activity: 680
Merit: 103
September 16, 2018, 05:50:02 AM
#14
Malaking tulong to para sa mga kapapasok pa lang na pinoy sa forum. Kadalasan kasi yung mga nagtatanung ng ganyan ay yung mga newbie na hindi pa nila alam kung ano yung pinasok nila at guilty ako jan ganyan din ako dati  Grin, kaya naman mga one week after nag simula na akong mag basa, bukod dito sa local natin na tambayan ko kasi hindi ako masyado bihasa sa wikang English, andun din ako minsan sa meta para magbasa lang at para malaman ko yung mga bagong rules dito sa bitcointalk, tingin ko kasi una sa lahat bukod sa mga common questions na yan rules talaga ang pinaka importante dito para di ka masalang sa kawali balang araw dito, marami din kasing mga matang nakatingin sayo na ok din naman para sa ikakaayos ng forum.
full member
Activity: 434
Merit: 100
September 14, 2018, 03:45:03 AM
#13
~
Maraming salamat sa pagbibigay pa ng karagdagang impormasyon na makakatulong sa ating kababayan at syempre sa pagtama ng pagkakamali ko sa likha ko.

Q - Pwede ba akong bumili o magbenta ng Bitcointalk accounts?


A - Oo pwede mo itong gawin.
Then brace yourselves! You know what I mean OP! Grin.
Yes! I hope they get it  Cheesy

Oo pwedeng mong gawin wag ka lang mag papahuli dahil siguradong ang pera na pinang bili mo dyan ay masasayang lang. Mas mabuti na gumawa nalang ng sariling account at pagsikapan na mapataas ang rank nito sa pamamagitan ng pakikilahok at pagbibigay ng iyong kaalaman sa crypto
full member
Activity: 1232
Merit: 186
September 12, 2018, 08:09:08 PM
#12

Q - Bakit hindi lumalabas ang larawan sa mga thread?


A - Kung ikaw ay newbie pa lamang...
You are right but that's not the only reason. Another reason why the image you uploaded didn't appear despite of having a middle-ranked or high-ranked account is that you copied the wrong url. You must copy the direct url from the image uploading website (e.g. Imgur) you used.
Q – Maaari ba akong magkaroon ng ilang libreng bitcoin?


A - Sorry pero hindi...
That's right too but advising them to go through bitcoin faucets is not a good idea at all simply because it such a waste of your time and effort. In short, it is inefficient way of earning crypto. Much better if they will engage with long term investment to btc as a start of their crypto journey.
Q - Pwede pa ba akong gumawa ng bagong account kahit nabanned na ako dati?


A - Maipapahintulutan ka lang magpost sa meta para magpost patungkol sa iyong hinaing...
Actually, this act is called ban evasion and not tolerated here in this forum. Check this out, number 25 in the Forum Rules:
https://bitcointalksearch.org/topic/m.7955645.

So for the future evaders out there, be fearful Grin.
legendary
Activity: 1638
Merit: 1046
September 10, 2018, 02:40:55 PM
#11
Parang may pagka Lauda rin ang post na to tinagalog lang at dinagdagan ng ibang mga useful link.
Gumaganda na rin ang forum natin ngayun at maraming mga matutulungan about dito.

Ask ko lang nag basa kasi ako ng rules. Baka hindi ko lang nabasa ng maayos. Bawal ba mag post ng link dito ng ibang site like Facebook, Community forum at iba pa?

Sa palagay ko ang mga bawal lang ay yung referral link pero pwede ka mag share ng link pero dapat related din sa bitcoin.
Kung ang mga link mo naman ay related sa bitcoin pero hindi related sa topic pwede ring ma delete ang post na yun.

Kung gusto mo promote ang referral link mo pwede naman sa signature wag ka lang mag post ng referral link kung hindi kailangan.
full member
Activity: 700
Merit: 100
September 10, 2018, 02:20:09 PM
#10
Ako kasi tanggap ko kung mabura ang post ko. pero bakit may ilang pangyayari na nag eemail sila na nabura ang post ko. Minsan nabubura nalang ng walang dumadating na email ? Hindi ko kasi nakikita kabayan kung anong post ang nabura.

