Bakit parang walang angas. Iyong ibang pet ang ganda ng evolve.
Hahaha Pasensya naman, sadyang wala siyang angas eh. Yung Fang ang umaangas kapag naeevolve. Malayo sa unang itsura niya kasi lumalaki talaga.
Magaganda iyong mga posted developments nila nung nakaraan. Dapat ganyan di minamadali. Mas ok pa na idelay kaysa sabihing na Covid ang isang member ng team. Maganda future nito guys. This game is not just a hype.
Tama, sana ganito na dahan-dahan lang. Eh mukhang sila ang nadala ng hype ng mga customers nila imbes na sundin lang nila yung roadmap nila.
Ayun nagkandagulo-gulo tuloy lalo na sa unang Boss Hunt.
Maisingit ko lang, nakita niyo na din ba yung Thetan na gawa din ng developer ng MDP? Medyo may angas yung gamestyle nito at mukhang mapapa-invest na naman ako. Yung laro talaga trip ko diyan, plus na lang yung earning feature.