A big "NO" kabayan.
Though hindi natin masisi ang BIR kung bakit nila papatawan ng tax ang Axie dahil talaga namang kumikita ang mga dito.
Pero isipin natin, and dami daming mga negosyante na mga tax evaders at minamanipulate nila yung kinikita nila annually.
Tapos milyon-milyon pa yung kinikita.
Masakit talaga sa bulsa lalo na't sumusumod ka sa tamang pag ta-tax based sa income mo annually. Kaya't hindi din natin masisi ang mga negosyante kung bakit nag manipulate din sila sa kanilang mga kinikita.
The same goes sa mga Axie players. Paano nila tayo e ta-tax e napaka volatile ng crypto asset at malabong ma trace nila yung mga transactions natin na kinikita sa Axie.
Kung pupunta ka lang sa BIR at mag rehistro magiging komplikado lang ang lahat at maaring hahabulin kana ng BIR palagi.
Well, I'm not discouraging you guys pero para sa akin ito yung POV ko pag dating sa usapang taxation sa Axie.