Ibig sabihin pag di dumating ung email, yung buong topic ang dinelete ng moderator. Wala tayo magagawa don lalo kung spamming ang purpose nung thread. Kadalasan yun ang nagiging dahilan o kung hindi naman ay parang nakakaengganyo ito sa ibang tao kung ito may ay scam. O kung hindi may hindi sumunod ang nagpost sa rules nung subforum kung saan ito nakapost. Kaya nga ang laging paunawa at unang una kong payo sa lahat dito, uugaliing magbasa. Pag kasi may nakaligtaan ka, wala na tapos na Smiley
member
Activity: 195
Merit: 10
September 10, 2018, 10:18:04 AM
#9
Ako kasi tanggap ko kung mabura ang post ko. pero bakit may ilang pangyayari na nag eemail sila na nabura ang post ko. Minsan nabubura nalang ng walang dumadating na email ? Hindi ko kasi nakikita kabayan kung anong post ang nabura.
member
Activity: 98
Merit: 16
September 09, 2018, 01:46:10 PM
#8
Q - Sa tingin ko ang post ko ay wala namang nilalabag na rules pero nabura, ano ang dapat kong gawin?


A - Kadalasan talaga ito ay paglabag ng rules kahit di mo napapansin. Ang staff ang may kakayahan para makita kung ang post mo ay masasabi ba talaga spam o hindi. Kung sa tingin nila spam yun then ganun talaga ang buhay


Sa totoo lang, may ilang posts na ko na nabura nang hindi ko alam ang dahilan, pero nagtiwala na lang din ako sa mga admin na baka may nakita silang mali na hindi ko napansin. kaya sa mga newbie dito, siguraduhing top quality lagi ang posts!!

Also thanks dito bro, na-condense mo sa isang thread yung pinakaimportanteng pwedeng matutunan ng mga baguhan sa forum na to. Kudos!
full member
Activity: 658
Merit: 126
September 02, 2018, 12:18:38 PM
#7
Q - Sa tingin ko ang post ko ay wala namang nilalabag na rules pero nabura, ano ang dapat kong gawin?


A - Kadalasan talaga ito ay paglabag ng rules kahit di mo napapansin. Ang staff ang may kakayahan para makita kung ang post mo ay masasabi ba talaga spam o hindi. Kung sa tingin nila spam yun then ganun talaga ang buhay

Sa mga nagtataka kung bakit nade-delete pa din ang mga post niyo kahit sobrang haba na ng gawa niyo ay sa kadahilanang rephrased or kinopya niyo lang ang thought sa mga naunang reply.

Gumagawa lang kayo ng mga post na ina-assume niyo nalang na may experience ka sa ganong bagay (kahit wala), para saan? pangdagdag post/activity/task. Hindi naman kasi magde-delete ang mga moderator natin ng mga posts kung hindi ito nakikitaan ng paglabag sa rules. Minsan yung ibang members dito nagtataka pa bakit daw nawawala yung posts pero kung babasahin mo lahat ng posts niyo, napaka-common ng replies at sobrang dali lang ng thought or yung gustong iparating. Kasi kung ikaw magrereply/post ka na nga lang, syempre yung may sense na diba? May kanya kanya naman tayong utak pero bakit hindi natin pagisipan ang mga bagay at magbigay ng opinyon na maaring makalutas sa naturang topic.

Ang mga moderator nagbibigay ng Bad reports yan kung ang ni-report mo ay hindi karapat dapat madelete. Pero kung nakikitaan na agad ng moderator na paulit-ulit lang ang sinasabi hanggang sa huling nag-reply, doon na nalo-locked ang topics.  Wink

Tama ka dyan! Kaya ang dapat na sabihin sa kanila ay kung nararansan nyo ito. Wag magreklamo agad agad kundi tignan nyo ito bilang isang gabay para mas pagbutihin mo ang ginagawa mo o mas ma-enhance mo pa ang sarili mo.
legendary
Activity: 1778
Merit: 1009
Modding Service - DM me!
September 01, 2018, 11:03:52 AM
#6
Q - Sa tingin ko ang post ko ay wala namang nilalabag na rules pero nabura, ano ang dapat kong gawin?


A - Kadalasan talaga ito ay paglabag ng rules kahit di mo napapansin. Ang staff ang may kakayahan para makita kung ang post mo ay masasabi ba talaga spam o hindi. Kung sa tingin nila spam yun then ganun talaga ang buhay

Sa mga nagtataka kung bakit nade-delete pa din ang mga post niyo kahit sobrang haba na ng gawa niyo ay sa kadahilanang rephrased or kinopya niyo lang ang thought sa mga naunang reply.

