~
Nung nakaraan may 1 million na din ako kaso ubos din agad nung nakakuha ako rare na pet binusog ko na agad.
Dami nun, level 20 na ba?
~ dami ko na browser na natry ayaw pa din. Baka may idea kayo kung paano share niyo naman. Unity error pa din kasi nalabas.
Anong version ng laro sa'yo? Sa akin v3.0.0032 at naglalaro ako sa Firefox. May lumalabas din na error sa akin dati pero nawawala kapag nag-refresh na ako.
Anyway, maraming nilabas na guide dun sa telegram.
Para sa mga hindi nakakapasok sa game try nyo tong gawin.
1. Clear cache and cookies ng browser.
2. Hintayin na mag load at update ang game (para sa naka mobile)
3. Check internet connection.
4. Wag I-open ang game sa magkaibang device para hindi magka problema ang laro.
Sa mga may java script error
1. Reinstall browser (Yandex naman para sa mobile)
2. Reinstall Metamask/ Kardia Wallet (Siguraduhin na may back up ang seed phrase).
3. I-check at alisin kung may ibang wallet Extention.
4. Wag I-open ang game sa magkaibang device para hindi magka problema ang laro.
Sa mga nag hatch ng EGG pero iba ang pet na lumabas sa loob ng laro.
Hintayin lang na matapos ang maintenance kasi hindi natin alam sa ngayon kung Visual bug lang ba yung nakita nyo sa hatch at ang totoong pet ay yung in-game talaga.
Sa mga nawawalan ng Cages, plot etc.
1. Clear cache and cookies ng browser.
2. Reinstall browser (Yandex naman para sa mobile)
3. Reinstall Metamask/ Kardia Wallet (Siguraduhin na may back up ang seed phrase).
4. Hintayin na mag load at update ang game (para sa mobile)
5. Wag I-open ang game sa magkaibang device para hindi magka problema ang laro.
(Kung hindi parin maayos gamit ang mga nabanggit na paraan iwasan nalang muna na galawin ang account at hintayin ang official update galing sa team).
BREEDING/EVOLUTION BUG
Alternative Solution para sa breeding at evolve na successful at nabawasan ng DPET token :
1. Ulitin ang process
2. I-decline ang transaction sa Metamask/Kardia wallet (para hindi mabawasan ng DPET)
3. Hintayin hanggang maging successful ang Evolve/Breed.
IWASAN MAG BREED/EVOLVE SA NGAYON PARA IWAS PROBLEMA SA ACCOUNT
May Compensation para sa lahat ❤️
^ importante yung nasa huli