Sa bagay na yan, meron pa naman tayong 3 months na palugit para magamit ang binance p2p, ngayon hindi pa natin alam kung meron pabang pwedeng mangyaring pagbabago kung totoo man na matatapos na ang kaugnayan ng Binance dito sa ating bansa.
Basta sa ngayon siguro, tuloy lang ang laban, sabi nga diba na sa bawat problema laging may katapat na solusyon, kaya siguro kung dumating man na talagang hindi na natin magagamit ang binance sa pamamagitan ng p2p nito via gcash, maya or what tiyak naman na may iba pang mga exchange na pwede parin nating magamit dyan for sure.
Possible lang yan kung mag comply ang Binance sa Sec. Which is mahirap masabi dahil sa previous issue. Sa ngayon mas mabuting humanap nalang ng alternative exchange na may p2p or yung kahit paano ay hindi hassle sa pagconvert from crypto to fiat at pagproceed sa withdrawal.
Tama yan dahil wala pang p2p noon ay nakakausad naman tayo sa crypto. Few years ago lang naman nagkaroon ng p2p, kaya wag masyadong isipin ang nangyayari sa ngayon. Sabi nga ng karamihan ay isa lang itong FUD para makapasok ang malalaking tao sa crypto bago pumasok ang bull run.
Totoo yang sinabi mo na yan, isang Fud lang yan na hindi dapat tayo magpadala sa negatibong ngyayari ngayon sa merkado sa mundo ng cryptocurrency. Lagi naman ngyayari ang ganitong mga kalagayan kapag napasok na tayo sa bungad ng bull run, kaya asahan natin na mas may darating pa na maaring matindi pa sa sitwasyon na ito.
Mainam na yung handa tayo palagi, saka tulad nga ng sabi mo ay nakasurvive naman tayo ng ilang taon na walang p2p ngayon pa kaya, tayong mga pinoy ay sadyang likas na mapamaraan at matulungin sa kapwa kababayan natin dito sa ating lokal. Chill lang tayo palagi