Gumagawa lang kayo ng mga post na ina-assume niyo nalang na may experience ka sa ganong bagay (kahit wala), para saan? pangdagdag post/activity/task. Hindi naman kasi magde-delete ang mga moderator natin ng mga posts kung hindi ito nakikitaan ng paglabag sa rules. Minsan yung ibang members dito nagtataka pa bakit daw nawawala yung posts pero kung babasahin mo lahat ng posts niyo, napaka-common ng replies at sobrang dali lang ng thought or yung gustong iparating. Kasi kung ikaw magrereply/post ka na nga lang, syempre yung may sense na diba? May kanya kanya naman tayong utak pero bakit hindi natin pagisipan ang mga bagay at magbigay ng opinyon na maaring makalutas sa naturang topic.

Ang mga moderator nagbibigay ng Bad reports yan kung ang ni-report mo ay hindi karapat dapat madelete. Pero kung nakikitaan na agad ng moderator na paulit-ulit lang ang sinasabi hanggang sa huling nag-reply, doon na nalo-locked ang topics.  Wink
jr. member
Activity: 180
Merit: 4
September 01, 2018, 05:26:16 AM
#5
Kung tinutukoy mo is about advertisment bawal. Kung binasa mo yung sinabi ng OP na bawal daw ang ad
Q – Pwede ba akong maglagay ng ad sa aking thread/post?


A - Ang sagot ay hindi.

Dagdag ko lang
Q - Tulong! Nahack ang account ko!


A -  Sumangguni sa thread na ito ni theymos.  (https://bitcointalksearch.org/topic/recovering-hacked-accounts-or-accounts-with-lost-passwords-497545) Maaari itong magtagal, gayunpaman - kailangan mong maging responsable para sa iyong sariling seguridad ng account. Ito ay isang malaking forum na may mga limitadong administrators at kailangan mong mapatunayan na pagmamay-ari mo ang account - halimbawa, na may naka-sign na mensahe. Huwag mong asahan na ito ay aabutin lamang ng ilang minuto at huwag na huwag kang magspam ng paulit ulit na gantong thread kung ito ay tumagal. Matutong maghintay.
Sa mga hindi marunong mag sign ng message click this may thread si shorena dyan tutorial on signing a message.

Q - Bakit hindi lumalabas ang larawan sa mga thread?


A - Kung ikaw ay newbie pa lamang, wala ka pang kakayahan maglagay ng image. Ito ay ginagawa upang maiwasan ang pag abuso lalo na dahil sa mga spammer. Pwede ka ng gumamit ng image once naging jr.member kana.
Actually pwede namang mag post ng picture yung mga newbies pero kailangan mong iavail muna yung Copper Membership. Click this to know more about copper membership and kung pano mag avail.
newbie
Activity: 29
Merit: 0
September 01, 2018, 04:43:21 AM
#4
Ask ko lang nag basa kasi ako ng rules. Baka hindi ko lang nabasa ng maayos. Bawal ba mag post ng link dito ng ibang site like Facebook, Community forum at iba pa?
full member
Activity: 658
Merit: 126
September 01, 2018, 04:40:15 AM
#3
~
Maraming salamat sa pagbibigay pa ng karagdagang impormasyon na makakatulong sa ating kababayan at syempre sa pagtama ng pagkakamali ko sa likha ko.

Q - Pwede ba akong bumili o magbenta ng Bitcointalk accounts?


A - Oo pwede mo itong gawin.
Then brace yourselves! You know what I mean OP! Grin.
Yes! I hope they get it  Cheesy
sr. member
Activity: 1162
Merit: 450
September 01, 2018, 03:54:28 AM
#2
Q - Tulong! Nahack ang account ko!

A - Sumangguni sa thread na ito ni theymos. Maaari itong magtagal, gayunpaman - kailangan mong maging responsable para sa iyong sariling seguridad ng account. Ito ay isang malaking forum na may mga limitadong administrators at kailangan mong mapatunayan na pagmamay-ari mo ang account - halimbawa, na may naka-sign na mensahe. Huwag mong asahan na ito ay aabutin lamang ng ilang minuto at huwag na huwag kang magspam ng paulit ulit na gantong thread kung ito ay tumagal. Matutong maghintay.
Take note that recovering hacked accounts is not priotized by bitcointalk administrators. I also don't know why, sometimes it takes a year for it to be recovered.  Angry
Q – Ano ang BBCode/Paano isagawa ang URL/image/etc?


