Gusto ko sana malaman kung may mga kababayan tayo na patuloy pa din na nag-aacumulate ng cryptocurrencies ngayong bear season kasabay ng pagtaas ng mga pangunahing bilihin.
Kung oo, pano nyo bina-budget yung pera sa pagbili ng crypto at real-life responsibilities.
Kahit gaano ka tight ang budget kung gusto mong umunlad, kailangan mo maglaan ng budget para sa investment. Ngayon ang pinakamaige na panahon para mag impok ng mga crypto dahil mura ang lahat. Pero dahil limited lamang ang budget, mostly mga stablished crypto na lang ang iniipon ko kagaya ng bitcoin, eth, xrp, bnb and the like. Hindi muna ako sumusugal sa mga bago o emerging kahit mas mura pa ang mga ito dahil gusto ko ng siguradong profit pagdating ng bull market. Pero walang masama mag invest sa mga bago basta nagawa mo ang tamang pagreresearch dito at mayroon kang extra na pera para dito.
Share kayo ng mga tips para sa mga kababayan natin dito na gusto din makapag-ipon ng crypto para sa susunod na market cycle.
1. Sa panahon ngayon hindi na sapat ang iisa lamang ang source of income. Importante na mayroon kang side hustle. Pwede kang magbenta benta, mag trading(kung marunong ka) , mag signature campaign o play-to-earn. Mas madaming side hustle mas mabilis makakapag-ipon ng crypto.
2. Matuto mag manage ng pera. Marami sa ating mga pilipino ang madalas mas malaki ang gastos kaysa sa kita. Maging istrikto sa paggastos at iwasan muna maging maluho habang hindi pa sapat ang kita upang suportahan ang mga ito. Maglaan ng pera sa saving, basic needs at kung may sobra tsaka lamang maglagay sa wants. Marami magsasabi, kulang na nga ang pera sa needs, mag lalagay pa sa savings. Ang sagot ko jan, gawin mo yung tip #1.