A - BBCode is the most common way to format text on forums, by using tags enclosed in square brackets. Here are the most common tags:

Code:
[URL={url}]text[/URL]
[IMG]{imageLink}[/IMG]
[b]text[/b] > bold
[i]text[/i] > italicisation
[u]text[/u] > underline
[s]text[/s] > strikethrough
[color={hexCode} OR {colorName}]text[/color]
For a more in-depth discussion about BBCODES
https://www.phpbb.com/community/help/bbcode
Q – Paano naituturing bilang spam?


A -  Ito ay maituturing na spam kung ang likha mo ay walang ambag o sabihin nadin nating walang kwenta. Isa ding kadalasang dahilan ay ang pagiging offtopic na reply.
Also include that replying to spam threads is also considered as a type of spamming. It is impossible that your reply has not been said by other person.
Q - Pwede ba akong bumili o magbenta ng Bitcointalk accounts?


A - Oo pwede mo itong gawin.
Then brace yourselves! You know what I mean OP! Grin.

Typographical ERRORS

Bakit tinatanggal ng moderator ang aking post/ thread
full member
Activity: 658
Merit: 126
September 01, 2018, 02:55:28 AM
#1
Kapansin pansin na maraming Filipino ang paulit ulit ang katanungan patungkol sa forum na ito. Nandito ako upang wakasan o bawasan man lang ang nangyayaring sakuna dito sa local board dahil alam naman natin na nagreresulta ito ng sandamakmak na bagong topic. Ito din ay magsisilbing gabay upang mas matuto ang ating kababayan pagdating sa tamang pagkilos sa ating komunidad.

Kung may nakita kayong pagkakamali ko, mabutihing itama ako maraming salamat.




CONTENTS:


Paano ako makakakuha ng merit?

Sino ang nabibigay ng merit?

Saan ko makikita kung ilang merit meron ako?

Bakit hindi lumalabas ang larawan sa mga thread?

Bakit hindi ako pinapayagang mag upload ng avatar?

Tulong! Nahack ang account ko!

Bakit tinantangal ng moderator ang aking post/thread?

Nakakuha ako ng negative trust! Ano ang gagawin ko?

Paano makakakuha ng DefaultTrust?

Paano ako makakakuha ng Trust?

Maaari mo bang Ilock ang aking thread?

Maari mo bang tanggalin ang aking thread/post?

Kailan kaya ako magrarank up?

Kung ang aking rank ay batay sa aking activity? Paano ako makakakuha ng activity?

Ano ang BBCode/Paano isagawa ang URL/image/etc?

Bakit ko kailangang maghintay sa pagitan ng mga post?

Maaari ba akong magkaroon ng ilang libreng bitcoin?

Paano ako magiging Donator/VIP?

Pwede ba akong magpost ng referral link?

Pwede ba akong maglagay ng ad sa aking thread/post?

Pwede pa ba akong gumawa ng bagong account kahit nabanned na ako dati?

Paano magreport ng post?

Meron ba ang forum ng security bounties?

Ano ang itinuturing bilang spam?

Sino ang nagpapatakbo ng Bitcointalk?

Maaari ba akong ma-unbanned?

Sa tingin ko ang post ko ay wala namang nilalabag na rules pero nabura, ano ang dapat kong gawin?

Pwede ba akong bumili o magbenta ng Bitcointalk accounts?


The most common questions regarding Bitcointalk - An FAQ

Q -Paano ako makakakuha ng merit?


A - Ito ang pinaka-kadalasang tanong na nakikita ko so para maspaiksiin ang detalye, makakakuha ka ng merit sa tulong ng iyong nabahaging kaalaman sa amin o pwede ding ambag sa ikakaayos o ikakaganda na ating forum.


Q – Sino ang nagbibigay ng merit?


A - Meron tayong tinatawag na “merit sources” na nagbibigay ng merit sa mga may kalidad na likha.  At sa pagbibigay pa ng kaalaman, hindi lang ang merit sources ang pwedeng magbigay ng merit kundi pati nadin ang mga meron nito o nabiyayaan din. Sa makatuwid lahat tayo ay pwedeng makapagbigay ng merit kung may sapat tayong s-merit.


Q – Saan ko makikita kung ilang merit meron ako?


A - Makikita mo ito sa iyong profile summary at kung gusto mo mo pang malaman kung saan nanggaling ang merit mo within 120 days time frame, makikita mo ito sa pagpindot ng “Merit:”.


Q - Bakit hindi lumalabas ang larawan sa mga thread?


A - Kung ikaw ay newbie pa lamang, wala ka pang kakayahan maglagay ng image. Ito ay ginagawa upang maiwasan ang pag abuso lalo na dahil sa mga spammer. Pwede ka ng gumamit ng image once naging jr.member kana.


Q - Bakit hindi ako pinapayagang mag upload ng avatar?


A - Kung ikaw ay masmababa sa rank na Full member, hindi ka maaaring mag upload ng avatar. Tinutulungan din nito pigilan ang mga spammer at kung iyong papansinin ito ay nagsisilbi ding uri ng paggalang.  


Q - Tulong! Nahack ang account ko!


A - Sumangguni sa thread na ito ni theymos. Maaari itong magtagal, gayunpaman - kailangan mong maging responsable para sa iyong sariling seguridad ng account. Ito ay isang malaking forum na may mga limitadong administrators at kailangan mong mapatunayan na pagmamay-ari mo ang account - halimbawa, na may naka-sign na mensahe. Huwag mong asahan na ito ay aabutin lamang ng ilang minuto at huwag na huwag kang magspam ng paulit ulit na gantong thread kung ito ay tumagal. Matutong maghintay.


Q - Bakit tinantangal ng moderator ang aking post/thread?


A - Ang mga moderator ay may sapat na dahilan kung bakit ang iyong thread ay natatanggal, maliit din ang chance na magkamali sila sa kanilang mga hakbang pagdating sa usaping ito. Inirerekomenda ko na basahin mo ito : https://bitcointalksearch.org/topic/unofficial-list-of-official-bitcointalkorg-rules-guidelines-faq-703657.  Tsaka ang pinaka-karaniwang dahilan kung bakit nabubura ang post/thead mo ay dahil sa tingin nila ito ay mababang kalidad na likha.
   

Q - Nakakuha ako ng negative trust! Ano ang gagawin ko?


A - Para sa akin ang magagawa mo na lamang ay tanggapin ito himbis na magalit ka sa nagbigay neto sayo at masmapasama ka pa lalo. Kung may pag aalinlanangan ko kung bakit ka nagkaroon ng negative trust pwede kang sumangguni sa taong ito at ipaliwanag ang sarili sa maayos na pakikipag usap. Kung sa tingin mo ay inaabuse nila ang kanilang kapangyarihan at sinubukan mo na ding kausapin sila, pwede kang gumawa ng thread sa meta patungkol sa iyong reklamo.


Q – Paano ako makakakuha ng DefaultTrust?


A - Leave good and valid trust ratings and eventually someone will likely notice you. That's the main way.


Q – Paano ako makakakuha ng trust?


A - I assume that if you're talking about this you will be trading. In which case...just trade. Over time you'll accumulate trust. Never ask for it and don't get annoyed if you don't receive it. It will come, don't worry. If you try to farm trust, the only type of trust you will likely receive is negative trust, however.


Q – Maaari mo bang ilock ang aking thread?


A - Maaari mo naming ilock ang sarili mong thread


Q – Maaari mo bang tanggaling ang aking thread/post?


A - Kung wala pang nakakakita ng iyong thread, pwede mo itong tanggalin gamit ang delete button


Q – Paano ako mag rarank up?


A - Refer to this thread.


Q – Kung ang aking rank ay base sa activity, paano ako makakakuha ng activity?


A - Ieexplain ko to sa pinakasimpleng paraan na alam kong maiintindihan nyo. Masasabi mo na ang post = activity pero may limit lang kada 2 weeks ang activity na nacrecredit.  14 activity per 2 weeks lang ang nacecredit bilang activity kaya kahit daan daan pa ang post mo kada araw kailangan mo pading maghintay. Bali ganto ang concept para sa pagcredit ng post. 14 post = 14 activity = 2 weeks.


Q – Ano ang BBCode/Paano isagawa ang URL/image/etc?


A - BBCode is the most common way to format text on forums, by using tags enclosed in square brackets. Here are the most common tags:

Code:
[URL={url}]text[/URL]
[IMG]{imageLink}[/IMG]
[b]text[/b] > bold
[i]text[/i] > italicisation
[u]text[/u] > underline
[s]text[/s] > strikethrough
[color={hexCode} OR {colorName}]text[/color]


Q – Bakit kailangan kong maghintay sa pagitan ng mga post?


A - Upang maiwasan ang spam mula sa mga bagong account. Magsisimula ka sa 360 seconds na paghihintay sa simula at ito ay bumaba kapag ikaw ay nakakakuha ng activity. Kung curious ka talaga ito ang link ng algorithm:

Code:
waittime = 360;
if(activity >= 15)
        waittime = (int)(90 - activity);
if(activity >= 60)
        waittime=(int)(34.7586 - (0.0793103 * activity));
if(activity >= 100)
        waittime = max((int)(14-(activity/50)), 4);


Q – Maaari ba akong magkaroon ng ilang libreng bitcoin?


A - Sorry pero hindi. Lalong hindi din pwede din ang magmakaaawa para lang makakuha nito dahil ito ay nakapang iinis lamang. Kung gusto mong magkaroon nyan pagtrabuhan mo. Ang isa sa mga pwede mong gawin na trabaho ay bitcoin faucets.


Q – Paano ako magiging Donator/VIP?


A - Refer to this page.  Babala, ito ay mahal, pero ang presyo simula pa lamang dati ay hindi na nagbabago para maiwasan ang pagbawas ng halaga ng mga naunang nagdonate.


Q – Pwede ba akong magpost ng  referral link?


A - Ito ay  bawal pero may mga exception pagdating dito dahil pwede ka maglagay ng referral link sa loob na iyong likha: dapat ang post mo ay magandang kalidad.


Q – Pwede ba akong maglagay ng ad sa aking thread/post?


A - Ang sagot ay hindi.


Q - Pwede pa ba akong gumawa ng bagong account kahit nabanned na ako dati?


A - Maipapahintulutan ka lang magpost sa meta para magpost patungkol sa iyong hinaing. Ang mag post sa iba ay masasabing paglabag at mas lalala ang hatol at masasabi kong mababan din pati ang bago mong account.


Q – Paano magreport ng post?


A - Kung talaga sya ay lumabag sa rule, pwede mo syang ireport sa tulong ng pagpindot ng “Report to Moderator” at magbibigay ka ng dahilan.


Q – Meron ba ang forum ng security bounties?


A - Magpunta sa thread nato.


Q – Paano naituturing bilang spam?


A -  Ito ay maituturing na spam kung ang likha mo ay walang ambag o sabihin nadin nating walang kwenta. Isa ding kadalasang dahilan ay ang pagiging offtopic na reply.


Q – Sino ang nagpapatakbo ng Bitcointalk?


A - Theymos ay ang Head Administrator, ganunpaman meron di syang mga mahahalagang staff member tulad ni administrator BadBear


Q - Maaari ba akong ma-unbanned?


A - Kung sa tingin mo ay naban ang account ng walang sapat nakadahilanan ( mabutihing icheck ang rules ng maayos) at kung naniniwala ka talaga pwede kang gumawa ng bagonga account at magpost sa meta patungkol sa iyong account. Kung sa sa tingin mo ay totoong hindi tama ang pagban ng account mo, masmabutihing maghintay nalang. Mas makakabuti din kung mag iiwan ka ng mensahe sa concern mo kay admin “BadBear”.


Q - Sa tingin ko ang post ko ay wala namang nilalabag na rules pero nabura, ano ang dapat kong gawin?


A - Kadalasan talaga ito ay paglabag ng rules kahit di mo napapansin. Ang staff ang may kakayahan para makita kung ang post mo ay masasabi ba talaga spam o hindi. Kung sa tingin nila spam yun then ganun talaga ang buhay


Q - Pwede ba akong bumili o magbenta ng Bitcointalk accounts?


A - Oo pwede mo itong gawin.



NOTE: KUNG MERON PA KAYONG GUSTONG IPABAGO O IPADAGDAG IREPLY NYO LANG PARA MAUPDATE KO ITO. MULI MARAMING SALAMAT!


Source:DiamondCardz, iansenko  


Jump to: